Kabanata 11

843 24 0
                                    

Kabanata 11

'Ecclesiophobia is the irrational fear of Churches. There are many reasons as to why someone may be fearful or angry toward certain churches. The fear of Churches may be the result of negative emotional experiences that can be either directly or indirectly linked to the object or situational fear. In just as many cases, Ecclesiophobia may have become worse over time as more and more sophisticated safety behaviours and routines are developed.'

Iyon ang nabasa ko sa internet tungkol phobia niya. Mabuti na lang at binigyan niya ako ng cellphone dahil hindi ko talaga alam kung anong klaseng phobia ang meron siya. Hindi ko maiwasang masaktan at manlumo sa nabasa. Mariin kung ipinikit ang mga mata ko at inalala ang panginginig ng buong katawan ni Lark kanina. Hindi ko alam, kung may nagsabi sa 'kin sana ay hindi ko na siya sinama pa.

"Wife, talk to me please."

Nahihiya akong harapin siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero may mali din naman siya. Kung sinabi niya sa 'kin about sa phobia niya eh 'di sana walang mangyayaring ganoon. Malaki lang talaga ang naging kasalanan ko dahil hindi ko sinabi sa kanya na sa kapilya ang punta namin. Naging padalos-dalos ako.

Kailangan ko si Layla ngayon. Tumayo ako mula sa kama at pumasok sa walk-in closet. Nagbihis ako bago tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto. Agad na bumungad si Lark sa 'kin, magulo ang buhok niya at para siyang pagod.  Dalawang araw ko na siyang hindi pinapansin, lahat ng paraan ginawa ko maiwasan lang siya.

"Saan ka pupunta?" Nakasunod siya sa 'kin at nahihimigan ko ang pangamba sa kanyang boses.

"Layla. Babalik ako mamaya." Tuluyan na akong lumabas.

Maglalakad na lang ako hanggang sa gate. Mabilis ang bawat paghakbang ko. Kinakabahan ako baka sumunod si Lark sa 'kin. Tudo pigil talaga ako sa sarili ko kapag kinakausap niya ako. Alam ko konting pilit na lang ay bibigay na ako. Masyado akong marupok.

"Hyacinth? Anak!" Isang boses ang tumawag sa 'kin kaya natigilan ako.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Mama Herlyn."

"Saan ang punta mo? Bakit naglalakad ka lang? Nasaan si Lark?" sunod-sunod na tanong niya.

"Sa kaibigan ko po, gusto ko po kasing maglakad-lakad. Nasa bahay pa si Lark, may ginagawa po." Kahit wala namang ginagawa iyon.

"Hindi ka man lang hinatid ng lalaking iyon?" Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Nabitin ako sa pag-uusap natin kamakailan. Let's go out? I want to know you more."

Natigilan ako. Pupunta pa sana ako kay Layla pero hindi naman pwede na tanggihan ko siya. Tumango na lang ako. "Sige po, Mama."

Sumakay ako sa kotse niya saka kami nagtungo sa isang restaurant, malapit lang sa village. Hinayaan ko na din na si Mama ang umorder. Bumuntong-hininga ako at tumingin na lang muna sa labas. Glass wall ang pader nila at nasa pinakagilid kami. Nakikita ko tuloy ang mga dumadaan.

"May problema ba, Hyacinth? Kanina ko pa napapansin mukhang malungkot ka. Nag-away ba kayo ng anak ko?"

Tiningnan ko siya. "Mama alam niyo pong may Ecclesiophobia si Lark?"

Mukhang natigilan siya. Napansin ko ang paglungkot ng mukha niya. "Oo, simula ng mamatay ang totoong magulang niya."

"Pwede ko po bang malaman kung paano? Paano pong takot siya sa mga simbahan? Ano pong nangyari?"

Hindi muna siya nagsalita nang dumating ang pagkain namin. Saktong pag-alis ng waiter ay tumingin siya sa 'kin. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko dahil sa kaba. Kaba na hindi ko naman alam kung para saan ba.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Kde žijí příběhy. Začni objevovat