Kabanata 15

801 25 0
                                    

Kabanata 15

NAPATINGIN ako sa aking gilid at naabutan si Lark na nakatungo at nagkukunwaring abala sa pagkain ngunit may nakakalokong ngisi naman sa labi.

Hindi na natanggal ang ngisi niyang iyon mula kaninang dumating si Vivian. Humigpit ang magkakahawak ko sa knife at tinidor. Nagsalubong ang magkabilang kilay ko habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

Saktong pagdating kanina ng pagkain namin ay ang pagdating din ni Vivian. She asked us kung pwede daw siyang makisabay sa amin. I didn't answer her pero itong hinayupak na asawa ko ay pumayag naman.

Sobrang delikado talaga ako sa lalaking ito.

"You're smiling hmm," nanunuksong saad niya and poked my nose. Ang hilig niyang gawin iyon sa ilong ko, minsan ay napapaisip na din ako kung baka ay naiinggit na siya sa ilong ko.

Ngumuso ako at umirap. "I am not. Stop staring at me nga, Lark!" Nakita ko ang mainit na titig niya sa 'kin.

"It is bad? I love staring at you. You're beautiful, wife." He's smiling widely while saying that. At nang pandilatan ko siya ay kinindatan lamang niya ako animo'y masaya pa na naiinis ako. Ano bang problema ng lalaking ito?

"Tigilan mo ako."

Minutes have passed patuloy lang niya akong iniinis. Hanggang sa dumating na ang pagkain namin ngunit ang kinainis ko lalo ay ang makita ang isang waitress na patungo sa puwesto namin bitbit ang cart na puno ng pagkain. Nawalan ng emosiyon ang mukha ko saka itinuon na lamang ang pansin sa plato ko.

"Wife," Lark called me but I didn't look at him. Hind ko siya pinansin. Hindi ba niya nakikita ang waitress? Sinabi niya sa waiter kanina na walang waitress ang magdadala ng order namin ngunit ano naman itong nakikita ko? Bumuntong-hininga ako.

"You need anything, sir?" The sweet voice of a waitress echoed on my ear.

Hindi ako umangat ng tingin. Baka bumuga lang ako ng apoy kapag nakita ko ang mukha ng waitress 'yan. Halata naman sa mukha niya na gusto niya si Lark. Papunta pa lang siya sa table namin ay nakita ko na ang titig niya sa asawa ko.

Tahimik akong kumuha ng pagkain at nilagay iyon sa plato ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Lark pero ramdam ko ang titig niya sa 'kin. Tinikman ko ang pagkain at napamangha ako sa sarap no'n.

"I told you that I don't want a waitress who brings our food! Are you deaf?" Nagulat ako ng magtaas ng boses si Lark.

Nang lingunin ko siya ay masama ang tingin niya sa waiter na kumuha ng order namin kanina. Namumutla ang waiter dahil sa sigaw ng lalaking katabi ko, kasama na ang waitress.

"Sir, sorry po! Nagpumilit po kasi siya," sagot ng waiter saka yumuko. Nakita ko pa ang pag-alala sa mukha niya ng sumulyap sa waitress.

He's inlove, iyon lang ang masasabi ko. Alam ko ang mga tinging iyon dahil nakita ko na iyon noon kay Layla sa naging unang boyfriend niya.

"Where is your manage—"

Pinutol ko na ang ano mang sasabihin ni Lark. "Tama na Lark." Saka ako nagpatuloy sa pagkain.

"But—"

"Larky!" Isang boses ang muling pumutol kay Lark. That endearment, iisang tao lang naman ang tumatawag kay Lark ng ganyan. Si Vivian. Ang babaeng walang ginawa kundi ang pumunta sa bahay para makipagharutan sa asawa ko.

Sumenyas ako sa waiter na umalis na. Sabay silang umalis ng waitress. Hindi ako tumingin sa bagong dating. Hindi ko alam pero naasiwa ako sa mukha niya. Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko kaya sobrang kinakabahan ako na baka may magawa ako.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Where stories live. Discover now