9th Ruled

34.2K 1.2K 650
                                    

Ruled

Boyfriend

Ramdam ko ang pananatili ni Hiro sa classroom kahit naglalabasan na ang lahat. Abala pa ako sa aking iPad habang nakikitang kinukuha na ni Naia ang mga gamit at lalabas na.

I know what he's planning to do. Siguro marahil din sa ginawang pananahimik niya kanina ay nanatili rin ako.

"Dude, tara. Naghihintay sila Wayt at Nana. Sa bahay nila tayo ngayon," ani Ken habang abala rin sa pagliligpit ng gamit.

"Mauna kana. May tatapusin pa akong assignment," ani Hiro habang abala kunwari sa pagsusulat.

Kumunot ang noo ni Ken ngunit nang makitang umaalis na si Naia ay kumalma rin ang kanyang ekspresyon at tumingin sa akin.

"Franca," tawag ni Ken.

Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin, kunwari ay abala rin sa aking iPad kahit halos gusto ko lang namang mag games.

"Sabay kana sa amin. Sa bahay kami nila Nana ngayon," aniya sabay ngiti.

Umiling ako at ipinakita ang iPad.

"May tatapusin pa ako, Ken. Next time nalang..." sabi ko sa marahang tinig.

Tiningnan niya kaming dalawa ni Hiro, paulit ulit habang sinusuot ang makapal na strap ng kanyang bag sa balikat.

"Kayo bahala... See you tomorrow, Franca," nangingiting sabi ni Ken saka niya hinabol si Naia na lumabas na sa pinto.

Tinitigan ko ang malapad na likod ni Ken habang suot ang ngiting ibinigay ko sa kanya kanina. Ang iilang mga kaklase namin ay nagsisialisan na rin. Ilang minuto ang nakalipas ay tatlo nalang kami. Tumayo na ang isang babae at palabas na.

Bakit nga ba ako mananatili rito eh baka sasabunin niya lang ako at isasampal sa akin na tama ang kanyang hinala at may utang na loob ako sa kanya dahil niligtas niya ako kanina.

It's his choice. I didn't ask him to do it.

Sa aking realization ay tumayo na rin ako at niligpit na ang mga gamit. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang paglabas ng isang kaklase sa may pinto.

Hiro shifted from his seat. Umahon ang kanyang ulo at nilingon ako. Nagpasya na akong maglakad paalis ngunit nakakailang hakbang pa lang ay naramdaman ko agad ang mabilis na kilos ni Hiro, kung paano niya ako hinawakan bigla sa aking braso.

Napatigil ako sa paglalakad. Mahigpit iyon at nakikita kong namumula agad ang aking balat dahil sa paraan ng kanyang pagkakahawak.

My skin is sensitive. Bukod sa parang papel ang pagiging maputi, kahit pitik ata ay mamumula agad ako.

Hinawi ko iyon para mabitiwan niya ngunit isang tulak lamang sa akin ay bumagsak agad ako paupo sa isang silya.

Irita kong tiningnan si Hiro at nagtangkang tumayo ngunit ang mabilis niyang pagyuko at pagtukod ng magkabila niyang kamay sa bawat braso ng upuan ay nagpatigil sa akin sa pag-ahon.

His eyes looked mad. Mariin ko siyang tiningnan lalo na't nabitiwan ko ang aking bag dahil sa kanyang ginawa.

"Ano ba?" halos hindi ko naitago ang galit sa aking boses.

"Makakatakas ka sa mga mata ng lahat pero hindi sa akin," seryoso niyang titig.

Humalukipkip ako at mas sineryoso rin ang mukha. Hindi ako makakapagmaang-maangan sa kanya lalo na't alam kong ako lamang ang nadatnan niya sa classroom bago ang nangyari kay Lorren.

"Kaya ka nag-alcohol dahil sa butiking hinawakan mo, hindi ba?" si Hiro sa siguradong tinig.

Hindi na ako nagulat kung pati iyon ay nahulaan niya. He's good at it! It's like his special talent.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon