Chapter 1-2: The Guy Who was Never Dead

11 3 4
                                    

Matagal akong napatitig sa kanya, ini-internalize pa rin ang kanyang sinabi.

Hindi pa siya patay?

"I-I saw myself...sa isang hospital bed. Pero hindi ko maalala kung paanong nandito ako sa school. Kapag bumabalik ako sa ospital, hindi ako makapasok sa room ko. Hindi ko man lang malapitan ang katawan ko, pati si mama at si papa, di ko sila mahawakan. At lagi na lang akong naibabalik dito!"

Bigla siyang umiyak sa harapan ko. "I only have three weeks bago i-approve ni mama ang euthanasia ko. Gusto ko pang mabuhay, Samantha, pero hindi ako makagising!"

Ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking umiiyak sa harapan ko. At hindi ko maiwasang maawa sa kanya.

Ang paghikbi niya lang ang naririnig ko. At malamang ay ako lang ang nakakarinig sa iyak niyang 'yon.

Halos hindi ako makapagsalita.

First time kong makakilala ng kaluluwa na buhay pa ang katawan. Pero kahit nga na hindi pa siya patay...

"Hindi ko pa rin alam kung paano ka tutulungan," aniko sa kanya.

Malakas siyang bumuntong-hininga at tumigil siya sa pag-iyak niya. Ngumiti siya nang malungkot sa akin. "Ngayon alam ko nang nakikita mo ako, Samantha."

Nagitla ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ang kulit mo kasi, at ang daldal mo pa."

Bumunghalit siya ng tawa at pinahid niya ang kanyang mga mata. "But can I at least ask you for a favor? Just this one last time? Pangako hindi na kita guguluhin pagkatapos."

"Ano bang gusto mong mangyari?" tanong ko.

"Pwede ba kitang saniban?"

Nilingon ko siya at sumama ang tingin ko sa kanya. "Say what now, kuyang multo?"

"I'm Lucas, by the way," untag niya muna bago nagpatuloy ulit sa pagsalita, "nakita ko sa mga palabas na pwedeng saniban ng isang multo ang tao na may third eye kasi malakas ang powers nila."

"At ang punto mo?"

"Baka makapasok na ako sa kuwarto ko kapag sumanib ako sa katawan mo."

Umiling ako sa kanya. "Hindi mo pwedeng gawin 'yon. Baka ikapahamak nating dalawa."

Mahigpit na ipinagbabawal ni papa ang pagpapasanib, masama kasi 'yon at minsan ay baka humantong sa kamatayan.

"May alam ka bang paraan para makapasok ako kasama ka?"

"Sapat na siguro na nakadikit ka sa akin," tugon ko. "Pero bakit di ka makapasok sa kuwarto mo?"

Natigilan siya sa tanong ko at nakita ko ang bakas ng kaba at takot sa kanyang mukha.

Hindi naging maganda ang pakiramdam ko sa tinuran niya. May nangyari ba sa kanya doon sa ospital?

Kung tutuusin ay pareha namang nakakatakot ang mga multo sa ospital at sa school. Atsaka baka may nakabangga siyang vengeful na multo kaya siya na-kick out sa kuwarto niya.

"Hindi ko masabi eh," sambit niya. "Atsaka antagal na simula nung nasa ospital ako kaya di ko na maalala kung ano yung nasa kuwarto ko."

Nag-aya ako na maglakad, at nag-uusap pa rin kami kahit nung nasa clinic na kami ni Lucas.

Nakaupo lang ako sa isa sa mga kama sa clinic at naka-cover ang mga kurtina sa bawat side ko para di ako maka-istorbo ng iba pang natutulog sa clinic. Nakikinig ako sa mga kuwento ni Lucas tungkol sa sarili niya.

"So Grade 11 ka pa lang? Akala ko graduating ka na," gulat ngunit pabulong kong sabi nang pormal siyang magpakilala sa akin. Bawal kasi ang maingay dito sa clinic kasi may kasama kaming natutulog sa may kabila.

The Third Eye Society ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon