A-Seven

112 8 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay hiniwalay ako sa aking squad. Si Alcaraz at Dominguez ay napasama sa tuturuan ng exhibition.

"Wag mo kasing galawin agad, wait for my instruction!"

"Hahawakan ko lang eh!"

"Napaka kulit mo!" Umaalingawngaw ang pagtatalo namin sa Hangar ng area 3. Mga fighter jets at exhibition jets ang nadito. Malayo ito sa training area. Ang sabi pag professional ang area 3 and 4.

Halos araw araw nya akong tinuturuan. Lahat mula sa basic hanggang sa pinaka mahirap. Araw araw din akong nasama sa kanya sa himpapawid upang masanay ako. Ang sabi ni General napaka bilis ko matuto na para bang natural lang sa akin ang mga tinuturo.

Sa mga free time na binibigay nya ay nag gagawa ako ng Thesis. Tumakbo ang araw, linggo at bwan. Nasanay ako sa mga pinapagaw ni sir Kyros.

Naging mas mahirap pa nga ito kesa sa inaasahan ko dahil mas naging strict sya.

Nagulat ako ng pagpunta ko sa mess hall ay may music na pinapakinggan. Puro kanta ni Hazel iyon.

Sa table namin ay nakatambay si Sir Gannar na sobrang good mood habang ang lalaking kasunod ko ay nagsasalubong ang kilay.

"Oh? Bakit masama ang mood mo Arrow? Anong ginawa mo nanaman Yoko?"

May na postpone kaming activity sa himpapawid matapos kong sabihin na may sched ako para sa thesis revision namin ni Hazel.

"{sya iyong naggagawa ng sched ko tapos sa akin magagalit.}" nakanguso kong pahayag.

"I barely understand you. Don't whispered it when you can say it straight to my face."

"{dapat pala 'di kita tinuruan mag tagalog.}" sa mahigit isang bwan kong kasama sya lagi akong napapabulong sa lingwaheng pilipino, kaya madalas nyang itanong. Nagulat na lang ako isang araw na magsalita sya ng tagalog.

Nakakuha sya sa internet ng isang buong lecture guide kung paano matutong mag tagalog. Akala ko ba wala na iyon sa net pag nandito sa luna?

Pero dahil informative information iyon ay pinapayagan na makarating sa Luna.

"{sana pala ay hindi mo pinarinig sa akin para hindi ako na curious}" nahihirapan ngunit nakaya nya ring maitawid  ang sinasabi nya.

"Curious lang naintindihan ko." Saad ni Sir Gannar at unti unting nagkalaman ang table namin.

"Alam mo Arrow, talo ka dyan kay Yoko. Kaya kung ano man iyan hayaan mo na." Hindi ko pinansin si Sir Gannar at kumuha ng pagkain. Maging si Sir Kyros ay kinuha ko.

Nilapag ko sa tapat nya ang tray nya.

"Oh 'di ba? May pa kuha pa ng pagkain."

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang tumunog sa buong mess hall ang kanta ni Belle Mariano.

Napatayo ako at napatingin kay Sir Gannar na ngiting ngiti.

"Ang ganda talaga ng boses mo Yoko." Saad ni Granfiel.

"Teka, meron pang mas maganda. Mas ayos ang vocal kasi cover." At nagtipa si Sir Gannar sa kanyang cellphone.

"Sir. Wag po! Nakaka hiya! Patayin mo iyan! Kay Hazel na lang ang ipatutog mo." Agarang napatayo si Sir Gannar at itinaas ang cellphone nya saka tumugtog ang cover ko ng with you.

Pilit kong inaabot ang cellphone ni Sir Gannar. Tumutogtog ang cover ko sa buong mess hall.

"Magaling ka pala kumanta eh. Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?"

"Sirr. Akin na!"

"Cellphone ko ito. Bakit mo kinukuha?"

"Patayin mo na please!" Bakit kasi ang tangkad nila! Nakakainis

Meet Me Above AltitudeWhere stories live. Discover now