A- Thirteen

85 8 0
                                    

Pinatilihin kong makapal ang medyas ko at nag dodoble akong nag suot na damit sa loob ng aking uniporme.

Nagsimula ang kalbaryo ko noon bumagsak ang nyebe at tuluyang bumagsak ang temperatura. Dulot ng pabalik balik na lagnat ay pinilit na ako ni Ate na mag file ng leave.

"Yoko, mag fifile ka ng leave?" Tumango ako kay Trinidad.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka!" Tumango ako sa kanila kahit na nangangatal na ako sa lamig.

"Mag papaperma lang ako ng leave form tapos aalis na rin ako agad." Tumango sila at agad naman akong tumakbo papunta sa general officer's office. Mabuti na lang nakasalubong ko si Sir Atticus.

"Sir! Pwede po ba akong magpaperma ng Leave Form?"

"Bakit? Saka bakit parang namumutla ka? Okay ka lang ba?" At hinawakan nya ang noo ko.

"Hoy Yoko! Nilalagnat ka."

"Actually Sir kaya nga po ako mag papaerma ng Leave Form. May check up po ako sa Renaldi Hospital ngayon." Sabi ko habang nangangatal pa.

Agad syang tumango at kunuha ang ipad at pencil sa kamay ko. Pinermahan nya ang form sa loob noon at iniscan ang dogtag nya.

"Susundoin ka ba?" Umiling ako.

"I will randevu with them in the hospital. Mauna na po ako sir." Sabi ko at bumalik ng barracks para magpalit ng damit. Naka ilang patong ako ng jacket saka ako nagpatong ng winter coat.

Mabilis akong lumabas ng barracks at nagpunta sa parking.

"Shet! Bakit kasi may winter pa!!" Sabi ko at pinagpagan ang ulo ko na nalagyan ng snowflakes. Malakas na rin kasi ang nyebe at sobrang lamig na rin.

Agad kong binuhay ang sasakyan ko at tinodo ang heater.

Nagmaneho ako palabas ng airbase at papunta sa district 4, nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng dibdib at hilo. Agad kong tinabi ang sasakyan at nag hazard.

Kinapa ko sa bag ko sa kabilang upuan ang cellphone ko. I feel numb and i can't breathe enough. Is this the worst? Hindi naman ganito noong nakaraang winter. Malala lang ang lamig ko at lagnat pero walang ganito.

Agad kong hinanap ang number ni Ate Azula. Ilang ring bago nya dinampot.

"Hello Artemis. We are on our way. Naka ready ka na ba?"

"Ate... nandito na ako sa highway..." kinakapos ang hininga ko.

"Okay. Saan? Can you tell me?"

"I can't see enough.. .. ate.. i feel dizzy and i.... I can't breathe."

"Mahal, can we just track her... hindi na daw sya makahinga.—Art, open your heater. Make yourself warm.pleasee malapit na kami..." i feel numb and the reason of losing the grip of the phone.

Why does it heavy?

Bakit ganito kabigat ng dibdib ko?

I removed my gloves and i see my hand starting to blue. What's happening?

Sinubukan kong bughan ng hangin ang kamay ko just to feel warm pero wala akong maramdaman. Kaya pinilit kong uling suotin ang gloves ko. Hanggang sa napapikit na lang ako.

"Ate.. kuyaa.." bulong ko... ilang minuto ay narinig kong may kumalampag sa pinto ng sasakyan ko. Nakita ko si Ate Azula na pilit na binubuksan ang pinto. Pinilit kong abutin ang unlock button sa tabi ng pinto at agad na bumukas iyon.

"Art?!."

"Ate..." tawag ko kay Ate Azula. Tinanggalan nya ako ng seatbelt at niyakap.

"Mahal!!! Bilis naman!!!" Sabi nya at tinawag si kuya. Agad akong dinala ni Kuya at pinasok sa sasakyan nya.

Meet Me Above AltitudeWhere stories live. Discover now