Chapter 12: Me and Him

1.7K 89 16
                                    

"R-ROCCO???!!" gulat na wika ni Tom ng masalubong niya ang isang lalaki sa pintuan.

Nagulat sila Frances at Alison sa reaksyon ng mukha ni Tom na ipinakita.

"Eugene, ikaw pala yan." wika ni Alison.

"H-hindi ikaw si Rocco?" utal na tanong ni Tom.

"Hindi." matipid na sagot ni Eugene at tinitigan niya si Tom ng matalim.

Umiwas ng tingin si Tom. Ramdam niya pa rin ang takot at pagkagulat sa kanyang nakita.

"A-aalis na ako." wika ni Tom at nagmamadaling umalis ito sa kuwarto ni James.

"Tinawag ka niyang Rocco?" maang na tanong ni Alison kay Eugene.

"Oo." matipid pa rin ang sagot ni Eugene.

"Bakit ka niyang tinawag Rocco? Sino si Rocco?" maang tanong din ni Frances.

"Dahil si Rocco at ako ay magkakambal. Kakambal ko ang pinatay ni James." sambit ni Eugene.

"Oh my God...." wika ni Alison, hindi siya makapaniwala sa pahayag ni Eugene. Kita sa mata ni Eugene ang galit at poot ng madako ang tingin niya kay James.

Sinugod ni Eugene si James at sinuntok niya sa mukha.

"Hayop ka, gago!!! Bakit mo pinatay si Rocco?!!" gigil na wika ni Eugene kay James.

Nagulat sina Frances at Alison sa hindi nila inaasahan na pangyayari.

"R-Rocco??? Buhay ka??!!." gulat na wika ni James, sapo niya ang pumutok niyang labi.

Muling sinugod ni Eugene at sinakal niya si James.

"Putang ina mo, baliw ka!!!" galit na wika ni Eugene.

Parehong bumagsak ang katawan nina Eugene at James sa sahig at ipinagpatuloy pa rin ni Eugene ang pagsakal sa leeg ni James.

"Mamatay ka!! Gago!!" galit na sigaw ni Eugene.

"Tama na Eugene." sigaw ni Alison at hinila niya si Eugene.

"Papatayin ko siya Alison, pinatay niya si Rocco!! Ipaghihiganti ko ang pagkamatay ng aking kapatid!!" pagpipiglas ng Eugene.

Tumulong na umawat si Frances sa pagwawala ni Eugene.

"Bitawan ninyo ako!!! Papatayin ko ang baliw na yan!!" galit na wika ni Eugene.

Dahil sa takot nina Alison at Frances, nagpatawag na sila ng security ng Mental Hospital para maawat lang nila ang pagwawala ni Eugene.

"Hayop siya!! Siya ang pumatay sa kakambal ko!! Dapat din siya mamatay!!" sigaw ni Eugene, habang hila siya ng tatlong security guard.

Dahil sa eskandalo na inasal ni Eugene, lahat ng staff ng Mental Hospital ay nakiusyuso. Bulungan diyan at bulungan dito.

Dumating din ang Clinical Instructor nila na si Mr. Latumbo.

"Mag-uusap usap tayo Ms. Martin at Ms. Alvarez mamaya." mahina pero mariin na wika ni Mr. Latumbo kina Alison at Frances.

"P-pero Sir.." protesta na wika ni Frances.

Umalis si Mr. Latumbo at humingi ng paumanhin sa ilang staff ng Mental Hospital.

Ngingiti naman sina Doreen, Marisol at Clarissa kina Frances at Alison dahil pati sila ay nakiusyuso

"Buti nga sa kanila." ngiting demonyo na wika ni Doreen.

"Sana bumagsak sila kay Mr. Latumbo" sambit naman ni Marisol.

"Sana nga." sang-ayon ni Clarissa.

-------------------------

"Sir, actually, hindi namin inaasahan yun." wika ni Alison kay Mr. Latumbo.

Nasa isang staff room silang tatlo ng oras na iyon. Nakaupo si Eugene at nakayuko ang kanyang ulo. Pinapakalma pa rin ni Frances si Eugene habang nagpapaliwanag si Alison kay Mr. Latumbo.

"Nakakahiya kayong tatlo. At ikaw Mr. Rodriguez, may plano ka pang patayin ang baliw na yun?" galit na tanong ni Mr. Latumbo.

"Dahil siya ang pumatay sa kapatid ko!!!" gigil na sagot ni Eugene. Hindi niya pa rin matimpi ang galit na kanyang nadadama.

Hindi nakapagsalita si Mr. Latumbo. Nalaman niya rin kay Alison na ang pinatay ni James ay ang kakambal ni Eugene na si Rocco.

Nagbuntung-hininga ang Clinical Instructor dahil naiintindihan niya kung bakit ganun ang galit ni Eugene kay James.

"From now on, hindi ka na puwedeng pumunta kina Alison, para maiwasan mo si James." wika ni Mr. Latumbo kay Eugene.

Hindi na sumagot si Eugene at umalis na itong bigla na hindi man lang nagpapaalam.

"Mr. Rodriguez!!!" sigaw ni Mr. Latumbo.

"Sir, ako na po bahala sa kanya. Susundan ko po siya." wika ni Alison at agad niya sinundan si Eugene.

Pinagmasdan lang ni Frances si Alison habang papalayo ito. 

-------------------

AUTHOR'S NOTE: Gulat ba kayo kung bakit magkamukha sina Eugene at Rocco anu? hehehe  Vote and Comment po para Happy Kid si JooWee!! ^__^

The Serial Killer's Diary [BOOK 2]Where stories live. Discover now