Chapter 1-3: The Guy Who was Never Dead

11 2 4
                                    

Nagka-kuwentuhan kami ni Tita Mila habang nakaupo siya sa kabilang side ng bed ni Lucas.

Nalaman ko na nagpaalam pala si Lucas na pupunta sa isang birthday party. Sabi ng mga kaibigan niya na nakasabay niya pauwi, bigla na lang daw bumunggo ang sinasakyan niyang sedan sa isang malaking puno sa gilid ng kalsada.

Patay na dapat si Lucas noon sa ER, pero na-revive siya. Ang downside no'n ay comatosed siya. Tinahi ang sa may bandang noo niya, nabali ang mga daliri, fractured ang mga binti, four broken ribs, collarbone injury, at subdural hematoma.

Hindi na napigilan ni tita Mila na mapaiyak habang nagku-kuwento sa akin. "Sorry Samantha. Hindi ko kasi matanggap na nangyari ito sa anak ko."

Hindi ko naman siya masisisi, walang ina ang masaya kapag may nangyaring masama sa anak nila.

Napansin ko naman din ang pag-iyak ni Lucas sa likod ko. "Sorry po, Ma, sana hindi na lang ako umalis nung gabing 'yon."

Saglit na naningkit ang mga mata ko nang maramdaman kong mas bumigat ang paligid.

Nakakabahala ang ganitong pangyayari. Kahit na hindi ako ang tipo ng tao na tumutulong sa mga multo, hindi ko pa rin kayang hayaan ito. Kakausapin ko sina mama at papa mamayang pag-uwi ko.

Sa ngayon ay inalis ko ang bracelet ko at isinuot ko iyon sa kamay ng katawan ni Lucas. Nang makita 'yon ni tita Mila, ngumiti lang siya sa akin.

"Ah, bigay po ito ng papa ko, sabi niya po maganda po itong proteksyon mula sa kung anong mga sakit po."

"Naku, hija, ayos lang ba na ibigay mo kay Lucas ang isang bagay na sobrang importante sa iyo?" tanong ni tita Mila sa akin.

"Mas importante po si Lucas, tita Mila," tugon ko na lamang upang di na siya magtanong.

Makukuha ko pa namang muli ang bracelet ko once na nakabalik na si Lucas sa katawan niya. O kaya ay pwede naman akong bigyan ulit ni papa ng bago. Mas kailangan ni Lucas ang proteksyon. Dahil kung wala siya no'n, unti-unti siyang hihina, magiging malabo ang posibilidad na makabalik pa siya sa katawan niya.

Suminghot si Lucas. "Naks naman, Samantha, kinilig ako sa sinabi mo."

Gusto ko siyang sumbatan at samaan ng tingin, pero nakaharap sa akin si tita Mila kaya nagtimpi ako.

"Naku, Samantha, alam ba ng parents mo na bumisita ka ngayon?" malumanay na tanong ni tita Mila. "Tamang-tama at tanghali na, kumain muna tayo. Nagpa-deliver ako ng fast food."

Siyempre libre 'yon kaya natural na pumayag ako. Kaso hindi pa rin mawala-wala ang mabigat na pakiramdam sa kuwartong 'yon. Kung alam ko lang na may ganitong ganap dito, nagdala sana ako ng insenso, o kaya ay asin.

Lumabas si tita Mila para kunin ang in-order niyang pagkain. Nagprisinta ako na ako na lang ang kukuha, kaso ayaw niya. Ang sabi niya ay bantayan ko na lang si Lucas.

Bumuntong-hininga ako at bumaling sa katawan ni Lucas. Sa tingin ko hanggang dito na lang ang---

"Aaack!!"

Agad akong napalingon sa kaluluwa ni Lucas. Sa sobrang takot ko sa nakita ko ay bigla akong nahulog sa kinauupuan ko. Agad kong inilihis ang aking tingin bago pa ako mapansin at agad akong bumalik sa kinauupuan ko.

Hindi ko maiwasang marinig ang nangangahos na hininga ni Lucas. Mas lalo akong natakot nang mapasigaw siya.

Nakakatakot ang nakita ko. May babaeng itim na multong sumasakal kay Lucas. Malaki ang pangangatawan nito, nakasuot ng itim na damit at natatakpan ang kanyang mukha ng itim na belo.

Ang multong ito siguro ang dahilan sa mabigat na pakiramdam ko sa kuwartong ito.

Sumigaw si Lucas. "Aaaack!!! Samantha, tulungan mo ako!"

The Third Eye Society ClubWhere stories live. Discover now