28th Ruled

35.8K 1.2K 2K
                                    

Ruled

Trust

"Lagi silang magkasama rito. Girlfriend ni Sir Ken?" rinig ko ang mga empleyado na nasa Restaurant nila Wayt sa tuwing naroon ako.

Madalas kami sa VIP area. Hindi lamang si Ken ang laging naroon lalo na't pati rin daw si Wayt. Ang alam ko, nagpresinta itong i-handle ang Restaurant.

"Bakit? Hindi ba mahihirapan si Wayt lalo na't nag-aaral pa siya. Tapos dito siya tuwing weekends? O gabi gabi?" tanong ko.

"Weird nga eh. Bigla niyang naisipan. Hindi ko alam kung nangungulila ba kay Nana kaya naghahanap ng mapagkakaabalahan para ma-distract o..."

"O ano?" kuryoso kong tanong.

"Hmm. He has no girlfriend. Imposibleng may nagugustuhan siyang empleyado rito lalo na't kabisado ko 'yan pumorma. Mabilis pa sa mabilis."

Papalit palit nga siya ng girlfriend noong mga nakaraang taon. Laging may nag-aaway na mga babae. Dumagdag pa si Tina at Sofia. Magiging talk show din kasi iyon sa buong school at kakalat pa sa ibang school pag taken na naman si Ryler Wayt Delafuente.

"Nahawa na siguro kay Hiro. Isa rin 'yon. Mailap pa sa mailap. Sobrang hirap hulaan kung may babae bang tinatago o kung sino man ang nagugustuhan. Konti nalang maniniwala akong bading si Hiro," ani Ken.

Naputol tuloy ang pag-iisip ko. Hindi na ako nagbigay ng komento sa parteng iyon. Nagtetext si Hiro pero hindi ko na rin kasi nirereply-an. I don't want to give him false hopes or what.

Lalo na't distracted din kay Ken. Kahit sina Philip, ang mga anyaya nila ay hindi ko masyadong pinagbibigyan dahil bigla biglang magyayaya itong si Ken kaya mabuti na rin iyong bakante ang mga araw ko.

Tinanggap ko na ang katotohanang parte talaga si Hiro sa buhay ko. Lalo na't noong  birthday niya, nang maimbitahan ang aming parents at nagpasya nang pumunta sina Dad ay kasama na rin ako.

My father is starting to like him. Iba niya na ito tingnan. He even tapped his shoulder after greeting him a Happy Birthday.

Bumati rin naman ako pero hindi na masyadong nakipag-usap at deritso lang sa aking table. As usual, they're loud. Kung may kumuha man ng atensyon ko sa gabing iyon... ang pamilyar na keychain na nahulog ni Zera at dinampot agad.

"That's very cute. Kanino 'yan?"

Did Ken give it to her? But that's my gift for him. Pinamigay niya? Kaso... naalala ko na si Hiro ang mga kumuha noong gamit sa kotse lalo na't pinapabigay rin ni North sa akin ang gamit ko.

Which means...

"Uh, kinuha ko lang sa kuwarto ni Kuya."

I knew it.

I smiled and nodded. Kinuha ni Hiro? Nasa paper bag 'yon. I also indicate a simple greetings for Ken. May pangalan din iyon ng kanyang pinsan.

Palihim kong tiningnan si Hiro at sinamaan ng tingin. He caught my eyes. Para bang may ideya na agad siya sa galit ko. Yumuko siya at nakita kong nagtipa sa kanyang cellphone.

Unknown:

Hmm? What's wrong? You're mad again.

Nabasa ko iyon sa screen pero hindi ko na binuksan pa. Hindi rin nagbigay ng atensyon pa. Hindi na sumama sa kanilang party sa sariling Bar at nagpasyang umuwi sa gabing iyon.

He called me. I didn't answer all his calls. Bakit niya iyon kinuha? That's not for him.

Sa school niya na ako natyempuhan pa. Nahuhuli akong lumabas sa classroom kaya naabutan akong mag-isa, na-corner na naman ako.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon