8💚Ang Katotohanan

0 0 0
                                    

Napatitig si Azur sa pinto. Lumakas lalo ang tibok ng kaniyang puso! Ah hindi! Nagwawala na ito!

Hinawakan niya ang seradura at maingat na binuksan ang pinto. Mula sa kinatatayuan, kitang kita niya ang isang dalagang nakaupo sa higaan habang nakadungaw sa bintana, nakatanaw sa dagat at umiiyak. Hindi simpleng iyak lang, umaalog ang balikat nito sa sobrang pagiyak!
Marahil, masyado talaga itong nasaktan. Iyak ba ito ng pagsisisi? Ng pagkamuhi? Pumasok siya sa silid at marahang isinara ang pinto.

"L-Luntian..." mahinang tawag niya sa dalaga

Napatigil sa paghagulgol si Luntian, lumaki ang mga mata nito ngunit nanatili ang tingin sa dagat. Hindi niya sinubukang lumingon sa likod, nahihiya siya, wala na rin naman siyang mukhang maihaharap. Huminga siya ng malalim, hinahagilap ang lakas ng loob na nagkalat kanina pa!

"Luntian?" Muling tawag ni Azur

Bakit ba sa tuwing binabanggit ng lalaking ito ang pangalan niya, o marinig man lang ang tinig nito, napapanghinaan siya! Parang lahat ng sensasyon sa buo niyang katawan ay nawawalan ng direksyon!

"Isang malalim na hinga pa Luntian!" pagpapalakas niya sa loob, at sa wakas, medyo nakaramdam siya ng lakas ng loob na magsalita.

"Paumanhin Mahal na Prinsipe kung narito ako. Nais ko lang tanawin ang dagat upang kumalma." Tumayo siya ngunit nanatiling nakatalikod
"Ngayon maayos na ang aking pakiramdam. Ako'y aalis na rin." pilit kinakalma Ang sarili sapagka't dinig Niya Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso

"Sandali!" medyo napalakas na wika ng Prinsipe

Napaigtad ang dalaga sa tono ni Azur, hindi naman iyon nalingid sa binata. Mukhang natakot pa niya ang dalaga sa tinuran niya.

"Ah.. Paumanhin sa aking tinuran... Pwede ba tayong magusap pa?" may pagsusumamong wika ni Azur

"Ano pa bang paguusapan natin? Alam kong wala na..." halos pabulong ang mga huling katagang sinambit ng dalaga
"Kaya't magpapaalam na ako Mahal na Prinsipe, hindi na kita gagambalain pa!"

Ngunit bago pa man makaharap si Luntian patungo sa pinto, ay niyakap na siya ni Azur mula sa likuran, na ikinagulat niya. Nais niyang magprotesta, pumalag, ngunit nanghina ang buo niyang katawan! Nais din niyang magsalita, walang lumabas na salita mula sa kaniyang labi. Napatingin siya sa magkabilang braso na nagkukulong sa kaniyang katawan ngayon. Mas lalo siyang nanghina nang maramdaman ang paglapit ng mukha ng binata sa Kaniyang tainga. Kinilabutan siya.

"Hayaan mo akong magsalita maari ba.." pabulong na wika nito, nakikiusap
.
"Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa iyo... Ngunit nais Kong pakinggan mo ito." pagpapatuloy ng binata

"Mula noong unang araw na makita kita, nakaupo sa sahig matapos pagkatuwaan ng ibang bata, ay sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan kita sa mga aapi sa iyo dahil nakita ko sa iyo ang aking kapatid na si Alona. Ninais kong maging kaibigan mo kaya't tinuruan kita ng maraming mga bagay lalo na sa larangan ng pagdepensa para maipagtanggol mo ang iyong sarili kung sakaling wala ako..." pagbabalik-tanaw ng binata

"Lumipas ang isang taon, maayos ang ating naging samahan."

"Isang araw, dumating ka sa palasyo, ramdam kong sobrang lungkot mo, at nalaman ko ngang huling araw mo na sa Kaharian ng Langit, at narito ka upang magpaalam."

"Nakaramdam ako ng lungkot dahil dalawang taon kang mawawala, ngunit para pasayahin ka, sinabi kong dapat na ipangako natin sa bawat isa na habang buhay tayong magiging magkaibigan, na hindi ito matatapos kahit pa magkaroon tayo ng kani-kaniyang pamilya."

Strong-Willed: His Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon