34th Ruled

36.4K 1.3K 1.5K
                                    

Ruled

Dream

Bumilis agad ang kalabog ng aking dibdib. Nabitiwan ko ang basong hawak at nanghihinang napaatras, para bang may nakalimutan ako sa nagdaang mga taon. Sa halos walong taong lumipas bago nangyari ang lahat.

Nawalan ng lakas at natumba pa pabalik sa loob. Gumapang ako at mabilis na isinara ang mga pinto. My head started throbbing. Mariin akong pumikit habang isa isang bumabalik ang dilubyong nabura sa isipan.

I curled on the floor while holding my throbbing head. It hurts so much! Pumipintig at parang sasabog. Noong dumilat sa nanlalabong mga mata, pakiramdam ko'y patay sindi ang ilaw at naririnig ang halo halong bintang ng mga pamilyar na tao sa aking nakaraan.

I shut my eyes harshly. Mabilis ang pagpasok ng mga alaalang akala'y nabaon na sa hukay. My mind couldn't absorb everything. Para akong pinapana ng sunod sunod.

The distorted images from my past flashed on my mind. It was so fast. I saw where everything started even when it's fractured. Mula sa pamilyar na ngiti ni Ken, paninitig ni Hiro, galit na tingin ni Naia, kuryosong mga mata ni Marione, lahat lahat ay bumabalik at pilit pinapasok ang aking utak. Sa sobrang bilis ay halos hindi ko masundan at parang puputok ang ugat ng aking ulo.

I shouted to stop the pain from coming. No... No! Don't... please!

"Mommy? Mommy!" si Illisha na dumalo at hinaplos ako.

The throbbing of my head slowly disappeared. Noong dumilat, nakita ko siya sa aking harapan, alalang alala at naguguluhan.

"What... what happened?"

Umiling ako at parang gumagaan ang pakiramdam. I suddenly remembered the days I'm with her. Ang tibok ng puso ko ay kumakalma. Suddenly, everything went back to it's right places. Parang biglang na-organize ang aking utak kaya unti-unting nagiging payapa ang isip.

Ayokong lumabas sa takot. Parang magkukulong ako ng ilang araw sa loob dahil sa sasalubong sa akin sa labas.

Napatalon ako sa isang katok sa sumunod na araw. My eyes slowly widened. Tumingin ako sa pinto at tarantang tumayo, mabilis na lumapit dahil baka bumukas.

Noong masiguradong lock naman, sinilip ko kung sino ang nasa labas at nakita ang delivery guy na naghahatid ng order na pagkain ko. It's his routine everyday to deliver food.

Nakakapagluto naman ako kaso more on bake ang aking ginagawa. Kulang ang kitchen utensils. Pili lang.

Muli kong kinuha ang pitaka para manghalungkat ng pera. Akmang bubuksan nang makaramdam ng kakaiba. Nilingon ko si Illisha, nakita itong nagbabasa ng libro.

Nagkaroon ako ng lakas para buksan iyon. The guy smiled. I smiled a little.

Inihanda ko iyon sa lamesa pagkatapos. Pinanood ako ni Illisha. I smiled while putting the plates carefully. Inilagay ko rin sa bawat gilid ang kutsara at tinidor.

"Do you have friends, Mom?" tanong ni Illisha habang kumakain na kami.

"Oo! Marami noong nasa Manila ako. I'm popular way back in highschool and college days," I said softly.

Kinagatan niya ang brocolli na nakatusok sa hawak niyang tinidor habang gumagalaw ang paa sa ilalim ng mesa.

"Where are they?"

"Busy na rin... Why? Do you want to meet them one by one?"

Illisha looked at me innocently. I smiled. She's not ready. And she's too shy for that.

"How 'bout your crush?"

Medyo natigilan ako. She's so curious!

"Hmm..." Inalala ko ang mga naging crush ko noon.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon