Kabanata 2

1.2K 38 2
                                    

Kabanata 2

Sa sumunod na araw ay araw ng sabado. Wala akong pasok sa araw na iyon kaya nanatili lang ako sa bahay. Inabala ko ang sarili sa paglilinis. Pagkagising ko pa lang kanina ay nakaramdam na ako ng kaba na hindi ko alam kung saan nanggaling o para saan. Hindi ako mapakali ng sobra. Gusto kong puntahan si Layla pero hinihintay ko din ang pag-uwi ni Papa. Ang sabi niya ay hanggang ngayon araw ang siya sa sugalan. Ibig sabihin ay uuwi na ito ngayong araw.

"Hyacinth‽ Hyacinth‽" Ang natatarantang si Layla ang biglaang kumatok sa pinto ng bahay namin.

Mabilis ko naman siyang pinagbuksan dahil mukhang natataranta talaga siya. Halos ginabain na niya ang pinto ng bahay namin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala siyang tsinelas. Ang damit niya ay hanggang ilalim lang ng dibdib niya, para iyong sport bra. Hanggang tuhod naman ang kanyang short na sobrang luwang.

"Ano ba iyang suot mo? Bakit ka natataranta diyan? And where is your sliper?" Pinapasok ko siya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Ang ginawa niya ay nagpabalik-balik siya ng paglalakad sa harap ko. Nakikita ko ang takot, pag-aalala at pag-aalangan sa mukha niya.

"Layla, ano ba! Tigilan mo nga iyan, nahihilo ako." Sumunod naman siya. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Hyacinth..." para siyang kinakabahan. And I don't know why. I felt nervous na din.

My heart thundered dangerously loud. Para akong kinakapos ng hininga dahil sa mabilis na pagtibok niyon. Ano bang nangyayari sa 'kin?

"Just tell me. Why are you—"

"Hyacinth si T-Tito... Oh god! I'm sorry..." Tumulo ang luha niya pagkatapos ay niyakap ako. Humagulgol siya sa balikat ko. "W-Wala na si Tito, Hyacinth. W-Wala na ang Papa mo. Ni-raid ang s-sugalan kagabi tapos sinubukan ng Papa mo na l-lumaban para makatakas..."

Napatulala ako. Pakiramdam ko ay nahilo ako sa narinig. Napailing-iling nalang ako ng maramdaman ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi. It can't be. Is this just a dream right? Para lang akong tuod sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin, kung ano ang uunahin. Hanggang sa naramdaman ko ang pagyugyog ni Layla sa akin.

"H-Hyacinth please, be s-strong. Kailangan pa nating p-pumunta sa hospital..." Umiling ako. Nagsisinungaling kasi siya.

Pakiramdam ko ay may pumipiga sa puso ko at napakasakit niyon. Napakurap-kurap ako at umawang ang labi hanggang sa hindi ko na naitago at napigilan ang panunubig ng mga mata ko. Napatakip ako ng bibig at patuloy lamang sa pagtulo ng aking luha. Ayokong maniwala.

"L-Lay, hindi magandang biro 'yan... P-Please tell me that you're joking. P-Please, buhay ang papa ako." Lumayo ako sa kanya saka lumabas ng bahay. Kahit na nakapaa ay tumakbo ako. Sumunod naman agad siya sa 'kin. "P-Pupuntahan ko si Papa. A-Alam kong nagsisinungaling ka l-lang."

"Hyacinth please..."

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Mabuti na nga lang at malapit ang hospital sa lugar namin. Nakasunod lang sa 'kin si Layla. Pagpasok sa loob ay agad kong tinanong kung anong kwarto si Papa. Hindi ko alam kong bakit ako nandito. Ayaw kong maniwala pero nandito ako. Ang inaasahan kong sagot mula sa nurse ay hindi ko narinig. I just want to hear the room number of my father and she will tell me that my dad was okay pero iba ang narinig ko. Para iyong bomba na sumabog sa 'kin.

"I'm sorry ma'am pero nasa punirarya na po ang katawan ng Papa ninyo. Kagabi pa po ito naroon."

My heart hammered inside my chest. Tears stream down my eyes. Sobrang nasasaktan ako, iyon lang ang tanging alam ko. Muntik na akong matumba kung hindi lang ako naaalalayan ni Layla. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Nakatulala lang ako. Namalayan ko na lang na nasa bahay na ako, sa kwarto ko.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant