32nd Ruled

38.7K 1.4K 1.2K
                                    

Ruled

Break

I passed out. Lalo na't noong nagising ay nasa bahay na. Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit sa pagod ko, parang gusto ko agad umalis.

Hindi ko man lang kayang magtagal at bumalik agad sa Davao ngunit parang kalbaryo na ang aking nararamdaman.

Marahas akong napabangon habang hingal na hingal. Mabilis kong iginala ang tingin sa aking kuwarto at wala namang natagpuang kakaiba ngunit mabilis ang tibok ng puso ko. Naghahalo ang takot at panganib dahil sa panaginip na paulit ulit.

I saw them in my dreams, accusing me things. I saw them... pointing their fingers at me, accusing me of killing an innocent child.

Pinisil ko ang mga kamay kong nanginginig. Deri-deritso ang aking paghinga at kapos na naman, parang hinahabol sa reyalidad kahit panaginip lang naman.

Pumikit ako ng dahan dahan at pilit kinalma ang sarili. I feel so scared. I feel like someone's watching me in the dark. Dumilat ako at binuksan ang lampshade sa gilid.

Nagkaroon ng kaonting liwanag sa kuwarto. Iginala kong muli ang tingin sa bawat gilid, tiningnan ang pinto kung nakasarado ba, ang bintana, ang banyo, at kahit ang walk-in closet ay hindi ko pinalagpas.

Noong makasiguradong mag-isa at walang kakaiba ay nahilamos ko ang mukha. Yumuko ako at napahawak sa aking buhok, mariin ang pikit habang binabalikan sa isip ang detalyado at malinaw kong panaginip.

"You killed my child, Franca..." it was Ken's voice.

"Ken doesn't deserve it. You deserve to suffer more," it was Naia's vision in my head.

"Ikaw ang mismong nagpalaglag ng anak ko!" it was Marione's cry.

Dahan dahan akong humikbi habang nakikita iyon ng paulit ulit sa aking isip, ang bangungot na nagpagising sa akin at gabi gabing dumadalaw.

Ayokong balikan ang lahat ng iyon sa aking isipan. Kung pwedeng ibagok ang ulo, kung pwedeng makalimot, gagawin ko. I'd rather lose my memory! I'd rather erase all those things to my head!

I couldn't confront myself from what's right and wrong. Kahit alam ko naman kung ano ang tama, para bang mali iyon. At ang mga maling iniisip, pakiramdam ko iyon ay ang tama.

Tumayo ako.

"Florisse! I'll just pee," sigaw ko sa pinsan at itinuro ang pinto.

Inaaliw ko lagi ang sarili. Gumigimik kami ng aking mga pinsan. Madalas kami sa Club Echelon ni Florisse at minsan naman ay sa Streetz, ang paboritong tambayan nila Rehan dahil chill lang.

Noong makita ang pagtango ng aking pinsan sa dagat ng mga tao habang kasama ang iilan pang kaibigan sa isang couch at nagkalat ang mga puma-party sa dim na kabuuan ng lugar habang sumasayaw ang neon lights.

Napansin ko ang isang matangkad at naka all black na lalake. May suot itong cap, para bang nagmamasid lamang sa madilim na sulok at hindi pamilyar sa akin ang imahe.

I looked at him curiously. Nakaharap ito sa aking kinatatayuan, nakapamulsa at nakita ko pa ang nakasiksik na baril sa gilid ng kanyang pantalon.

Kinabahan ako bigla. Mabilis kong ginala ang tingin. Is it one of the bouncers? Tiningnan ko ang may pinto at nakita ang mga naka all black din. Muli kong binalikan ang kinatatayuan ng lalake ngunit ang likod nalang ang aking natanaw lalo na't sumisiksik ito palabas habang hinahawakan ang kanyang cap, sinisiguradong walang makakakita sa kanyang mukha.

Maybe he's one of these elite's bodyguard? Mayayaman at kilala ang iilang naririto lalo na't may ibang nabibilan din sa circle ni Rehan. They bring their guards.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon