15💚Pusong Umaasa

0 0 0
                                    

"Tumayo ka Prinsesa!" wika ni Haring Sakdal habang inaalalayan ang dalaga na tumayo.

"Hindi lamang iyan, ang mga pumanaw na biktima ay bibigyan natin ng pabuya ang mga pamilya, kung buhay naman ay pauuwiin natin sa mga tahanan nila at bibigyan din ng pabuya." Wika naman ni Haring Liwanag

"Isang barang ginto sa bawat taong sila'y nawalay sa kanilang mga pamilya, sapat na ba ito Prinsesa?" nakangiting wika ni Haring Sakdal

"Anong masasabi mo Prinsesa?" tanong ng Ama

"Higit pa ito sa aking inaasahan mga Kagalang-galang na Hari!" halos naiiyak na wika ng dalaga saka yumukod sa harap ng tatlong Hari "Salamat po!"

"Para kay Haring Matuw!" Masayang sigaw ng dalaga

"Para kay Haring Matuw." Sabay sabay na wika naman ng tatlong Hari

Saksi ang lahat ng tao sa araw na iyon, isang matapang na dalaga ang nagpabago ng kasaysayan sa pamamagitan ng patimpalak na  Lakambini!

"Mga kaibigan, palakpakan nating muli Ang nagwagi sa taong ito sa kauna-unahang pagsali sa Lakambini, kauna-unahang din kalahok na nakakuha ng perpektong puntos sa kasaysayan ng palarong ito, walang iba Kung hindi Ang ating magiting na Prinsesang si Mahalia ng Kaharian ng Langit!!!! Sigaw ni Ribo at Baras

Nagtayuan naman Ang lahat ng tao at nagsipalakpak na malakas at Naghiyawan

"Gayon din palakpakan din natin Ang lahat ng lumahok na kadalagahan sa patimpalak na ito! Hanggang sa susunod na palaro! Magkita kits tayong muli sa susunod na taon!" Masiglang wika ni Baras

Masayang nagsigawan Ang mga tao.

"Inaanyayahan na po ang lahat sa katabing bulwagan para sa masarap na hapunan na inihanda ng Kaharian ng Amihan!" Anyaya naman ni Ribo

Ang lahat ng tao ay nagtungo sa bulwagan Kung saan nakahain Ang magarbong hapunan para sa lahat!

Bumaba naman si Mahalia sa entablado na puno pa rin ng mga tao na bumabati sa mga kalahok. Iginala ni Mahalia Ang mata, hinahanap Ang matalik na kaibigang si Prinsipe Irah, nang mahagip ng kaniyang panangin Ang kinatatayuan ng binata, ay nginitian Niya ito at kinindatan.
Napatingin naman si Ada sa gawi na tiningnan ni Mahalia at nakitang nakangiti si Prinsipe Irah.

Nakaramdam si Ada ng matinding Galit ngunit pinigil niya Ang sarili.

"May Araw ka rin Mahalia!" Banta nito sa isip

Muling Iginala ni Mahalia Ang paningin at nakita Ang kaniyang pamilya na magkakasamang naglalakad patungo sa kaniya, napatakbo Siya at Yumakap sa Ama, sa Ina, at sa Kaniyang Kuya Azur, tapos sa iba pang kapatid.

"Ikaw bang talaga Yan Ate?" May pagaalinlangang wika ni Siah
"Ikaw pala Ang mas kamukha ng ating Inang Reyna!" Paghanga nito. "Ate, Mula ngayon, hindi na Kita aasarin!" wika ng ngayo'y labing walong taong gulang nang dalaga, na ikinatawa naman ng lahat

"Higit na mas maganda kasi sa iyo si Ate Mahalia!" Biro naman ni Nalu, sabay takbo dahil alam niyang hahampasin Siya ni Siah

"Totoong ipinagmamalaki ka namin anak!" Wika ni Haring Dalisay na Kita sa mukha Ang kasiyahan sa natamong tagumpay ng anak, hindi lang sa patimpalak, maging sa Buhay nito

"Hay! Binabawi ko na Yung nasabi ko pitong taon na ang nakakaraan! Alona, Siah, gayahin ninyo si Mahalia!" Nakangiting wika ni Azur sabay kabig sa kapatid, kukurutin sana Niya Ang pisngi nito ngunit naalala Niya, hindi na pala ito mataba

"Ngayon ganyan ka sa akin! Mataas na ba Ang tingin mo sa akin Kuya?" Biro ni Mahalia "Karapatdapat na ba ako sa respeto mo?"

"Opo Kamahalan!" Natatawang sagot naman ni Azur

Strong-Willed: His Heart's DesireWhere stories live. Discover now