💚Prologue💚

8 0 0
                                    

"Maniniwala ka ba Kung sasabihin ko sa Iyong nagmula ako sa nakaraan?" Bulong ni Mahalia kay Ezequiel, lehitimong tagapagmana ng Hari ng kasalukuyang bansang Amaron,

Inangat Niya Ang mukha Mula sa pagkakabulong sa tainga ng binata.

Mula naman sa pagkakayuko, ay iniangat ng nakainom na Prinsipe Ang kaniyang tingin sa body guard na si Mahalia na nakatayo sa Kaniyang harapan. Sinalubong Niya Ang matalim na tingin nito.

Yumukod ng bahagya si Mahalia, dahilan upang mas magkalapit Ang kanilang mga mukha.

"At alam mo bang sa panahon ko, hindi maaring umasta ng ganito Ang Isang Prinsipe?" Mariing sambit ng dalaga habang hindi pa rin inaalis Ang pagkakatingin sa binata

Ikiniling ni Ezequiel Ang ulo sabay nangalumbaba, Ang tingin ay nakapako pa rin kay Mahalia. Maya-maya pa'y ngumiti ito at tumingin sa mga kasamahan sabay itinaas Ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko

"Hayyy!!! Tsk! Paano mga Kasama, kailangan ko nang umalis. Over protective kasi itong aking Asawa!" Sabay baling ng tingin kay Mahalia

Napatayo ng matuwid Ang dalaga, pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi ng binata. Walang Sabi sabi'y tumalikod ito at iniwan Ang Prinsipe. Tumayo naman si Ezequiel Matapos tanguan ang mga Kasama Saka mabilis na sinundan si Mahalia

Pag labas Niya sa restaurant ay nakita Niya ang dalaga na nakatayo na sa tabi ng kaniyang motor. Napangiti siya habang nilalapitan ito.

"Ikaw Ang magmaneho hindi ko kaya!" Utos Niya dito sabay bato sa susi. Maagap na nasalo naman ni Mahalia Ang susi habang  walang kibo na nakatitig sa kaniya

"Isuot mo sa akin Ang helmet ko." Muling utos niya. Sumunod naman Ang dalaga at habang isinusuot nito Ang kaniyang helmet ay nakatitig lang Ang binata sa mukha nito.

Sumakay na si Mahalia sa motor at isinuot Ang helmet saka pinagana Ang makina. Maya-maya pa'y sumakay na rin Ang Prinsipe sa likuran niya

"Maniniwala ka ba Kung sasabihin ko sa iyo na kaya Kong bumalik sa nakaraan, Prinsesa?" Bulong nito sabay yakap sa Kaniyang baywang.

Strong-Willed: His Heart's DesireWhere stories live. Discover now