Epilogue

1.3K 33 3
                                    

ARK'S POV


NAPATINGIN ako sa larawang naiwan ni Ceejay sa opisina ko noong umalis siya patungong ibang bansa. Hindi ko maialis ang aking paningin sa larawan hanggang sa makita ko ang pangalan at address sa likuran no‘n.

Hyacinth Evans? What a nice name.

“Larky?” Pumasok sa loob ng opisina ko si Vivian.

Napabuntonghininga ako. I stared at her coldly. She's my ex-fiance and my secretary. Siya ang nagpumilit na maging sekretarya ko kaya wala akong magagawa.

“What do you want?”

Yumuko siya. “Can we talk?”

Kinunutan ko siya ng noo saka tumayo. “Wala tayong dapat na pag-usapan, Vivian.”

Pinuntahan ko ang address na ‘yon. Hindi ko maiwasang mapahanga sa taglay niyang ganda. Sinundan ko siya araw-araw kung saan siya nagpupunta. Hanggang sa nalaman kong dalawa ang trabaho niya. Sa coffee shop at karenderya. Kapag nagtutungo ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya ay siya ang gusto kong kumukuha ng order ko.

“Good morning po, sir! Ano po’ng order niyo?”

Ang ganda niya sa malapitan kaya pagkatapos kong sabihin ang order ko ay hindi ko maiwasang purihin siya, hindi ko alam kung narinig niya iyon.

“Pretty.”

“Sir?” Mabilis siyang napalingon sa ‘kin.

Dahil sa hiya ay nagawa kong sungitan siya. Palihim akong napangiti habang sinusundan siyang nagmamadaling nagtungo sa loob ng kusina. Pero hindi na siya ang nag-serve sa ‘kin ng mga inorder ko pagkatapos no'n.

Araw-araw ay nandoon ako para pagmasdan lang siya. Stalker na kung stalker pero mahirap siyang iwanan na lang. Ngayon lang ako naging desperado sa isang babae na kahit kay Vivian ay hindi ko ito nagagawa.

“I'm pregnant, Larky!”

Ilang buwan ang lumipas ng kumprontahin ako ni Vivian at sinabing buntis siya. Ilang buwan na din bago may nangyari ulit sa amin, lasing ako nang panahon na ‘yon kaya wala akong maalala sa ginawa namin.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko nang bigla kong maalala si Hyacinth. Nag-uusap na kami minsan ni Hyacinth nang panahon na ‘yon kaya natakot akong malaman niya ang tungkol kay Vivian.

Pinakisamahan ko si Vivian alang-alang sa bata. Kukunin ko ang bata kapag nanganak siya saka ko liligawan ang babaeng nagugustuhan ko ngayon. Patuloy pa din ako sa pagpunta sa coffee shop pagkatapos nang malaman ko. Hanggang sa nabalitaan ko na nasa hospital ang daddy ni Vivian, nag-aagaw buhay dahil sa tama ng baril sa dibdib nito. Sinamahan ko si Vivian doon dahil sa anak ko, natatakot akong baka mawalan na naman ito. At nangyari nga nang mamatay ng tuluyan ang daddy niya. Hindi matanggap ni Vivian ang nangyari, hindi na siya kumakain at napapabayaan na niya ang sarili niya kaya nang makunan siya ulit ay hindi ko na maiwasang nagalit sa kanya. Iniwan ko siya. Bumalik ako sa coffee shop at nalaman kong namatay din ang Papa ni Hyacinth nang araw na dinadala ang daddy ni Vivian sa hospital. Ang pinagkaiba lang ay dead on arrival ang Papa ni Hyacinth.

“Kaya ka ba laging wala dahil sa babaeng iyan?” Galit na itinapon ni Vivian sa mesa ko ang mga larawan ko kasama si Hyacinth. Sakto ang kuha ng litrato kapag kinukuha na ni Hyacinth ng order ko.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Where stories live. Discover now