Chapter 2-1: A Professional Consultation

4 1 0
                                    

"Ang ibig mong sabihin, nagising ka na nakahiwalay na ang kaluluwa mo sa katawan mo, tama?"

Tumango si Lucas.

Nagsalita ulit si papa. "At may black lady na gustong manakit sa'yo?"

Muling tumango si Lucas. "Gano'n na nga po."

"Bakit humingi ka ng tulong sa anak ko? Eh hindi naman niya gawain iyon at bawal pa siyang tumulong sa mga multo."

Lumingon si Lucas sa akin. Pero nagkibit-balikat lang ako sa kanya dahil maski ako nagtataka kung bakit sa akin siya humingi ng tulong.

Magkatabi sina mama at papa sa mahabang sofa ng sala. Sa likod naman ni mama au nakatayo si tito Atanacio. Kami naman ni Lucas ay magkatabi at nakatayo sa harapan nila.

"Asawa ko, mahalaga pa ba 'yon? Kailangan ng bata ang tulong natin," untag naman ni mama sa mahinahon na boses.

"Asawa ko, mainam na makilala natin nang maigi ang batang ito, halatadong may itinatagong motibo ito sa anak natin eh," depensa ni papa.

"Pa, makasisiguro po kayo na harmless si Lucas," sali ko sa usapan. "Ultimo nga kauri niyang multo kinatatakutan niya."

"Hindi doon nasusukat ang totoong ugali ng isang tao, Samantha," mariing sabi ni papa. "Kung minsan, ang mukhang masama pa ang siyang totoong mabuti. At ang taong mukhang mabait ay maaring isang tusong demonyo. Mag-iingat ka."

"Kaya ba gano'n na lamang ang iyong tinuturan, dahil natatakot kang mahulog ang loob ng anak natin sa binata, ha, Roberto?" may panunuyang tanong ni mama.

Natahimik naman si papa, pero masama ang tingin niya kay Lucas.

Yep, mas nakakatakot si mama kaysa kay papa. Malaki lang ang katawan ni papa, at nakakatakot siyang tignan, pero sobrang sweet niya. Si mama naman ay mabait din, ngunit strikto at gusto niya lahat ay laging nasa ayos.

"Mukhang mabait naman si Lucas, kaya tulungan n'yo na lang," biglaang sambit ni tito Atanacio na nakatayo sa likod ni mama.

Multo si tito Atanacio, matagal na siyang patay. Isa siya sa mga biktima na namatay sa sunog sa Ozone Bar noong 1996. At ngayon ay nagmumulto siya rito sa bahay namin simula pa nung baby ako.

Bata ang mukha ni tito Atanacio, kasi siguro ay nasa 19 or 20 years old siya nung namatay siya. Hindi nagbabago ang kanyang suot, oversized navy blue polo shirt na naka-tucked in sa maong na pantalon. Ang buhok niya ay naka-gel at nakaparte sa gitna.

So far, si tito Atanacio ang multo na may pinakamatinong itsura, walang bahid ng kanyang kamatayan sa kanyang anyo. Kung titignan mo nga ay mukha siyang totoong tao, subalit wala siyang anino. Kasi wala naman talagang anino ang mga multo.

Medyo snobbish si tito Atanacio at madalang niya akong kausapin. Hindi ko rin masyadong alam ang gist kung bakit nandito siya at hindi pa siya pumupunta sa kabilang buhay.

Pumalatak si papa ngunit hindi na siya nakipag talo. "Kailangan ko munang bisitahin ang katawan mo para malaman kung ano ang dapat nating gawin."

Tumango si mama at ngumiti siya nang matamis kay papa. "Asawa ko, tutal sabado naman at wala ka namang masiyadong gagawin. Ikaw na lang ang pumunta at samahan mo ang mga bata."

Sumang-ayon na lamang si papa at napakamot siya sa ulo niya. Natawa naman ako pero lumapit ako para yakapin siya, pero nilayuan niya ako.

"Hep! Maligo ka muna, galing ka sa opital. Maraming nakadikit na masasamang enerhiya sa'yo."

Nagtaka ako sa kanya. "Pano n'yo po nalaman na nagpunta ako sa ospital?"

"Mas mabigat ang negative energy ng mga ospital kumpara sa mga eskewelahan, kaya alam ko."

The Third Eye Society Clubحيث تعيش القصص. اكتشف الآن