A-Seventeen

68 5 0
                                    

"Thank you for your time Artemis. I'm sorry for the trouble."

"Okay lang po Ate Rine." Ngumiti ako kay Ate Rine habang inihahatid sya sa may gate. Binuksan ko ang gate at laking gulat namin pareho na makitang nakaparada ang hummer ni Sir Kyros.

"Ow no. Maybe he figured it out." Nakipag beso sa aking si Ate Rine habang nakatingin sasasakyan ni Sir Kyros.

Nagulat akong ng bumaba si Sir Kyros mula sa kanyang sasakyan. Napatulala ako sa kanya.Napaka tagal ng tatlong bwan na wala ako sa airbase. Ma mimiss ko si Sir Kyros.

"What are you doing, Severine!" Saad nya at hinawakan ang braso ni Ate Severine.

"Bakit? Arrow, we are friends. Masama ba na bisitahin sya sa bahay nya?" Tanong ni Ate Rine sa kanya.

"Hindi mo alam ang bahay nya, napaka invested mo naman para itanong pa kay Gannar ang bahay ni Artemis!" Saad nya at hinawi ni Ate Severine ang kamay ni sir Kyros.

"Come on, Arrow! Masama bang kausapin ko si Artemis?! Magpaliwanag man lang sa kanya bagay na hindi mo magawa? Don't leave someone hanging! Dapat at least sabihin mo sa Piloto mo na araw araw mo—"

"Sasabihin ko Ate, pero hindi ngayon."

"Kailan?" Natigilan sya sa tanong ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Kailan? Pero sige, okay na po Major, naipaliwanag na ni Ate Severine sa akin. At least alam ko na kung paano didistansya." Saad ko habang pinipigilan kong malaglag ang scarf na naka alampay sa balikat ko

Nagigting ang panga nya at pinasadahan ng tingin ang kamay ko.

"You are wearing your engagement ring." Napatungo ako at tumango.

"I guess I am." Umismid sya at iiling iling na tumawa.

"Bakit pa ako mag papaliwanag, oo nga pala, ikakasal ka din sa iba." Namamaos nyang tining. Para akong kinakapos sa hininga. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Congratulations to your engagement, SPO. I advise that you should not wearing it inside the Air Base. Baka mawala." Saad nya at tumango ako.

"Thank you Major." Matabang kong sabi. I wish it was you... kung papipiliin ako, sana sayo ako ikasal. Sana tayo ang sumasagot ng thank you sa mga taong mag sasabi ng Congratulations sa ating dalawa.

Kaso may asawa ka na, at engage na ako sa iba. Kung naging maaga lang sana ako, baka naging maaari pa.

Tumalikod sya at bumalik sa kanyang sasakyan. Agad syang umalis.

"Again, I'm sorry for the trouble, Artemis." Bumaling ako at umiling kay Ate Severine.

"Okay lang Ate." Ngumiti ako kay Ate Severine at naglakad sya sa kanyang sasakyan na nakaparada sa tapat ng gate. Kumaway ako sa kanya habang papalayo sya.

Kinain ako ng lungkot sa pag Alis ni Ate Severine. Ano bang kailangan kong maramdaman? Matuwa dahil ngayon alam ko na ang lahat, ngunit alam ko na rin na Engaged na ako. Hindi na dapat pang lumapit sa kanya? O malungkot dahil sa mga nalaman ko mula kay Ate Severine.

Gustong gusto ko si Sir Kyros, pero paano? Ang daming hadlang. At hindi ko naman dapat baliwalain ang lahat.

Hindi na lang ito sa kung anong mararamdaman ko, dapat i consider ko rin ang ibang tao. Hindi pwedeng nararamdaman ko lang ang masusunod.

Hinagpos ko ang singsing sa aking daliri. Isa pa ito, paano ko magagawang kumawala kung nakatali na rin ako?

Sa pag balik ko sa Airforce ay parang may pasan pasan ang aking dibdib. Noon ay ayaw ko nang umalis pa sa lugar na ito dahil sa isang tao na gusto ko lagingmakita, ngayon ay sya na ang rason kaya nais kong umalis.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon