Chapter 6: James Franco

1.8K 104 9
                                    

"Lagi po ba siya ganyan Sir?" tanong ni Frances kay Mr. Latumbo, tinutukoy niya ang pasyente na kanilang i-oobserve na si James Franco. Sakto nandoon ang kanilang Clinical Instructor ng puntahan nina Frances at Alison ang kanilang pasyente. Humiwalay na rin si Eugene at pinuntahan  niya rin ang kanilang pasyente.

"Oo, lagi nakamukmok at minsan kinakausap ang kanyang sarili."sagot naman ni Mr. Latumbo.

"Haiizt, natural baliw eh, kaya nga pinasok dito." mahinang wika ni Alison sa kanyang sarili.

"May sinasabi ka ba Ms. Martin?" tanong ni Mr.Latumbo, tila nadinig niya ang sinabi ni Alison.

"W-wala po Sir." mabilis na sagot ni Alison.

Pinandilatan naman ni Frances si Alison na sinasabing tumahimik nito.

"Oh siya, mauna na ako, kailangan ko pa puntahan ang mga iba pa ninyong classmates. Puwede rin ninyo siya kausapin kung gusto ninyo." wika ng kanilang Clinical Instructor sabay alis nito.

"Muntik ka niya narinig kanina." wika ni Frances kay Alison.

"Hahaha, minsan kasi napaka-non sense yung sagot niya eh." natatawang sagot ni Alison.

"Baliw, tara, try natin kausapin si James." wika ni Frances.

"Sige." sang-ayon ni Alison, at pumasok na sila sa kinaroroonan ni James.

"Hello po."alinlangan na bumati si Frances kay James.

"Bata pa siya, huwag na lang natin i-po." mahinang wika ni Alison kay Frances.

Ngumiti lang si Frances bilang pagsang-ayon nito sa pahayag ni Alison.

Tumingin si James kina Frances at Alison. Medyo napa-atras si Alison dahil nagulat siya ng biglang tumingin sa kanila ang kanilang pasyente.

"Pinatay ko siya dahil alam kong papatayin niya rin ako." mahinang wika ni James sa kanyang sarili. Nakayuko nito at yakap ang kanyang mga binti.

"Anong sinabi mo?" tanong ni Alison kay James.

"PINATAY KO SIYA." mariing wika ni James.

Nagtinginan sina Frances at Alison. Medyo umatras pa si Frances dahil natakot ito sa sinabi ni James.

"Diyos ko, kriminal ata ito.." usal ni Frances, tila nanginig ito sa takot sa binitawang salita ni James.

"Pinatay ko siya, pinatay ko siya."paulit-ulit na wika ni James kina Alison at Frances.

Nagtinginan muli sina Alison at Frances. Malinaw sa kanila na may pinatay si James at baka isa sa dahilan kung bakit niya ito ikinabaliw at ipinasok siya dito sa Mental Hospital.

"S-sino pinatay mo?" malakas na loob na nagtanong si Alison kay James.

"Siya ang pumatay kay Rhodora, siya!!" mariing wika muli ni James.

"S-sino naman si Rhodora?" si Frances na ang nagtanong. Medyo nanginginig pa nagtanong kay James.

Biglang tumahimik at tumingin si James sa dalawang nursing student. Medyo matalim ang mga ipinukol na tingin nito.

"Oh my God, ayaw ko sa pasyente na ito Alison." takot na wika ni Frances.

"Sino ba yung mga tinutukoy mo?" tanong ni Alison kay James. Hindi man siya nakadama ng kunting takot dahil namimisteryosohan siya sa pagkatao ni James.

"Papatayin niya kami, papatayin niya kami!!!" takot na wika ni James. Hawak niya ang mga balikat ni Alison. Dahil sa biglang inasal ni James, natakot si Alison at naitulak niya ng malakas si James .

Nauntog si James sa isang silya nang siya ay na-out of balance.

"Oh my God, sorry!" wika ni Alison. Hindi niya kasi inaasahan na hahawakan siya ng isang baliw kaya naitulak niya ito ng malakas.

"Okay ka lang?" tanong ni Frances kay James, at inalalayan niya ito.

"Hindi ko sinasadya. Pasensya na James." hinging paumanhin ni Alison.

"Okay lang ako." mabilis na sagot ni James.

Nagtinginan sina Alison at Frances dahil tila biglang naging normal si James na sumagot ito kay Frances.

"James.." wika ni Alison.

Tumingin si James kay Alison.

"Kami ni Frances ang mag-aassist sayo. Ako pala si Alison."pagpapakilala ni Alison at ngumiti ito kay James.

Ngumiti rin si James kina Alison at Frances. Medyo gumaan ang loob naman ni Frances sa pag-aakalang marahas si James. Ngunit agad siya nagulat ng ipinagtabuyan ni James si Alison.

"Umalis na kayo! Dahil isusulat niya ang pangalan ninyo sa kanyang Death Note, papatayin niya rin kayo!!! sigaw ni James kay Alison.

"D-death note??!!" tanong ni Alison. Hindi kaya yung tinutukoy niya ay yung movie na pinanood niya kagabi.

Biglang hinila ni James ang kamay ni Frances at gaya din kay Alison, itinulak  niya ito paalis sa kanyang silid.

"Oo na, aalis na kami. Huwag mo na kaming ipagtulakan pa." inis na wika ni Alison kay James.

"Mag-iingat ka sa kanya."seryosong pahayag ni James kay Alison.

"Tayo na Alison. Natatakot na ako sa baliw na iyan."wika ni Frances.

----------------------

Author's Note: Vote and Comments are highly appreciated! ^__^v

The Serial Killer's Diary [BOOK 2]Where stories live. Discover now