46th Ruled

50K 1.8K 1.3K
                                    

Ruled

Insecurities

Pinagmaneho ni Lolo si Hiro para ihatid sa airport. Wala ata akong ginawa buong gabi kundi dumungaw sa aking cellphone para hintayin ang text ni Hiro. Nine-thirty noong matanggap ko ang text niya.

Hiro:

Nasa Cebu na ako.

Humiga ako at nagtipa ng reply.

Ako:

Take care.

At eksaktong 10PM, muli kong nabasa ang kanyang update.

Hiro:

Nasa bahay na ako ng kapatid ko.

Ako:

Have fun!

Binitiwan ko saglit ang aking cellphone para hindi na siya madisturbo pa. I pictured-out his cousins. Puro matatangkad at guwapong lalake, mga magaganda at mapuputi niyang pinsang mga babae.

They're probably so loud by now. Baka kahit ang pinsan kong si Irah ay naroon kasama si Toshi. Sayang at hindi ako nakadalo sa kasal nila. Ngayon, buntis na siya.

Thinking about it gave me shivers. Nanuot agad sa aking isip kung gaano ka selan ngayon ang aking pinsan. Baka kahit yakap ay magdalawang isip ako.

My thoughts suddenly flew out of the window when I heard my phone beeped for a text.

Dinungaw ko iyon.

Hiro:

What are you doing? Sleepy?

Nagtipa rin agad ako ng mensahe.

Ako:

Hindi pa naman.

Nagsend siya ng picture. Mesa iyon at may drinks kasama ang pulutan. May mga nakikita akong katawan ng mga lalake ngunit hindi na nakuha sa picture kung sino sino. Probably his cousins.

Hiro:

I'll drink. Is it okay?

I chuckled coz he doesn't need to ask for my permission. I will let him!

Ako:

Your choice Hiro :)

Hiro:

Your choice please :)

Pumikit ako at nailing. Para akong lulubog sa kama.

Ako:

Ayos lang.

He sent another photo. This time it's him. Nakaharap sa kanya ang camera, nakayuko siya ng kaonti, seryosong nakatingin habang buhaghag ang buhok at makikita mo ang madilim na langit na bumagay sa itim niyang buhok at makapal na kilay. The two buttons of his shirt is distracting me so much.

I reacted on his picture and took a photo of myself, too. Nakahiga ako, buhaghag ang buhok sa puting unan ganoon din ang bangs habang nakatagilid ko ng kaonti ang aking ulo. I sent it to him.

Mabilis na nagseen si Hiro. He automatically reacted on my picture too. Ang nakasanayan kong mabilis na typing ay hindi bumalandra.

Baka naging busy na ulit. Hinayaan ko muna siya at pumikit pikit na nang ilang minuto ay muling tumunog ang aking phone. Mabilis kong tiningnan ang screen at nakita ang bumalandra niyang reply.

Hiro:

Facetime?

Iniisip ko tuloy kung magcecellphone lang ba siya buong gabi? He needs to bond with his cousins!

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon