Chapter 1-1: The Guy Who was Never Dead

23 3 5
                                    

"Miss Mallari, kung matutulog ka rin lang sa klase ko, you better go to the clinic!"

"Ma'am di ko po alam ang sagot!"

Napuno ng tawanan ang buong classroom namin nang biglaan akong magsalita patugon sa paggising sa akin ni Ma'am Tiongson, ang aming guro sa English.

Mabilis akong napangiwi nang makita ang masama niyang tingin sa akin.

"Wala pang dalawang oras na natapos ang recess n'yo ah, pero natutulog ka na sa klase ko?"

Nahihiya akong napayuko at halos pabulong akong nagsalita. "Sorry po, ma'am."

"This is your last warning, Ms. Mallari. Kapag nahuli ulit kitang natutulog sa klase ko, ipapa-call parent na kita, at wala akong pake kahit honor student ka pa!"

Narinig kong bumungisngis ang seatmate ko na si Precious, dahil na rin siguro sa kahihiyang nakuha ko.

Napakamot na lang ako sa ulo at sumandal ako sa backrest ng arm chair ko para hindi na ako antukin ulit.

Pero wala pa atang tatlong minuto na gising ako ay napapahikab na naman ulit ako, at nararamdaman ko na naman ang mga mata ko na gustong pumikit.

Susuko na sana akong muli sa aking antok, subalit nagising ang diwa ko nang may marinig akong boses ng lalaki na bumulong sa tenga ko.

"Samantha, h'wag kang matutulog, magagalit na naman ulit sa'yo si ma'am Tiongson."

Kasunod no'n ay ang biglaang paglamig ng paligid na para bang nasa loob ako ng freezer.

Heto na naman siya.

Humikab na lang ulit ako, umayos ako ng upo, at hindi ko pinansin ang epal na 'to na feeling close sa akin.

"Samantha," tawag ng lalaki sa kin. "Hindi mo ba talaga ako nakikita?"

Wala naman akong rason para pansinin siya kaya nakinig na lang ako sa discussion namin. At isa pa, medyo nasasanay na rin ako sa kanya.

Isang araw, biglaan na lang siyang sumulpot sa tabi ko, magmula noon ay hindi na niya ako tinigilan. Sa Overpeak Library niya ako unang kinulit, hanggang sa kumapal ata ang mukha niya dahil dalawang linggo na niya akong ginugulo dito sa classroom namin.

Walang araw na hindi ako inistorbo ng lalaking ito. Nung September niya pa ako kinukulit. Mukhang mas matanda siya ng isa o dalawang taon dahil suot niya ang school uniform ng mga Senior High students sa paaralan namin. Iba kasi ang uniform naming mga Junior High (maroon sailor style na blouse at maroon na palda kapag sa babae, white na polo at maroon pants naman sa lalaki) kaysa sa mga Senior High (white polo na napatungan ng maroon na vest, maroon na pencil skirt sa babae at maroon pants sa lalaki).

Graduating kaya siya bago siya naging multo?

Oo, isa siyang multo. Hindi ko siya kilala, at baka nga matagal na siyang patay eh. Wala akong makita na ID kaya hindi ko alam ang pangalan niya. Pero kilala niya ako dahil sa pagsilip niya sa ID ko noon.

Hindi naman siya nananakit, di tulad nung multong babae na gumagala sa third floor corridor ng Millenium Building. Trip lang siguro ni kuyang multo na manggulo ng mga estudyante. At sa kasamaang palad ay ako ang napagdiskitahan niya.

Lagi siyang humihingi ng tulong sa akin. Pero natural naman 'yon, lahat ng multong nakakakita sa akin ay agad na humihingi ng tulong. Madalas ay nagpapatulong lang sila para makatawid sa kabilang buhay, pero hindi ko pa kasi alam gawin 'yon. Hindi ko alam kung paano sila tutulungan, dahil wala pa akong kaalaman. At mahigpit na ipinagbabawal ni papa sa akin ang pagtulong sa mga multo.

Sabi niya hindi pa ako nagsasanay kaya hindi ko pa sila maaring tulungan. Pwede ko silang kausapin, ngunit hindi ko naman kaya.

Kahit na sanay akong makakita ng multo ay natatakot pa rin ako sa kanila.

The Third Eye Society ClubWhere stories live. Discover now