A-Fourteen

73 5 0
                                    

Naging mabilis ang takbo ng mga araw at bwan. Wala akong ginawa kun'di turuan ni Sir Kyros. Ang celebration ng birthday ko ay ginanap sa bahay. Simpleng salo salo kasama ang pamilya. Samantalang naging parehong setup ang birthday ni Sir Kyros. Mas lalo ko tuloy naka close si Ate Rine.

Sa bday ni Hazel binuksan ang CHB company. Napaka bilis ng trabahador ng Yoko. Ginawa rin iyong supplier ng Yoko Builders at Firmitas'enArte. Isang successful at ngayon ay nag ooperate na para sa mga blocks na gagawing bahay sa Amandayo Natives.

Hanggang sa unti unting naglalagas ang mga dahon sa sanga at unti unti na ring lumalamig. Nag bagay na kinakatakot ko.

Bumuga ako ng mainit na hangin sa dalawa kong palad bago pinagkiskis ang palad ko. It getting chilly each day. Patong patong na ang tshirt at may soot na panloob na rin akong pants sa winter leggings sa loob ng aking uniporme.

"Hello SPO." Halos mapatalon ako sa biglaang pag sulpot ni Ate Severine sa aking tabi. Tumawa sya ng mahinhin.

"H-Hello po Ma'am Severine."

"Ilang beses ko ng sinasabi sayo. Just call me Rine." Nahihiya akong tumango.

"Do you wait for Kyros? He's with the officials." Umiling ako.

"Hindi po. Ahh mag try lang po ako mag palipad ngayon."

"Ahh. Wala kang kasama. Do you want me to accompany you?" Napakurap ako.

"Marunong po kayo?"

"Of course. Kami ni Kyros ang bumuo ng Lecton. Actually, I'm a non commissioned officer. I was about to be a Lieutenant but I choose to stop and be a reserve." Ngumiti sya sa akin.

"But i visit the airforce now and then. And you know I'm a daughter of the general and a sister of Maj Gen." Kumindat pa sya sa akin.

"Well i wanted to be an SPO but my brother don't want it so i settled with CMSAF."

"Bakit po ayaw nya?" Napatitig sya sa akin. Saka sya ngumiti ng bahagya.

"Personal reason, Artemis. Do you want to play tag game on air?" Bahagya akong tumango

"What plane do you want to use?"

"Naka assign po ako sa Hera798."

"Is that your favorite plane?" Tumango ako.

"Why?"

"Because of its small body?" Ngumiti sya sa alanganin kong sagot.

"Now it make sense.. Anyway i will use the Lexander72 para 'di na ako lumipat pa ng Hangar. I will gear up for a bit and register my flight. Wait for me okay?" Tumango ako at umalis naman sya agad. Wang humpay ang pag kiskis ng kamay ko sa aking uniporme para sa ganoon ay uminit kahit papaano.

"Let's go." At pumasok kami sa loob ng cockpit sa magkaibang eroplano.

Inilabas namin ang plane ng hanggar at magkaiba kami ng runway ng ginamit.

Nagulat ako ng magkaconnect ang system ni Ate Rine.

"Lexander72 on runway 11, this is your reserved Chief Master Sergeant of the Air Force, Severine Albion." Binababa ko pa lang ang canopy ko ng makita kong umangat na sa ere si Maam Rine.

"SPO Yoko on runway 9 piloting Hera798 is now taking off." Saad ko at sumunod sa pag lipad kay Ate Rine.

Hindi naman kami nag habulan, mas madaling sabihin na sinabayan ko sya na para bang nag exhibition ako.

Tatlong beses kong inispine ang plane na syang nagbigay sa akin ng ibang pakiramdam bago ako sumunod sa kanya. Naging banayad ang lipad nya. Kaya doon ko sya narinig.

Meet Me Above AltitudeWhere stories live. Discover now