"Nagpost kase ako kanina sa IG, kung ano yung mga tanong na gusto nila na itanong ko sayo. Marami talagang nagsend. Pumili lang ako ng mga 20 questions. G ka ba Deanns?" As if naman may choice ako. Di ako badtrip ah hahaha. Medyo lang. Joke. "Sige lang buddy." Nakangiti kong sagot sakaniya.

"Okay! Okay! First Question! Madami talaga akong nakita na gantong tanong para sayo. Basic lang muna tayo. Kumbaga level 1 muna na mga tanong yeeees hahahaha. Ano daw height mo?" Usapang height na naman tayo hahaha. Alam ko nasagot ko na to dati e. Andami kase curious kase mukha daw ako maliit pag sa TV pinapanood. Ang unfair lang hahaha. "5'8. Ang alam ko nasagot ko na yan before e." Angal ko naman kay Pongs. "Ganyan talaga yang mga yan Deanns, gustong gusto nilang paulit ulit na tanong tulad ng nasan si Jema bla bla bla" Nakangisi naman niyang sabi. Gustong gusto niya din to e, na pagusapan namin si Jema. Hay nako Pongs. Pasalamat ka talaga mahal kita kundi nako nalayasan na kita.

Mag-iisang oras na kami nagtatanungan at kita kong nasa 55k views na ang paglilive namin ni Pongs. Grabe naman talaga ang mga fans ngayon. Nasa 18th question na yata kami, I lost count na rin e. Nakita ko namang naghahanda na si Jema ng food at mga plato sa dining table. Tumingin ako sakanya, she mouthed na magshoshower lang siya and I just nodded at her and mouthed sorry kase alamko pagod siya and everything tapos siya parin nagiintindi ng foods namin. Hays. Naguiguilty ako. Babawi nalang talaga ko after.

"'Mukhang may kasama kayo jan ate Pongs ah! Kasama reveal po' Ay wow Deanns, may kasama daw ba tayong iba?" Shit. Nalimutan kong kita pala ko sa camera. Malamang nakita nila na may kinakausap ako na ibang tao tas nag pout pa nga ko kay Jema. "Kasama? Ah si Ollie lang yun hahaha" Awkward ko na lang na pagsagot sakanya. Natatawa naman si Pongs. Hindi ko rin kase maamin kase baka mamaya madamay pa si Jema dito e nakakahiya naman dun sa tao, wala pa ngang pahinga e.

"Okay si Ollie lang yun guys. Nakakaintindi na ng language ng humans si Ollie okay? Hahahaha. Proceed na tayo, for our 19th question! Hmmmm, prepared ka kaya dito Deanna? Insert drum roll! Shet kinakabahan naman ako itanong. Pwede ka magpass Deanns ah! Kase love kita, pwede ka magpass hahaha. Okay! Tanggap ba ng parents mo si Jema?"

Natahimik naman ako don ng konti. Masyadong personal din e. Pero I know time ko na rin to para sabihin yung nararamdaman ko if ever na mapapanood nila to.

"umm, we're getting there. I mean, hindi pa ako nakakauwi sa Cebu to personally talk to them about my relationship with Jema pero I know na aware naman sila kase we've been open naman with our relationship sa mga social media accounts namin. If mahirapan naman sila matanggap yun, I completely understand naman pero it won't stop me from keeping Jema. I love her and she has a big part kung bakit I am really happy right now. Hindi ko itatapon yun sa kahit anong rason." I answered with all my heart. Wala naman akong sinabi na hindi totoo. Kahit ano naman talagang sabihin ng family ko, hindi ko iiwan si Jema.

"Bigat naman non Boss D! Pero ipagppray namin yan ng mga fans mo na in time, maging happy lang ang lahat. Dasurv nyo yon ni Jema. Isang Yamashita nga jan kung agree kayo mga Kumu abangers natin jan! Yes naman! Galante ang mga fans mo Deanns Hahahaha." Kanina pa nga ako nagkikita ng Yamashita na tinutukoy ni Pongs. Pagtingin ko din, nasa 84k views na kami. Wow. Pagtingin ko sa kabilang side ng living room, nakaupo na pala dun si Jema. Narinig niya kaya yung sagot ko kanina?

"Ayan last question na! Actually Deanna, wala talaga kong pinrepare na last question. HAHAHAHA. kase may pinilit din akong tao na magbigay sayo ng last question na yun. Ready kanaba Deanna???" Iba na naman yung mga tingin niya. Sino naman kaya tinutukoy niya. Nakakatakot naman mga pakulo nitong si Ponggay.

"Guys! Iwelcome natin! Ang isa niyo pang inaabangan! Fresh na fresh from the shower! Ang frenny ko and ang love of her life ng idol niyo! Ms. Jema Galanza!!" Whut? Namalayan ko na lang na tumabi din sakin si Jema and kumakaway na siya sa camera. I just look at her na very confused kase wala akong alam na may usapan silang ganito.

"Kilay mo baby! HAHAHAHA. Magkasalubong na naman. Ganto kase yan, alam ni Pongs na pauwi ako today. Odiba? Ang galing namin umacting. Hahahaha. Nagpm kase siya sakin kanina na ininvite ka nga daw niya magKumu edi sinabi ko if pwede ako magjoin kase nga uuwi ako and then yun, eto na tayo! Hahahahaha" Nakanganga lang ako sakanilang dalawa habang tawa sila ng tawa. Wala talaga akong kaalam-alam. Lagot talaga sakin to si Pongs bukas.

"Osige na sige na mamaya na kayo magaway at bukas mo na ko awayin Deanns. hahahaha. Sinulit ko talaga tong guesting mo sa live ko dahil baka ma-first and last mo ko Deanna. HAHAHA. Odiba solid kayo na guest dalawa, look, nasa 100k viewers na tayo!! G na Jema! Tanong na, yung magiisip talaga tong si Boss D ah! Hahaha" Tumingin naman ako kay Jema at talagang nagiisip siya ng malalim habang nakatitig lang sakin.

What if halikan kaya kita sa harap ng camera? Joke.

"Hmmmm, simple lang. Sigurado ka na ba sakin?" Nakangiti niyang tanong. Hindi naman mahirap tong tanong niya pero siyempre alam ko namang she loves it pag naaassure ko sya vocally kaya I'll give her what she wants.

"Yes. Walang second thoughts, siguradong sigurado na ako sayo. Kahit hindi naman tayo nagsimula romantically, alam ko na agad noong una pa lang na siguradong itong taong to yung gusto kong parte ng habambuhay ko." Nakangiti ko ring sagot sakanya habang hawak yung kamay niya. Hindi naman kita yun sa camera e kaya lowkey landian lang pag may time. Kiniss ko naman siya sa forehead kase baka masyado namang PDA pag sa lips. Hahahaha. Hindi ko mapigilan e.

"ANO BA YAN? Di ako informed na ang pangit pala maging third wheel. Char! Hahahaha. Hinay-hinay lang guys! Mahaba pa ang gabi at nandito pa kami at ang netizens. Oh ayan, gutom na ko, gutom na silang dalawa. Oras naman para kumain kami at kumain na rin kayo! Sana nagenjoy kayong lahat sa mga guests ko for tonight! Thank you! Thank you! And keep on following lang, malay niyo diba, mapilit ko ulit si Deanna ng second, third, fourth and many many guestings. Yieeeeee. Hahahaha. May gusto ba kayo sabihin dalawa? Ikaw nalang Jema, para naman mahaba haba exposure mo for today's videow Hahaha" Totoo gutom na ko talaga and finally tapos na. Hahaha. I'm happy rin naman na makatulong kay Pongs and personally, I guess nakatulong din to para mabawasan yung fear ko sa mga gantong klase ng online platforms. Nagthank you lang din si Jema sa pagsupport samin individually and sa relationship namin and nagpaalam na rin siya. Nagpaalam na si Pongs at tinapos na ang Kumu live niya.

Kumain na rin kami agad at naginsist si Pongs na siya na ang maghugas kapalit ng abala daw niya saming dalawa. Hindi naman ako tatanggi syempre, ayoko maghugas e. Hahahaha. After namin magligpit at konting chill sa sofa, dumating na yung sundo ni Pongs kaya nagpaalam na rin kami sakanya.

"Antok kana, baby?" Tanong ko kay Jema na medyo nakakatulog na sa pagkakaupo sa sofa.

"Oo, baby e. Sorry ah? Babawi ako bukas. Promise." Sagot niya habang papikit pikit na. Ang cute naman talaga nito. Nakakatulog na ulit siya nang di niya inaasahan na binuhat ko siya bridal style papunta sa kwarto.

"Grabe baby, magasawa lang?" Natatawa naman niyang sabi after makarecover sa pagkakagulat sa pagbuhat ko sakanya. "Practice lang baby. Doon din naman ending e. Hahaha" Kiniss ko na siya sa noo at kinumutan ko na siya. Nagshower muna ako saka tumabi na rin sakanya para matulog. Pagsilip ko sakanya ay tulog na tulog na. Ang cute. Inayos ko ang tayo naming dalawa at nagpicture ako.

 Inayos ko ang tayo naming dalawa at nagpicture ako

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

deannawongst: Finally, she's home ❤️

Build Me Upजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें