48Th Ruled

56.8K 2.1K 2.4K
                                    

Ruled

Aggressive

Everyone's so shocked to see me including the boys. Ramdam ko kung paano inulan ng tanong at asar si Hiro na para bang isang malaking pasabog ang pagdala niya sa akin sa araw na 'to.

Sunod sunod ang batian at kwentuhan. I noticed Marione isn't around. Alam ko na nandito sila lahat ngunit hindi ko siya mahanap.

Sumulyap ako kay Hiro na pinalilibutan pa rin ng mga boys. Humahalakhak si Blue habang nakaakbay sa kanya at may topic sila na ikinatuwa ng lahat dahil ngumingisi habang si Hiro ay suot din ang kanyang ngiti. Ken isn't around too.

"Paano 'yon nangyari? Hindi ko maalala na pumuporma si Kuya Hiro noon sa kahit sino!" si Elle na isa ring gulat na gulat.

Oh right... I remember how I taught her about boyfriends! I hope she didn't take my joke seriously. Sila ang paborito kong asarin ni Nana dahil ang inosente.

Inaasar ko naman talaga lahat ng mga babae. Kahit si Cassey... ngunit sa mga Fortalejo talagang mas kay Naia ako nag-eenjoy mang-asar. I always want to fuel her thoughts that I am evil. I am evil when I'm triggered. Hindi ko naman itinatanggi ang bagay na 'yon noon.

Kaya siguro isa rin siya sa gusto kong makita. Lalo na't ang huli naming pag-uusap ay medyo hindi maganda.

"Wala rin akong idea sa babae ni Kuya. Sabi lang ni Mommy, hindi daw siya crush ng crush niya," si Zera sabay ngisi sa akin.

"To think na nandoon din si Hiro noong party na 'yon but you two aren't suspicious!" si Keyla na isa ring gulat.

I guess all of them aren't aware what really happened to us from the past. Some of the girls are clueless. Si Zera, Elle at Nana ay parang wala ring ideya na isa ako sa naging parte ng gulong iyon. O ako mismo ang pasimuno kaya nagkaganoon.

"Hindi kami noon," paliwanag ko kay Keyla lalo na't titig na titig ang lahat sa akin habang nandito kami sa sofa, si Zera na kapansin pansin din ang malaking tiyan at sa tabi ay si Irah na ganoon din.

Nakaupo na kami sa malalaking sofa sa living room. Ang iilang girls ay nakatayo, ang ilan ay nasa tabi ko, ngunit lahat ay desididong makinig sa bawat sasabihin ko.

"May nililigawan daw si Kuya sa Davao. Is it you?" deritsong tanong ni Zera.

Ligaw? Nanliligaw si Hiro sa akin sa Davao? Sa dami ng pinaggagawa niya hindi ko na alam kung ano ang ipapangalan noon. He became my bodyguard, delivery guy, driver, all-around siya kaya kahit ang pagiging manliligaw ay hindi na siguro kataka taka.

"Nagholding hands sila sa Anniversary ng grandparents namin," si Irah na tiningnan si Zera.

"Really? You didn't send pictures," iritang tiningnan ni Zera si Irah.

"Paano ako makakapagsend eh gulat din ako buong gabi?" nakaangat ang kilay ni Irah at irita rin ang tinig.

"Gulat tayong lahat..." halakhak ni Nana sa dalawang buntis na mainit agad ang ulo.

Muling bumaling si Zera sa akin.

"O baka inaako ka lang na babae ni Kuya tapos hindi pala? Kuya ang feeling talaga!" malakas na sigaw ni Zera kaya nagtawanan ang mga girls.

"Sweet sila noong nasa Davao kami, Zera. Pinakilala ni Franca sa mga relatives nila na Chinese si Hiro," kuwento ni Nana.

"Ang init ng ulo ni Kuya noong third year siya. Mas strict pa kay Mommy at Daddy. Ako ang napagbubuntunan. Panay sundo. Sagabal sa secret date namin ni Isaiah! Kaya naman pala... basted!" sigaw ni Zera sa kapatid niyang kasama ang mga lalake, sumulyap dito at sinamaan ng tingin ang kapatid.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon