Kabanata 24

798 23 0
                                    

Kabanata 24

BETRAYAL doesn't only break your heart but also darkens your soul, you'll never forget the pain like a fog that forever lingers in the depts of your mind.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig ako ng mga boses. Ang puting kisame ang una kong nabungaran nang tuluyan kong naimulat ang aking mga mata. Nasa hospital ako? Bakit? Panandalian akong natigilan ng maalala ang nangyari. Nawalan pala ako ng malay pagkatapos kong makipag-usap kay Ceejay.

Muling bumalik sa aking alaala ang lahat. Kumirot ang puro ko, ramdam ko na naman ang sakit. I felt broke ...I feel that my heart was not functioning very well. Kailangan ko na bang palitan ang puso ko? Baka sakaling mawala ang lahat ng nararamdaman kong sakit.

"Ilalayo namin si Hyacinth sa anak niyo. You can't stop us, Tita." Narinig ko ang boses ni Layla kaya napatingin ako sa unahang parte ng kwarto.

Nakita ko siyang nakatalikod sa 'kin, hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya dahil natatakpan niya ito. Bakit nandito siya? Hindi ba't may trabaho siya?

"I won't stopping you, hija. Sa katunayan ay narito ako upang tulunga si Hyacinth. Parang anak ko na ang batang iyan, hindi ako makapaniwala na nagawang saktan ni Lark ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang intindihin siya. I can't tolerate this action of him even though he's my son. Ayokong masaktan si Lark pero gusto kong matuto siya sa pagkakamali niya. Hindi deserve ni Hyacinth ito, so I'll help you to hide her. Don't worry I won't tell him about his child.. I tried to hide them to HER too." Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko ng mabosesan ang kausap ni Layla.

Akmang magsasalita si Layla ng bumukas ang pinto. Pumasok doon si Ceejay may bitbit na mga pagkain. Itinaas niya pa ang mga kamay na puno ng mga plastik.

"Let's ea— Hyacinth?" Napatingin si Ceejay sa 'kin, nagulat pa siya ng makitang gising na ako.

Napatingin sa 'kin ang dalawang babae. Nang gumilid si Layla ay agad kong nakita si Mama Herlyn, napaiwas ako ng tingin sa kanila ng magsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko. Muli kong naalala si Lark nang makita ko si Mama.

"Are you crying?" Lumapit sa akin si Layla ng marinig ang paghikbi ko. Tinakpan ko ang mukha ko ng silipin niya ako.

"A-Ayoko na dito, Lay." Puno ang luhang tumingin ako sa kanya. "Please, i-ilayo mo na ako dito. A-Ayaw ko siyang makita, ayoko na. Sobrang sakit na dito, Lay." Itinuro ko sa kanya ang dibdib ko kung saan banda ng puso ko. "P-Pakiramdam ko kinuha sa 'kin ang puso ko ng sapilitan. Napakasakit, Lay. Hindi ko inaasahan na magagawa niya sa 'kin 'yon. Naniwala ako...Naniwala ako sa kanya. I trusted him with all my might pero sinira niya lang iyon. Gano'n na ba ako kawalang halaga sa kanya para paglaruan niya? P-Papa ko ang may kasalanan pero bakit ako pinarusahan nila? Bakit kailangan laging ako ang sumasalo sa kasalanan ni Papa? H-Hindi ako siya para ganituhin nila!"

"Hyacinth, calm down please..."

Umiling ako habang umiiyak. Layla hugged me tight kaya humagulgol ako sa balikat niya. Narinig ko pa ang pagsinghot ng kung sino animo'y umiiyak din.

The worst feeling in the world is knowing you've been used and lied to of the person you loved the most.

"How? How can I calm down if I'm hurting this much? Just make this pain stop, Lay. Pakiramdam ko ay pinapatay na ako ng sakit. G-Gusto ko lang namang maging masaya, pero bakit sobrang hirap gawin 'yon? Wala akong ginawa sa kanila... tahimik lang naman ang buhay ko ng dumating sila. I want my life before... ibalik mo ako sa panahong 'yon. Na hindi ko pa nararamdaman itong unti-unti kong pagwasak. Ayoko nito, ayokong maramdaman ito." Naramdaman ko ang paghimas ng kung sino sa buhok ko. Her familiar touch that make me cried more.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Where stories live. Discover now