Chapter 8: The investigation (Part 2 of 2)

1.9K 78 9
                                    

"Ang tagal mo." inis na wika ni Alison kay Eugene. Kanina pa siya naghihintay sa isang sulok ng foodcourt. Usapan nila na magkikita sila ng 3:30pm kaso pasado 4pm na dumating si Eugene.

"Sorry babe, traffic eh." ngiting wika ni Eugene.

"Babe ka diyan. Gusto mo ito?" inis na wika muli ni Alison at ipinakita nito ang kanyang kamao.

"Hahaha, okay, chillax, you're so terrible." nakangiting wika ni Eugene.

"Nakakainis ka kasi, late ka sa usapan, ke babae kong tao, ako ang pinaghintay mo." pagmamaktol ni Alison.

"Tama na po, ililibre naman kita ng makakain eh." paglalambing ni Eugene sa dalaga.

"Dapat lang! Feel ko kumain ng pizza ngayon." sambit ni Alison. Naka-pout lips pa ito kay Eugene.

"Hahaha, ang cute mo talaga." natatawang wika ni Eugene sabay pisil sa pisngi ni Alison. " Diyan ka lang at mag-oorder na ako ng makakain, mahal na prinsesa." dugtong na wika nito.

Agad nagtungo si Eugene sa isang bilihan ng mga pizza sa foodcourt. Habang hinihintay ni Alison si Eugene, palaisipan pa rin niya ang Death Note na binanggit ni James. Hindi niya maalis kung ano ang kinalaman doon. Alam niya kung ano ang Death Note. Isang notebook kung saan kapag may isinulat kang pangalan ng tao ay agad itong namamatay. Pero paano mangyayari iyon sa totoong buhay kung isa lamang pelikula ang nasabing notebook.

"Hey, are you okay?!" wika ni Eugene sa kanilang kinaroroonan. Hawak na niya ang inorder niyang pizza na may kasamang dalawang large coke.

"Ah-o-oo!" gulat na sagot ni Alison." Bakit mo ba ako ginugulat?!" inis na wika pa nito.

"Ikaw kaya nakatulala diyan. Iniisip mo ako anu?" asar na wika ni Eugene.

"Kapal mo!" sambit ni Alison at kinuha niya ang large coke para sa kanya at sumipsip nito.

"So, may nakalap ka bang information?"panimula ni Eugene.

"Oo, alam mo ba, may binanggit siya na pangalan kahapon at Rhodora yung nabanggit niya sa amin ni Frances. I googled that name and lumabas na Team Leader siya na namatay sa office kung saan doon nagtrabaho si James." pahayag ni Alison habang kumakain ng pizza.

"Yeah, si Rhodora Alonzo ang tinutukoy mo anu?" ngiting wika ni Eugene.

"Hala, paano mo nalaman yun?" maang tanong ni Alison.

"Siyempre, gaya mo, kumalap din ako ng information." tugon ni Eugene at kumain na rin ito ng pizza.

Hindi makapaniwala si Alison dahil naunahan siya ni Eugene sa pagiimbestiga. Pero alam niya , sa ganitong bagay, matalino si Eugene kaya sa kanya siya humingi ng tulong para malutas ang kanyang katanungan.

"Kaanu-anu mo ba si Detective Conan at ang galing mo kumalap ng information." biro na wika ni Alison.

"Brainy ako eh." sagot ni Eugene at itinuro pa ang kanyang noo.

"Eh di WOW! Ikaw na."

"So ano pa ang nalaman mo kay James?" seryosong tanong ni Eugene.

"Sabi niya, papatayin niya kami, kaya pinatay ko siya. Ganun lagi ang sinasabi niya sa amin ni Frances. Hindi naman niya binanggit kung sino yung tinutukoy niya." seryosong pahayag ni Alison.

"May iba pa ba?" muling tanong ni Eugene.

"May binanggit pa siya na Death Note eh." dugtong na pahayag ni Alison.

Natahimik si Eugene ng muli niya narinig ang Death Note.

"Ang weird anu? Hindi totoo ang Death Note, so anu kinalaman ang Death Note?" tanong ni Alison kay Eugene.

Hindi sumagot si Eugene, bagkus nilabas niya ang Ipad mini niya at pinindot ang Facebook icon. Tahimik naman na kumakain si Alison at pinagmamasdan niya si Eugene habang nagbrobrowse ito sa kanyang Ipad mini. Maya maya pa, pinakita ni Eugene ang isang profile sa Facebook. Isang babae.

"S-sino siya?" tanong ni Alison kay Eugene.

"Siya si Cassandra Salvacion. Magka-officemate sila ni James. As you can see on her profile, she works here on this BPO Company. Puwede natin siya kontakin para malaman pa natin ang iba pang impormasyon." seryosong pahayag ni Eugene.

Napahanga si Alison sa galing ni Eugene sa pagkalap ng impormasyon. Napangiti at hinawakan niya ang kamay ng binata dahil sa pagkahanga.

"Wala akong masabi. Ang galing mo Eugene." ngiting wika ni Alison.

"Hmmm, naiinlove ka na sa akin anu?" asar na wika ni Eugene.

Agad binawi ni Alison ang kanyang kamay at pinalo niya ang kamay ni Eugene.

"Ang kapal mo!" inis na tugon ni Alison.

Biglang humalakhak si Eugene at hindi niya alintana na nasa publiko sila na kumakain.

"My God, Eugene, nakakahiya ka." saway ni Alison.

Medyo namula si Eugene ng huminto ito sa kakatawa.

"Ano ba nakakatawa ha?" tanong ni Alison.

"Para ka kasing bata eh, may katsup ka sa ilong."natatawang wika ni Eugene sabay turo ito sa ilong ni Alison.

Agad kumuha ng table napkin si Alison at pinunasan ang kanyang ilong.

"I hate you, sana sinabi mo agad. Pinagtawanan mo pa ako." maktol na wika ni Alison habang tinitingnan niya ang kanyang mukha sa nilabas niyang salamin.

"Ang cute mo kasi Alison." ngiting wika ni Eugene.

"I know right." sarkatistikang tugon ni Alison.

Lingid sa kaalaman nina Alison at Eugene, may dalawang mata na nagmamasid sa kanila habang masayang nag-aasaran ang dalawa sa kinalalagyan nila.


The Serial Killer's Diary [BOOK 2]Where stories live. Discover now