Chapter 05: Dumbass

76 5 0
                                    

Blood Point Of View

"Siguraduhin mo lang na ipapamalita mo sa mga gunggong mong admirers na hindi tayo!!" She smirked in my face. "And please don't take advantage, hindi porque walang epekto sayo ang kapangyarihan ko gaganituhin mo na ako!!" Napataklob ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw n'ya.

"Can you please stop making noise?" Tanong ko sa kaniya. "Let's go." Anyaya ko.

"Wait magpapalit lang ako." Sabi n'ya kaya kumunot talaga ang noo ko.

I'm in a hurry, I might not be able to reach the one I'm going to in the Mortal World. Papatayin ko talaga ang babaeng ito kapag hindi ko nakuha ang pakay ko.

"Ang dami mong arte ayos na yan baka may makakita pa sa'tin dito." Asik ko kaya inis n'ya akong tinitigan.

Hindi n'ya inalis ang tingin n'ya sa akin. Itinaas n'ya ang dalawang kamay n'ya tyaka nya pinaglapat ang mga palad n'ya.

What the heck is this?

Biglang napalitan ang suot n'ya sa ganoong kabilis? Hindi na uniform ng Eternal Academy ang suot nya kundi jeans at hoody jacket na black pati sapatos nya iba na. Mukha na s'yang normal na tao.

"Done dumbass." Sabi nya sa mismong mukha ko at nanguna na s'yang tumungo sa kakahuyan.

Marami s'yang kayang gawin pero isa lang ang problema n'ya hindi iyon tumatalab sa akin. Whahahaha-mas magaling talaga ako kumpara sa kan'ya.

"Oh sh*t what are you doing?!" Tanong ko sa kan'ya.

Bigla n'ya na lang kasi akong hinila patungo sa ibang direksyon sa kakahuyan. At hindi ito ang daan patungo sa lagusan papunta sa mundo ng mga mortal.

"Anong balak mo sa'kin?" Tanong ko rito.

"Shhh."

Shhh? Ahas ba s'ya sa past life n'ya?

Binitawan n'ya ang kamay ko nang makatago kami sa likod ng malaking puno. Sumisilip-silip pa s'ya rito na parang tanga. Mahina na nga weirdo pa.

"Hanapin n'yo ang anak ni Rheya Nitya at dalhin n'yo s'ya ng buhay sa palasyo." Rinig ko mula sa harapan ng punong tinataguan namin.

Anak ni Rheya Nitya? Hindi ba't ang babaeng kasama ko yun? Sikat pala s'ya sa mundo na ito at heto at hinahanap s'ya ng mga kalalakihang ito.

Tss waste of time.

"Tara na huwag kang magsayang ng or-!" Mabilis n'yang tinakluban ang bibig ko kaya naputol ang sasabihin ko.

"Sino yan?!" Nagtatanong na boses ng isang lalaki kaya nanahimik ako. "Hanapin n'yo kung sino yun, patayin n'yo kapag nakita n'yo." Dahil na rin siguro sa biglaang kaba agaran kong kinapitan ang babaeng ito sa kamay at nag-teleport ako papunta sa harap ng lagusan. Lagusan na kung saan ako at ibang nasa rank lang na mga students ang nakakabukas.

Hindi lang dobleng kaba ang naramdaman ko. Hindi pa ako handa para makipaglaban lalo na at marami sila.

"Sino ba ang mga iyon?" Tanong ko kay Nitya hinarap n'ya naman ako at seryoso na sumagot.

"Mga villains." Natulala ako sa sagot n'yang iyon.

Villains? They're here? Talaga lang palang kailangan na naming humanda. Napaka delikado na at baka sakupin na nila ang eskwelahan namin at ang buong Immortal Realm.

"Are we going-"

"Of course!!" Bulyaw ko sa mukha n'ya at nanguna na akong pumasok sa lagusan.

Iniluwa kami nito sa isang kakahuyan din na malapit sa isang park. Hindi ko pa masyadong sa-ulo ang mundong ito at kailangan ko talaga s'ya ngayong may kailangan akong kunin. Isang mahalagang bagay.

Extraordinary Class (Class Series #1)Where stories live. Discover now