Chapter 2-2: A Professional Consultation

10 0 0
                                    

Kumakain kaming lahat ng agahan nang biglang sabihin ni papa sa akin na kailangan kong magbihis dahil may pupuntahan  kami ngayon. Siguro lutang pa ako dahil kagigising ko kaya wala sa sarili ko siyang tinanong kung saan kami pupunta.

Walang emosyon na ngumiti si papa sa akin. At alam kong kapag  gano'n ang mukha niya, may  sasabihin siya na hindi ko magugustuhan. "Ah, bibisitahin  ko ang manugang ko, anak.  Tanggap ko na si Lucas sa  pamilya natin."

Natigil ako sa pag-nguya ko sa  kinakain ko. "Po?" at nang  mapagtanto ko ang sinasabi niya,  agad na tumaas ang boses ko.  "Hindi ko po siya boyfriend!"

"Samantha," suway ni mama sa akin. "H'wag kang sumisigaw sa hapag-kainan."

Natahimik na lang ako at saglit na sinulyapan si Lucas. Nakangiti lang siya kay papa.

Hindi ko na lang din pinuna pa ang nakakainis niyang mukha at nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.

Nang matapos kaming kumain sinabihan ako ni mama na mag-ayos, at siya na lang ang maghuhugas ng mga pinggan. 

Sinunod ko na lang siya, at nang makapag-ayos ako ay nagpaalam na kami kina mama. Sasama din sa amin si tito Atanacio dahil malaki ang tulong niya sa trabaho ni papa.

Di pa ako sigurado sa line of work ni tito Atanacio. Di rin ako nagtatanong dahil hindi naman siya pala-kuwento.

Sa sasakyan ay magkatabi kami ni Lucas sa likod, sina tito at papa naman sa harap. 

Posible naman sa mga kaluluwa na sumakay sa mga sasakyan. Karamihan nga sa mga ito ang siyang dahilan kung bakit maraming mga sasakyan sa mga tulay at ibang daan ang naaaksidente.

"Lucas," tawag ni papa sa katabi ko. "Saan mo nakilala ang anak ko?"

Ngumiti naman si Lucas. "Sa library po, tito."

"Kailan mo nakilala ang anak ko?"

"Po?" Nagitla si Lucas at dahan-dahan siyang tumugon. "Last month po, tito."

Pumalatak si tito Atanacio, samantalang napasinghal naman si papa.

"Talaga?" sabi naman ni papa. "Alam kong hindi mo naman lalapitan basta-basta ang anak ko kung hindi mo siya kilala, hindi ba?"

Pagkasabing 'yon ni papa ay biglang lumamig sa sasakyan. 

"Sinong nag-open ng aircon? Pwede pakibabaan? Full blast talaga dito sa pwesto namin?" tanong ko naman kasi sobrang lamig na.

"Tanungin mo 'yang boyfriend mo kung bakit biglang lumamig dito, Samantha," sabi naman ni tito kaya napatingin ako kay Lucas na mukhang kinakabahan.

Umirap ako kaya papa. "Hindi ko nga po siya boyfriend, Pa." Pagkatapos ay bumaling ako kay Lucas. "Anong problema mo?"

"Ah, wala lang, Samantha," sabi naman nito na halos di makatingin sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at tiniis ko na lang ang lamig sa sasakyan. Sa kalagitnaan ng byahe ay bumalik din lang sa normal at nawala na ang lamig kaya nanahimik na lang din ako nang tuluyan.

Hindi nagdalawang-isip si Tita Mila na magbukas ng pinto sa amin ni papa nang matunton namin ang kuwarto kung saan naka-admit ang katawan ni Lucas. Mukhang tuwang-tuwa pa siya na makita ako. "Samantha! Dumalaw ka ulit." Napatingin naman siya kay papa at saglit na nagtaka.

"Ah, magandang umaga, balae, ako ang tatay ni Samantha," sabi ni papa kaya bigla ko siyang nahampas sa braso niya.

"Papa!"

Tumawa naman si Tita Mila at nakipagkamayan siya kay papa bago niya kami pinatuloy sa kuwarto.

Kunot-noo naman si papa nang pumasok kami. Hindi ko siya masisisi kasi mukhang mas lumakas yung negative energy sa kuwarto ni Lucas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Third Eye Society ClubWhere stories live. Discover now