Chapter 24: The Confrontation( PRE-FINALE 2 of 2)

1.8K 76 7
                                    

Pagdating ni Alison sa kanilang bahay, pabagsak niyang inihagis ang kanyang bag sa kanyang kama at agad nagtungo ito sa kusina. Balak pa naman niya kanina na i-treat si Frances ng snack pagkatapos ng kanilang pagsusulit kaso nagmamadali naman umuwi ito.. Pinagtiyagaan na lang niya kainin ang ginawa niyang sandwich dahil kakain naman siya mamayang hapunan. Abala kasi ang nanay niya na naghahanda ng hapunan. Pagkatapos makapagmeryenda, agad bumalik si Alison at nagbihis siya ng pambahay. Napansin niya agad ang mga magulo niyang gamit niya sa bag. Umupo siya sa gilid at umagaw sa kanyang atensyon ang napulot na Death Note ni Frances.

"Hindi ko pala akalain na fan din pala si Frances ng Death Note." natatawang sambit ni Alison sa kanyang sarili.

Dala ng kuryosidad, binuklat niya ang Death Note at binasa ang nilalaman nito.


Monday, 8:30pm

Sira agad ang first day ng affiliation namin. Nabully na naman ako ng tres malditas. Bakit ganun ? Anu ba ang ginawa ko sa kanila, bakit nila ako binubully? Mabuti na lang ipinagtanggol ako ni Alison.


"Mukhang diary pala ito, hmmm, baka nandito yung crush niya, mabasa ko nga." agad naisip ni Alison sa pag-aakalang nandun yung hinahanap niya.



Tuesday 9:15pm

Hindi ko maintindihan kung bakit gustong alamin ni Alison ang dahilan ng ikinabaliw ni James. Ang cute ng pasyente namin kaso sayang baliw naman siya, hahaha. Pero bakit ganun, kung sino yung gusto ko ayaw din sa akin. Nakakalungkot naman. Simula pa lang ng nakilala ko si Eugene, parang gusto ko na siya pero bakit si Alison lagi ang kanyang pinapansin.


"Crush niya si Eugene?" maang tanong ni Alison sa kanyang sarili habang nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama. Wala sa loob niya, ipinagpatuloy niya pa rin ang kanyang nabasa.


Wednesday 8:15pm

Hindi na ako sumama sa kanilang usapan nina Alison at Eugene. Wala naman kuwenta ang kanilang ginagawa. Nag-aaksaya lang sila ng oras. Baliw si James. Yun na yun. Pero ang masakit sa akin, bakit ang saya nila magkasama?! Masayang-masaya si Alison na nakikipagharotan kay Eugene sa foodcourt!! Ang landi mo Alison!!


"Ibig sabihin, nandoon si Frances ng araw na nag-usap kami ni Eugene sa foodcourt? Bakit? Ako malandi??!!" napakunot-noo pa si Alison sa nabasa niya sa diary ni Frances.


Thursday 10:00pm

Ang sakit pala kapag wala si Alison na laging tumatanggol sa akin kina Doreen, Marisol at Clarissa. Sumusobra na sila!! Hindi ko naman kasalanan na mapatid ako at matalsikan ng kape ang damit ni Doreen. Bakit nila ako pinagtritripan?!! Ano ang ginawa ko sa kanila?!! Sinaktan nila ako! Daig ko pa ang isang hayop kung saktan nila!!


Napansin ni Alison na ilan sa mga sulat ni Frances ay parang malabo o nabura ng isang bagay. Ang hindi alam ni Alison, habang sinusulat niya ang mga hinanakit niya ay umiiyak si Frances habang nagsusulat siya sa kanyang Death Note



Friday 9:30PM

Hindi ko pa rin kayang ikubli yung mga bakas na natamo ko sa mga demonyo kong kaklase na sina Doreen kay Alison. Nakita niya ang ilan kong mga pasa at sugat ko sa bibig. Nagsisisi na rin ako na sinabi ko ang nangyari sa akin noong absent siya. Sinugod niya ang mga tres malditas. Natatakot akong kung sa akin ibaling ang galit nila sa ginawa ni Alison sa pagsugod sa kanila.

The Serial Killer's Diary [BOOK 2]Where stories live. Discover now