Chapter 10: The revenge

1.8K 96 12
                                    

AUTHOR"S NOTE: Pasensya na po kung ngayon ulit ako nag-update. Stress po sa work kasi sinikap ko maging consistent sa quota namin eh. HAHA :) Luckily, consistent kaso sakit ng ulo ang inabot ko..hahaha. Anyway, I will try my best to update twice a week.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Halos magkasabay dumating sina Alison at Frances sa Mental Hospital ng araw na iyon. Pumasok na rin si Alison pagkatapos siya magkalagnat. Kailangan niya makausap si James at ikumpirma kung magkakilala sila ni Cassandra Salvacion.

"Frances." bati ni Alison kay Frances.

Hindi tumingin si Frances kay Alison dahil ayaw niya makita na may sugat siya sa kanyang labi.

"Pasensya na di ako nakapasok kahapon, kasi nagkalagnat ako eh." sambit ni Alison. Hindi pa niya kasi napansin ang mukha ni Frances.

"Nagkita pala kami ni Eugene kahapon tapos....W-wait, bakit may pasa ka pala?" pansin ni Alison sa kamay ni Frances. Sa wakas napansin niya rin ang mga pasa na natamo niya kahapon. Nagkapasa siya dahil sa mahigpit na pagkahawak ni Clarissa sa kanya.

"Wala ito, nabangga ko kasi yung dingding namin sa bahay." pagsisinungaling ni Frances kay Alison.

"Frances, ano nangyari sayo? Bakit may sugat ka sa iyong labi?" muling tanong ni Alison sa kanya.

"Wala lang ito. Huwag mo na lang pansinin. Tara na, puntahan na natin si James." pinipilit ni Frances na ibahin ang kanilang usapan para hindi na siya kulitin ni Alison.

"Hindi. Dito muna tayo."matigas na wika ni Alison. "Sabihin mo kung ano ang nangyari sayo kahapon ng wala ako."

"Nabunggo nga ako di ba?" wika muli ni Frances. Medyo napipiyok na siya dahil pinipigilan niya ang kanyang pag-iyak.

"Nagsisinungaling ka. Sabihin mo na kasi yung totoo. Naiinis na ako sayo." inis na wika ni Alison.

Tuluyang umiyak si Frances sabay yumakap ito kay Alison.

"Pinagtulungan nila ako kahapon." iyak at sumbong ni Frances.

"Sino?" tanong ni Alison.

"Sina Doreen."patuloy pa rin ang iyak ni Frances.

"Ano ba nangyari kahapon?" muling tanong ni Alison.

Ikinuwento ni Frances ang nangyari sa kanya kahapon. Napaiyak rin si Alison sa kaawa-awang sinapit ng kanyang kaibigan. Hindi na niya palalampasin ang ginawa nina Doreen kay Frances.

"Samahan mo ako Frances." wika ni Alison sabay punas ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

"S-saan tayo pupunta?"maang na tanong ni Frances.

"May hahapin lang akong tao." seryosong wika ni Alison.

"S-sino?" may kabang tanong si Frances.

"Maniningil lang naman tayo."wika ni Alison. Nanginginig ang kanyang mga kamao ng ito makita ni Frances.

"Huwag na. Hayaan mo na sila." tila nakuha ni Frances ang ibig sabihin ni Alison.

Naglakad si Alison ng mabilis at sinundan siya ni Frances.

"Please Alison. Hayaan mo na sila." wika muli ni Frances.

Hindi pinansin ni Alison ang sinambit ni Frances. Patuloy pa rin siya sa kanyang mabilis na paglalakad. Hanggang sa makita niya na ang kanyang hinahanap. Nakaupo sina Doreen, Marisol at Clarissa sa balcony habang umiinom ng Starbuck na kape. Masaya pa silang nagkukuwentuhan sa kanilang kinauupuan.

The Serial Killer's Diary [BOOK 2]Where stories live. Discover now