38th Ruled

40.7K 1.4K 1.1K
                                    

Ruled

Date

Tiningnan ko si Hiro. He looked so awake. Mukhang hindi pa rin dinadalaw ng antok, nakatitig sa ceiling at seryoso habang ginagawa pa ring unan ang isang palad, ang isa ay namamahinga sa tiyan.

"I also have a good news for you..."

"What is it?" I watched him curiously like a kid.

"Do you remember that girl you met on Christian's birthday party? Si Keyla?" tumingin siya sa akin.

Keyla? Keyla! Tumango tango ako lalo na't naaalala ko siya.

"She's Red's wife now."

My eyes slowly widened. What?! Red? Ang pinsan niya? Ang kakambal ni Blue na mahiyain at tahimik!

"And she recognized me. She's also looking for you. She remembered you on that night. She didn't forget you..."

I couldn't help not to smile. I just... I couldn't!

"She did?" my eyes twinkled.

Hiro mirrored my smile a little and nodded. Kumikislap ang mga matang nakatingin sa akin, na kahit dim ang ilaw dito sa ibaba at kinakain ng dilim ang ibang lugar ay detalyado ko siyang nakitang nangingiti rin.

"Meron pa..."

"Ano?" halos intense na ata ang nararamdaman ko.

"One of your bestfriend... is in a relationship with my cousin, too."

What the hell? Wala pa akong banggitin alam ko na agad. Natutuwa ako sa balitang iyon na masaya rin sila at nahanap na ang mga taong magpapasaya sa kanila.

"Do you want to visit your friends in Manila? They missed you."

Umiling ako. Mas maganda na malayo ako sa kanila. Ayaw kong makagambala. Sana sa susunod kong buhay, kung totoo man iyon, masaya pa rin ako pero kasama silang lahat. Sana iyong hindi ganito ka saya pero limitado at pakiramdam ko'y hiniram ko pa.

Kontento naman ako. Kontento akong ganito. Ayos na 'to. Ayokong nalulunod ulit sa lungkot dahil kawawa si Illisha. Madadamay lagi pag ganoon ako.

Hindi ko maipagkakailang namimiss ko rin sila. May parte sa akin ang nangungulila sa aking nakaraan at gustong bumalik ngunit alam kong hindi na pwede. Ayos na ito sa akin. Ayos na iyong malaman kong masaya sila.

My eyes feel heavy. Namumungay ang mga mata nang nag-iba ako ng posisyon at patagilid na humiga, paharap sa kinaroroonan ni Hiro.

"Do you jog every morning?" tanong niya.

Umiling ako. Matagal na akong hindi nagjo-jog. Umikot din kasi ang mundo ko kay Illisha. Halos pangangabayo nalang nga ang gagawin at hindi pa ganoon ka dalas.

"Do you want to jog with me?" anyaya ni Hiro.

Tumango ako, marahil dala na rin ng antok. My sleepy eyes couldn't take it anymore. I want to sleep so bad!

"Let's jog later," I heard him.

"Hmm..." I mumbled coz I'm too sleepy to talk to him.

Naramdaman ko ang paggalaw niya, nakita ko rin ang pagtayo dahil sa pumipikit kong mga mata. Inayos niya ang kumot sa aking katawan. Inayos din ang tumakip na buhok sa aking mukha nang hindi ako nadidisturbo dahil sa humihilang antok.

"Hey..."

Kumurap kurap ako at nagising sa kanyang tinig sa umagang iyon. I saw him crouching a bit. Noong makitang gising na ay tumayo siya.

Humikab ako at napagtantong nakatulog ako sa sofa, hindi na nakalipat sa itaas! And he really slept on the carpet? How cruel of me to let him sleep on the cold floor!

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon