6💚Pabuya: Isang Tanong

0 0 0
                                    

"Ito na Ang huli ni Binibining Luntian!" Wika ng tagaanunsyo

"BUKSAN MO NAAAA!!!" Hindi makapaghintay na sigawan ng mga tao

"HUWAG MO NANG PATAGALIN PAAA!!!" Gigil na sigaw naman ng mga kabinataan

Nagtawanan Ang lahat

"Eto na!.." pagbitin ng taga-anunsiyo

"Teka lang!" Putol ng isa "Bago natin buksan Yan, tanungin Muna natin Ang naunang dalawang dalaga bakit ito Ang huli nila."

"HAAAYYYY...." Dismayadong wika ng lahat

"May mga pupuntahan ba kayo? Tila hindi kayo makapaghintay ah!" Pabirong wika ng taga-anunsiyo, nagtawanang muli Ang mga tao.

"Unahin natin si Prinsesa Alona na unang nagdala ng lobo."

"Ang lobo Ang simbolo ng aming Kaharian, at sa buong bansa, dito lamang sa aming Kaharian matatagpuan Ang mga ito." Sagot ni Alona

"At nakita naman natin na nagdala Ang nakababata Kong kapatid na si Prinsesa Mahalia ng Isang puting lobo, Kung nakaya niyang humuli ng Isang mailap at bihirang Makitang puting lobo, marahil ay kaya ko ding humili ng lobo kahit Yung kulay na pinaka-karaniwan!" Nakangiting wika ng Prinsesa

Makikitang napasimangot si Wadesa sa sinabing iyon ni Alona

"Mahusay na sagot!" Sabi ng isa

"Totoo nga namang dito lang sa Kaharian ng Langit maraming lobo. Kaya tanyag ito sa buong bansa!"

"Ay! Pero sandali, parang Ang pagkakaunawa ko sa paliwanag ng Prinsesa Alona eh Kung kaya ng Isang matabang batang si Prinsesa Mahalia na humili ng mailap na lobo, aba'y siyempre, mas kaya niyang humuli din kahit ordinaryong kulay na lobo lang dahil mas maliksi pag payat ka! Pagbibiro ng isa

"Hoy!" Pinandilatan nito Ang Kasama
"Ngunit hindi maikakaila na kahanga-hanga si Prinsesa Mahalia biro mo, napakabata pa niya sa edad na labing tatlo, at kahit sa Lakan Laban, wala pang nakapagdala ng puting lobo maliban kay Haring Dalisay kaya bigyan naman natin ng palakpak Ang matapang na Prinsesa!" Pagpuring bawi nito

Nagpalakpakan Ang mga tao

"Siyang tunay! Napakahusay ng Prinsesa at hindi malayong mapanalunan Niya Ang titulong Lakambini kapag dumating na siya sa tamang edad."

"Yan! Dapat ganyan Ang pananalita mo upang mabigyan Tayo ng gantimpala hindi Yung kada Salita mo parang hinihingi mong tapusin na Ang ating buhay!"pabirong wika nito

"O Siya, Palakpakan po natin Ang ating Prinsesa Alona!"

Nagpalakpakan Ang mga tao habang nagtatawanan dahil sa palitan ng usapan ng dalawang tagaanunsyo. Kitang Kita naman sa mukha Nina Haring Dalisay At Reyna Liwayway ang kagalakan dahil sa galing ng dalawang anak. Gayun din si Azur na napatingin sa dako ni Mahalia.

"Dumako naman Tayo kay Binibining Wadesa." Muling wika ng tagaanunsyo "Parehas na katanungan."

"Para sa akin naman, Kung kaya ng mga Lakan, kaya rin naming mga Lakambini!" Pabiro, ngunit may angas na wika ni Wadesa

"Hmmm.. mga binata, tandaan ninyo, huwag magpadaya sa kahinhinan ng Isang dilag!"

Nagtawanan Ang mga tao.

"Isa itong babala Kung sakaling saktan ninyo Ang damdamin ng ating mga dilag, kaya matakot na Yung may pagtingin sa Binibining ito!"

"Ooooooohhh..." Sabay sabay na wika naman ng mga kabinataan

"Narinig na natin Ang dahilan ng naunang dalawang Binibini, ngayon Bago natin buksan at tingnan Ang huli ni Binibining Luntian, ay tanungin Muna natin Ang dahilan bakit napili Niya Ang kaniyang huli."

Strong-Willed: His Heart's DesireWhere stories live. Discover now