Chapter 09: New friend

54 4 0
                                    

"Bagay kayo!" Napatigil ako sa pananakit sa kaniya nang marinig ko si Hell. Mapanukso itong nakatingin sa amin.

Nakakainis na talaga! Wala sa oras at hindi ko man lang namalayan na nababalik ko sa dati ang oras. Sign na ito na dapat pa akong mag-insayo.


"Akin na 'yan!!" Pinilit kong kunin sa kamay niya ang note at umalis na ako.


Aww so sweet.. Panggagaya ko pa sa sinabi niya.

***

Ligtas akong nakabalik sa kwarto ko munit si Blood at yung mga nagawa n'ya sa akin na nakakairita ngayong araw yun yata ang p@patay sa akin. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at dahil sa sobrang pagod at dala na rin ng tamad I use my power to change my clothes I was wearing. Napalitan ito ng oversized shirt at short.


Hinayaan ko lang ang sarili ko na makatulog at nang kinaumagahan malamig na umaga ang bumungad sa akin. Hindi ako tinatamad pero nang makita ko ang panahon tinamad na naman ako, hindi na ako naligo dahil sa lamig ng klima. Nagpalit na lamang ako ng uniform tapos limang beses kong idinampi sa hanggang leeg kong buhok ang suklay.


Hindi uso ang bag dito sa Eternal Academy may mga locker kaya roon na lang namin iniiwan ang aming mga gamit. Sila ang nagp-provide ng mga kailangan namin at sagot ng eskwelahan na ito lahat-lahat mapa-pagkain o school supplies.


Mabilis na tapos ang klase at nanibago ako sa sarili dahil parang ang active ko yata sa four classes na dumaan. Recess na, liliko na sana ako kung nasaan ang Canteen pero napahinto kami nang wala na yung Canteen kung saan ito nakapuwesto rati. Paanong…?

"May bago tayong Canteen malapit sa Central Building sabi nila sama-sama na raw lahat ng students kapag magr-recess." Nangilabot ang mga classmates at co-low students ko na kasama ko sa narinig mula sa mga kakarating na lalaki.

Pumunta nga kami sa sinabing bagong Canteen at nang nasa harap na ako nito ay napatulala ako sa sobrang laki. May second floor siya at parehong floor ay may counter kung saan pwede mag-order. Sumabay ako sa ibang students na pumapasok at nang makalampas ako sa pinto mas nanlamig ako. Nagbabagyo na nga bukas pa ang aircon.


Ang gulo. Napaka gulo ng mga estudyanteng nagmula sa matataas na klase, bawat sulok at mesa ng kantina na ito ay away ang nakikita ng mga mata ko. At pinamumunuan iyon ng mga klase ng Upper at Central Class.

Wala akong nakikitang mga Extraordinary Class, masyado silang mataas kaya siguro hiwalay ang kantina nila sa amin. Sayang naman kung ganoon mapapadalas sana ang pagkikita namin ni Hell.


Um-order ako ng dalawang plate ng spaghetti at dalawang bote ng coke. Libre kaya okay lang naman na sulitin na natin, pati gutom na gutom ako ngayong araw dahil masyado akong sinipag sa pag-aaral.

Iginala ko ang paningin ko sa buong kantina, napatigil ang mga mata ko sa babaeng nakaupo sa kanang gilid ng Canteen na pinagdidiskitan ng mga Central mean girls. Madali lang hulaan kung saang Class ang bawat estudyante, makikita naman ito sa kaniya-kaniyang tie na suot may mga badge na nagpapakita kung saang klase sila. Kung hindi ako nagkakamali galing siyang Low Class dahil madalas ko siyang nakikita roon.

"May naaamoy ba kayo? Bakit ang baho?" Pagpaparinig ng namumuno sa mga Central Class na iyon sa kaniya, napaamoy pa siya sa sarili niya dahil sa sinabi nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Extraordinary Class (Class Series #1)Where stories live. Discover now