A-Five

106 9 0
                                    

Si ate Azula ang lumapit sa akin at nag abot ng bulaklak.

"Happy Birthday Artemis." Ngumiti ako.

"Thank you ate." At yumakap ako sa kanya.

Nagusap kami ni Ate tungkol sa mga ginagawa ko dito.

"I see! I'm proud. I'm always will." Ngumiti ako sa kanya.

Sa pang huling rosas ay si Kuya.

"Of course i will be the last." Inikot nya ako bago nya nya nilagay ang kamay ko sa balikat nya.

"Ikaw ang naging tulay sa amin ni Azula. I will always thank Heaven that i have you. Mahal na mahal ka namin. Nag usap na ba kayo ni dad." Tumango ako.

"Nag ask lang ako na i pending and engagement ko."

"Ayoko ng idea ng bagay na iyon. Pero kailangan iyon ng pamilya ng Tan. But if you want that engagement to be void. Just Ask me. Saka ikaw na ang may ari ng Yoko ngayon. 30% lang ang sakin. I can make Tan suffer for their lost." Pinalo ko ang balikat ni kuya.

"Kuya.. wag na ganoon. Mag kakagulo lang lahat. Saka malapit na kayo ikasal ni Ate. Dapat ang pamilya mo ang pinag tutuonan mo ng pansin. I'm fine." Umiling sya.

"Of course not. You still my baby, my princess even we have family ng ate mo."

"Basta! Wag mo na pakialamanan ang desisyon nina Tito. I just want a peaceful life. But also. I can't wait to see your little prince and princess, Kuya." Ngumiti sya sa akin.

"Ako rin ay hindi na makapag hintay." At tumingin sya kay ate Azula na nag vivideo.

Inextend nya ang kamay nya at ako rin. Magka abot ang kamay namin at dahandahan akong nag bend at sya naman ay nag bow sa akin pra sa pag tapos ng aming sayaw.

Tumawa ako kay kuya. Ilang minuto na lang ang tinagal nila dahil kailangan na rin nilang umalis. At may duty ako ng 23:00-5:00

"Art!" Hinagis ni kuya ang isang susi sa akin at agad kong nasalo.

"You said you are a big girl. It doesn't sink in, but still. Have your own truck, Princess." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at tiningnan ang isang kilalang brand ng sasakyan.

"It's your Ate's bday gift. Nakaparada sa parking ng Air base area 1. But for now, take a nap for your duty later. I love you. Happy birthday." At umalis na sya.

"Ako naman ang makikisakay, Adri. I see you on sunday. Happy birthday!" At kumaway si Haze bago umalis. Para akong tumama sa lotto. Ngayon may sarili na akong sasakyan. 'Di ko na kailangan ng sundo o driver. Pag pasok ko sa kwarto ko, isa isa kong tiningna. Ang mga regalo. Mga mamahaling alahas, chocolates, champagne ang binigay sa akin. Wala man lang kape?

Iyon ang gusto ko.

Isinalansan ko ng ayos sa isang tabi. Pag iisipan ko pa kung ibabalik ko o hindi. Hindi ko naman sila kilala.

Nag tanggal ako ng damit at humiga sa kama. Mamaya na lang ako maliligo para deretyo na ako hanggang bukas.

Nagising ako sa alarm ng relo ko. Agad akong naligo at nagbihis ng uniporme. Naka bukas pa ang jacket ko noong sinaradohan ko ang pinto ng kwarto ko. Dali dali akong nagpunta sa kung saan ako mag duduty. Isinakbit ko ang armalite sa aking balikat. Habang inaayos ang sarili ko.

Sumulyap ako sa aking relo at nakita na 11 pm na. Pinindot ko ang earpiece ko at nagsalita.

"Cadet A. A. Tan-Yoko on tower 2, on position sir." Inulit ko ng dalawang beses hanggang sa may magsalita.

"Roger that." Iyon lang? Akala ko ba may kasama akong senior? Bakit ako lang?

Nagmasid ako sa paligid. Hindi ko mabilang ang hikab ko. 23:50 na alarma ako ng may biglang pumutok sa kalayuan. Apat na flair ang lumabas mula sa lugar ng dagat. Agad akong pumindot sa earpiece ko.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon