K-Ten

112 6 0
                                    

Napabuntong hininga si Atticus.

"Sabi ko na nga ba, mang yayari ito.—"

"Royal Elite Pilot. Kung ayaw nyo sa SPO ko bilang SPO lang, kilalainin nyo syang bilang Royal Elite Pilot at piloto ng Jets. Sino sa inyo ang nakakakilala sa kanya base sa mga kwento ng mga malalapit nyong kamaganak sa marines at coast guard?" May ilan sa kanila ang tumaas ng kamay.

Tinuro ko sa kanila ang isa.

"Sabi ni Tito, hanapin ko sya dito at kung maaari ay magpaturo ako dahil magaling na piloto ang SPO ni Major general." Galing sa marines ang angkan nya.

"Hindi ako mag papakilala sa inyo ng taong baguhan. Ang babaeng iyon, kaya nyang paliparin ang bawat plane dito sa airbase. Sa kamay naming dalawa nadaan ang bawat eroplano na pinag aaralan nyo. Mapa luma o bago. Marahil hindi nyo sya kilala dahil nawala sya sa serbisyo ng halos 2 taon, pero ilan sa mga tao ng Airforce ay hinahanap sya dahil sa galing nya." Lumapit ako sa pinsan ni Ella.

"Kausapin mo si Kuya Luke at i klaro mo ang naging relasyon namin ni Ella bakit kami nag hiwalay. Pero pakiusap ko lang, wag mong personalin si Artemis. Wala sa akin ang pamamalagi mo dito, Andrada. Tinulungan lang kitang makapasok, pero hindi kasama doon ang protektahan ka habang nasa loob ng Airforce." Humarap ako kay Atticus.

"Brigadier, walang special treatment. Ginagawa ito para makita kung nag eexcel nga sila o baka tulad ng mga ordinaryong kadet lang din sila." Tumango sa akin si Atticus. Sinama nya ang batang Andrada sa gear area.

"Dominguez, Alcaraz, wag mong sasabihin sa squad Charlie na pinsan ko si Granfiel. Ginapang ni Grafiel ang posisyon nya ngayon ng walang kahit anong special treatment." Ngumisi si Dominguez.

"Sige sir, basta manlilibre kayo ng Lunch at dinner sa Lifestyle." Napangisi ako sa sinabi ni Domingez.

"I uuwi ko lang si Artemis mamaya."

Dumating si Artemis na kinakausap ang kasama nya sa plane.

"Anong sinabi mo?" Tanong nya sa akin. Tumingala sya sa akin at humarap ako sa kanya.

"Wala po, Baby."

"A? Domingez may sinabi itong si Major sa mga cadet?"

"Wala/Ewan." Nagsikuhan ang dalawa.

"Sabi lang nya ay manlilibre sya kasi ayaw nya ipasabi sa Charlie na magpinsan sila ni Granfiel." Ngumuso si Artemis.

"Iwan ako, paano ang mga anak ko! Ang daya!" Sumalimpat ang tingin nya sa akin.

"Mag uusap tayo mamaya pag uwi, 'di mo sinabi iyong kay Granfiel."

"Ganyan din si Ara sir pag may toyo. Katakot takot na suyuan iyan." Ngumisi ako at tiningnan si Artemis na nag lalakad kasama ang kanyang sakay. Mukhang may tinuturo pa sya.

"Gusto ko syang makitang ganoon, Alcaraz." Mabilis na lumingon si Alcaraz sa akin.

"Hindi ba sya ganoon?" Umiling ako.

"Sa sobrang understanding nya, kahit ano ay okay sa kanya."

"Lampas sa langit! Hahahhaha!" Hinati ni Alcaraz at Domingez ang natitirang hukbo.

Meet Me Above AltitudeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin