A- Ten

103 5 0
                                    

"PULUTONG HINTO NA!" Komando ko sa pulotong kaya huminto ito sa tapat ko. Morning drill after ng colors

"Harap sa kaliwa, HARAP!" At humarap sila sa kaliwa kung saan naroon si Sir Kyros at Sir Atticus

"PUGAY KAMAY, KASAMA ANG PAGBATI NG ISANG MALIGAYANG KAARAWAN MAJOR GENERAL KYROS ARROW ALBION..." humarap ako kay Major na nag papa perma ng papel kay sir Atticus. Naka casual lang siya

"NA!" Sumaludo ako at sumabay sa kanila ng pagbati kay Major.

"Maligayang kaarawan Major General Kyros Arrow Albion!" Kasama kong pagbati. Ngumiti ito sa amin at tumango.

"Thank you. Dismissed na kayo for morning drill. Proceed to the messhall." Tumango kami at naglakad magkakasabay parin nag martya papunta sa gitnang field bago naghiwalay.

"Lilipad ka ba ngayon Yoko?" Tanong sa akin ni Granfiel.

"Hmm hindi siguro. Hindi ako sanay eh. Baka mag gawa na lang muna ako ng thesis ko."

"Panong 'di sanay?" Napaisip ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila?

"References ko sa distansya si Sir Kyros."

"Pinayagan ka nyang lumipad ngayon. Ako ang kapalit nya. Kailangan mo na mag practice malapit na ang balikatan." Saad ni Sir Atticus na tumabi sa akin. Dala nila ang tray nila.

"'Di pa po pala kayo nag breakfast."

"Hindi. Na late ng gising itong si Viggo."

Nasa table nanaman namin ang mga opisyales.

"Sinabi ba ni Arrow ang formation nila."

"Alam ko iyong kasama sa exhibition. Pang dulo kasi sina Yoko. Anong format nyo?" Napaisip ako.

"Iba iba ang pinapagawa ni sir eh. Kadalasan ay free exhibition. Sinasabayan ko sya madalas." Saad ko.

"Ewan ko sa Major mo." Saad ni Sir Gannar. Badtrip sya, nag away siguro sila ni Hazel.

"Hmm, ayaw mo ba Gannar? Ako na muna mag sub kay Arrow?" Saad ni Sir Atticus.

"Hmm bahala ka. Sa first exhibition ako naka toka. Dominguez, Alcaraz bilisan nyo." Sabi nya at padabog na binagsak ang kutsara saka umalis ng table.

"Nangyari do'n?" Tanong ni Latido. Nagkibit balikat ako.

"May love sickness." Humalakhak si Sir Atticus. At bumaling kina Dominguez.

"Anong formation nyo at ilan kayo?"

"Dalawang apat Sir, bali Walo. Una combat speed, ta's parade na magkasalungat tapos mag hihiwalay kalahati, intersection na may release na ng jet smoke, 360 rolling maneuver,  fluid four, dalawang finger tip. Ano nga sunod Alcaraz?"

"Vertical break, Combat speed, pataas tapos release ng smoke at pababa para mag create ng waterfall effect." Idinemo ng kamay ni Alcaraz.

"Lahat ng walo?" Umiling sya.

"Mawawala po ang dalawa. Mag split sa dalawa sa dulo tapos doon papsok exhibition nila Sir Albion at Yoko." Tumango ako.

"Ilang practice kayo?" Tanong ni Sir Atticus.

"Dalawa lang Sir, isa sa umaga, isa sa hapon." Saad ni Dominguez. Tumango tango ako.

"Panoorin natin ang sa umaga, tapos gawa tayo ng formation para sa hapon makasabay tayo. Maliwanag Yoko?" Tumango ako sa instruction ni Sir Atticus.

"Tapos na agad kayo?" Tanong ni Costa kay Alcaraz at Dominguez.

"Bawal ang full meal. Baka isuka lang namin. Hahahaha." Umalis ang dalawa.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon