Chapter 3: The Bullies

2.5K 84 2
                                    

Tut-tut.

Dinig ni Alison na tumunog ang kanyang HTC Desire na cellphone. Isang text sa kanyang kaibigan at kaklase  na si Frances.

"Where you na ba?"

Pinindot ni Alison ang kanyang cellphone para mareply niya ito.

"Nasa jeep pa ako. Traffic eh. Hintayin mo na lang ako diyan ha. :) "

Nilagyan niya ito ng smiley na emoticon dahil late na siya sa kanilang usapan. Nagbabakasali kasi siyang makabawi kahit sa smiley na emoticon. Alam niya na kanina pa itong naghihintay dahil may limang miscall na siya sa kanyang phone. Sinadya niyang hindi sagutin kasi baka sermonin siya. Nalate kasi siyang nagising dahil pinanood pa niya ang Death Note in action na sinabi ni Eugene, isa ring kaibigan niya  na parehong kurso ang kinukuha. Curious kasi siya sa movie yun dahil lagi siyang tinatawag ni Eugene na Misa, isa sa mga character sa Death Note. Sabi niya na medyo may hawig siya doon. Nagandahan siya sa movie na iyon at agad niya sinabi ito kay Eugene pero itinama niya ang mali. Mas maganda siya kay Misa.

Pareho silang nursing student , si Frances Alvarez, sa isang univeristy sa Manila. At parte sa kanilang kurso ang isang affiliation sa isang mental hospital sa Mandaluyong.

Muling tumunog ang kanyang cellphone at galing ulit iyon kay Frances.

"Bilisan mo, narito na naman yung mga tres malditas"

Napabuntung-hininga si Alison sa natanggap na text kay Frances. Kilala niya ang tinutukoy nito. Sila lang yung mahilig na magbully lalo na kapag galing probinsya ang isang tao. Probinsyana kasi si Frances at mahiyain pa ito. Dahil sa pagiging mahiyain nito, lagi siya napagdidiskitahan yung mga tatlong babae na sina Doreen Mendoza, Clarissa Salvador at Marisol de Castro. Pinaka-leader dito ay si Doreen Mendoza dahil anak siya ng isang senator.

"Malapit na ako. Hayaan mo na lang sila."  sabay pinindot ni Alison ang send button ng kanyang cellphone.

------------------

"Well, well, well, pati ba naman dito, makikita pa natin ang isang basurahan. I guess  Mental Hospital itong pinuntahan natin at hindi Junk Shop. " maarteng wika ni Doreen kina Clarissa at Marisol. Tinutukoy nila si Frances na nakatayo sa labas ng hospital.

Narinig ni Frances na siya ang pinag-uusapan ng mga tatlo pero hindi na lang niya papansinin dahil first day ng kanilang affiliation at ayaw niya mapahiya lamang siya kung papatulan niya ang mga pang-aasar nina Doreen.

Tinabig ni Clarissa si Frances at nahulog ang mga ilan niyang gamit sa sahig.

"Ops, sarrey! Kala ko kasi basurahan, tao pala ang nasagi ko" maarteng wika ni Clarissa.

"Ba't ka kasi nakaharang ha?!" tulak ni Marisol kay Frances.

"Yuck Girls! Hinawakan ninyo siya! Mag-alcohol nga kayo!!!" maarteng sigaw ni Doreen kina Clarissa at Marisol.

Naiiyak si Frances na yumuko upang pulutin niya ang mga ilan niyang gamit kaso sinipa ni Doreen ang kanyang notebook dahilan para lumayo ito.

"Ayaw ko ng gulo." naiiyak na wika ni Frances kina Doreen.

"Girls? Narinig ba ninyo un? She doesnt want gulo daw?" wika ni Doreen at tumaas pa ang kilay nito.

"Hoy dugyot na probinsyanang babae, ikaw lang naman ang nakakagulo dito sa affiliation natin eh." duro ni Marisol kay Frances.

"HOY!!! Tumigil na nga kayo!!" isang malakas na sigaw ang narinig nina Doreen sa kanilang kinatatayuan.

 Si Alison ang sumigaw. Sa kanilang dalawa ni Frances, si Alison ang palaban dahil anak siya  ng  isang pulis. Gustuhin man ni Alison na mag-pulis ay tutol naman ang kanyang ama. Delikado daw sa isang babae ang ganung kurso. Dahil isang doktora ang nanay niya, napilitan siyang kumuha ng nursing kahit labag ito sa kanyang kalooban.

"WHAT??? Sinisigawan mo ba kami??!" matapang na wika ni Doreen at sinalubong niya si Alison.

"Ina-ano ba kayo ni Frances? Hayaan ninyo siya." inis na sagot ni Alison.

"Hayaan mo na sila Alison, ok lang ako."wika ni Frances,medyo naiiyak pa ito.

Tiningnan ni Doreen si Alison ng matalim na tingin.

Hindi na lang pinansin ni Alison ang tingin ni Doreen, dahil ayaw din niya ng gulo. Dean lister siya at ayaw niya mapahiya sa mga magulang niya kung aawayin niya lang ang mga ito.

Nagbuntung hininga si Alison at kinuha ang notebook ni Frances na sinipa ni Doreen.

"Tayo na, Frances."  sambit ni Alison at hinila niya si Frances palayo kina Doreen.

"Hindi pa tayo tapos Alison." inis na wika ni Doreen habang tinitingnan niya palayo sina Alison at Frances.

The Serial Killer's Diary [BOOK 2]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum