20th Ruled

38.2K 1.4K 1.4K
                                    

Ruled

Trouble

Natatawa rin naman kaming umalis ni Keyla sa dancefloor. Naiihi ako. Sabay kaming pumunta ulit sa comfort room. Ramdam ko ang pagtama ng tinitikman kong inumin. Medyo nakakahilo pero kaya ko pa namang ibalanse ang sarili at hindi pa ganoon ka lasing.

Keyla's losing her balance. I can sense she's really drunk. Inalalayan ko pa noong pumasok sa cubicle dahil parang deritso ata siyang masusobsob sa anidoro.

Tiningnan ko ang buhaghag kong buhok sa salamin nang mapag-isa. My eyes widened when a realization hit me. The bow hair clip! I'm wearing his gift! Tinanggal ko agad iyon habang nasa cubicle pa si Keyla at umiihi.

Napansin kaya ni Hiro? Shit. Kaya ba tumitingin 'yon sa buhok ko? Mag-iisip 'yon ng kung ano. I mean I like it. And he gave this to me. May karapatan akong gamitin. Kaso ayoko namang makita niya.

Ako ulit ang umihi pagkatapos ni Keyla. Naghugas ako ng kamay pagkatapos.

"Bakit mo hinubad? It looks elegant on your hair," ani Keyla habang inaayos ang buhok na nagulo.

"Baka mawala lang at mahulog. Sayang. It's Chanel," rason ko.

Ngumisi siya at para bang may naisip.

"Bigay ng boyfriend?"

Umiling ako at ngumiti.

"Wala kang boyfriend?" medyo gulat siya sa tanong habang tinitingnan ako sa salamin.

"Wala..."

"Bakit naman? You're pretty."

"Strict si Dad at wala pang nangangahas manligaw."

"Oh..." kita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon ngunit ngumiti rin. May sasabihin pa sana siya nang magring ang kanyang phone.

Sumenyas si Keyla na mauna na lamang akong lumabas. Itinulak ko ang pinto at ipinasok sa dalang sling bag ang hair clip.

Patungo na ako sa gitna kung saan nagaganap ang kasiyahan nang may marinig na boses.

"Where is it?"

Nagulat ako ng kaonti ngunit nakabawi rin naman saka nilingon si Hiro sa likuran.

Nahanap ko agad ito sa barandilya kung saan nakahilig ang bawat kamay niya at tinatalikuran ang dagat. Hinaplos niya ang hinahanging buhok at umangat muli ang kilay.

"Where's what?" I asked innocently.

Tumingin siya sa aking buhok. Shit. Nakita niya nga? Bakit ba ang observant niya? Ang hirap naman nitong taguan!

"Akin na," si Hiro na inilahad ang palad sa akin.

Umangat ang aking kilay. Binabawi niya? Ang regalo binabawi? O nagtatampo kasi hinubad ko? Sa halip na makipagtalo pa sa bagay na iyon ay binuksan ko nalang ang aking bag at isasauli na sa kanya. Edi gamitin niya.

Irita ko iyong inilahad pabalik ngunit nang maalalang bigay niya 'yon ay binawi ko agad.

"Bakit ko ito ibibigay eh akin 'to?"

Ngumuso si Hiro. "Give it to me so I can put it back to your hair."

Kumalma ang aking mukha. Akala ko pa naman babawiin...

Nang hindi ko inilahad ay naglakad siya patungo sa akin at siya mismo ang kumuha sa aking kamay.

"Turn around..."

Kumurap ako nang mapagtanto ang kanyang binabalak. Tumingala ako at handa na sanang magsalita nang umangat ang kanyang kilay at kusa akong pinatalikod.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon