Chapter 30

1.3K 64 5
                                    

The Sultan and I
Chapter 30


"My Osman..." I lovingly cooed at my son while holding him in my arms.

Kasalukuyan akong nakaupo sa balcony ng kwarto namin ng Sultan habang nilalaro ang aking anak. Samantalang nanatili namang nakatayo si Petia sa isang tabi at pinapanood kaming mag-ina.

Zahir allowed her to stay with me without any questions being asked. Upon knowing that she came from the same land as me, he accepted her to become my personal maid.

"You have all of these beautiful and shiny things, and yet you're all living miserable lives." Petia spoke again without thinking.

Nagtaas ako ng mukha at tinignan ang walang emosyon na mukha niya. Ngunit mas pinili kong huwag ng magsalita.

Samantalang tinignan niya naman ang mukha ni Osman bago siya nagtaas ulit ng tingin sa akin.

"He's not your son, is he?" She asked.

Kaagad akong natigilan mula sa kinauupuan ko ngunit katulad kanina ay mas pinili kong manahimik nalang. I don't want to argue with her again.

"You don't have any resemblance to him." She added when she received no answers from me.

Minsan ay hindi narin ako natutuwa sa pagiging prangka ni Petia sa pagsasalita. Pero ang ipinagpapasalamat ko nalang ay hindi narin siya umuungkat ng kahit ano pa man.

It's better to have someone like her who can protect me and my son than to have no one I can rely on.

Nasa gan'on parin kaming posisyon nang bigla naming marinig ang malakas na boses ng male servant na nagbabantay sa labas ng kwarto ng Sultan.

"Behold! His Excellency, Sultan Zahir Khan!" The man announced his arrival.

Kaya nilingon ako ni Petia bago siya nagsalita.

"Your husband is here." She said.

Tumayo ako mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa pintuan para salubungin ang pagdating ng Sultan.

Matapos iyon ay biglang bumukas ito at ang gwapong mukha ni Zahir ang agad na sumalubong sa paningin namin. He looks like he just came from a court meeting.

Sabay kaming yumuko ni Petia sa kanya. At nang makita niya ako ay katulad ng dati, kaagad na gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi niya.

Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong mga pisngi bago niya ipinataas ang mukha ko. Then he tenderly kissed me on my forehead.

"My sun and my moon..." He lovingly whispered to my face.

Isang simpleng ngiti naman ang isinagot ko sa kanya.

"I've been waiting for you, your majesty." I replied with a smile on my face. "I and your son are waiting for your return."

Atsaka ko itinaas si Osman para ipakita sa kanya ang prinsipe.

Ngunit nang makita niya ang prinsipe ay kaagad na napuno ng lamig ang kanyang mga mata.

It is clear in his eyes that he can't see Osman as his son, which saddens me.

I know that he only allowed Osman to stay by my side to cure my depression. If I had not fallen into sickness, there is no way that he would have allowed the Sehzade to be in my care.

Nagtaas nalang siya ulit ng mukha at hindi na pinansin ang prinsipe na karga ko.

"Come, my flower. I want to show you something." There was excitement in his voice when he spoke.

The Sultan and IWhere stories live. Discover now