K-Three

81 3 0
                                    

As expected I received a response from Lorenzo Gonzales. Maging si Malik ay namangha. Basta usapang pera ang bilis nila.

"Mom, mag lalabas ako ng 5 billion sa bank Account ko." Nanlaki ang mata ni Mom at napalunok.

"What? Why?"

"May papautangin ako, pero wag na natin isipin na babalik ang 5 Billion na iyon." Uminom ng tubig si mommy at nagpahid ng bibig nya gamit ang table napkin.

"Bakit napaka laking pera naman. Are you sure you have enough money left?"

"Hindi mo ba itatanong mom kung kanino nya ibibigay ang 5 billion? Pautang ngunit wag iisipin na babalik pa. You are kinda funny, Arrow." Walang gana si Severine nang sabihin nya iyon.

"Of course i will ask that thing too."

"May pera pa ako. Wala naman akong nilalabas simula noong ikasal ako kay Luella bukod noong binili ko ang Gonzales group." Ginayat ko ang steak.

"I want to buy Artemis to his Uncles and Auntie." Nasamid si Ate sa sinabi ko.

"Arrow! Nahihibang ka na ba? Kasal na si Artemis."

"At maa-annulled din ang kasal na iyon, Rin! Gagawa ako ng paraan!"

"Kasal mo nga hirap ka na, sya pa kaya—"

"Civil wedding lang ang kasal ni Art." Natigilan si Severine.

"Hindi ako papayag na ganoon lang lahat! Na ganito lang kami matapos. Basta na lang at biglaan. Maannulled ako. Iyon ang sigurado at magkakasama kami ni Art." Saad ko. Nagtinginan sila ni Mommy. Huminga ng malalim si mommy.

"The moment that it is from your accounts, it is legally yours and no one can stop you from spending it, Arrow. Malaki na kayong mga anak ko. Hindi ko na kailangan kayong pigilan sa mga bagay na mag papasaya sa inyo." Ngumiti ako kay mommy.

"Thanks mom." Ngumiti ako kay mommy.

"Dad? You are leaving again?" Napalingon ako kay Klare habang pababa ako ng pangalawang palapag. Muli akong umakyat at pinuntahan si Klare na nakasilip sa hamba ng pangalawang palapag.

"Yes, Klare."

"Why are you wearing coat and tie, Dad? Hindi ka na ba napasok sa Air force?" I bend down a little at she kiss my check.

"I file a leave, I'm just busy fixing thing for you, your Mommy Adri and your... and for Ella."

"What's with mommy?" Namilog ang mata nya.

"Are you okay if i split up with your mom? Your mom and I can't be together again."

Tumango sya. Napaka dali. Parang alam nya.

"She never visited. I guess that's how it works." Akala nya siguro ganun kadali. Akala nya ganon ka simple. I tap her head.

"Thank you, Anak."

"Where are going tonight?" Ngumiti ako sa kanya.

"I have a meeting with someone."

"Is it mommy Adri?" Umiling ako.

"For business. I need to go, i think your Lola mommy is doing some fruit and cream."

"That's for snacks! Can i have some chocolates tonight, Daddy?" Napaisip ako. Sabay kaming bumaba ng hagdan

"That's too sweet and will boost your energy. Maybe tomorrow morning. Just a few bar." Ngumuso sya sa akin.

"Okay Dad." Tumakbo sya sa kabilang dereksyon nang makababa kami sa unang pakapag.

Agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ko. Sinundo ko si Malik sa kanilang bahay at nagpunta sa restaurant na napagkasundoan sa District 2.

Napatayo sila nang makita ako. Nagulat naman ako na pati ang dalawa nilang anak ay kasama sa table. I thought it's just Mr. and Mrs Gonzales. Ngumiti sa akin si Rinne at bahagya akong ngumiti.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon