Chapter 90: Amidst The Greats

1.4K 66 0
                                    

Chapter 90: Amidst the Greats

"What the hell, Nemesis?" He frustratedly said.

Sabay kaming napalingon sa paligid nang bumukas ang ilaw, at ganoon na lamang ako nagulat nang sabay-sabay na pumasok ang mga pinakamagagarang maharlika sa bulwagang iyon. Napasinghap ako sa takot nang gulat ang mga itong napalingon sa amin, animo'y nagtataka kung ano'ng nangyayari at bakit ganoon ang aming mga hitsura. Sabay sabay kaming napalingon kay Intrepid nang lumikha ito ng ingay na animo'y nasaktan, at ganoon na lamang namilog ang aking mga mata matapos makitang balot na balot nan g dugo ang kaniyang mukha, bumababa na ito sa kaniyang damit at may natirang basag na parte ng vase sa kaniyang ulo.

"Omyghad..." bulong ko at mas lalong napadiin sa dingding habang ang kapiraso ng vase na natira sa aking kamay.

"Let that fucking piece go!" sigaw niya at itinuro ang basag na hawak ko, ako pa ang nagawa niyang isipin kahit na siya ang may tama sa amin!

Mabilis na lumapit ang apat na lalaking kasama ni Intrepid, nangilabot ako nang makita ang mga pangalan nitong nakaburda sa kani-kanilang kapa. How come the all look so fucking beautiful and handsome at the same time? Patay na ba ako kaya nakikita ko ang mga ganitong klaseng nilalang o nilalamon na ako ng aking pantasya? Their capes moved along with their majesties and dauntlessness; Stalwart Dauntless, Menace Dauntless, Stout Dauntless, and Ardent Gutsy Dauntless.

Mas lalo akong nahibang nang lumapit pa ang isang makapangyarihang angkan, at ganoon na lamang kalakas na kumalabog ang aking dibdib nang makita ang nilalang na isa sa mga hinahanap ko. His long dark hair looks really good on him, his nose looks menacing, his eyebrows were thick and his lashes were long. Halos magkamukha lang sila ng Maharlikang Intrepid, mas maappeal nga lang talaga ang bampirang nahampas ko ng vase. Above all, he is gorgeous; Kentson Ferdinand, and beside him were some in his clan looking fetching as well with the names in their cape; Aemilius Ferdinand, Desi Ferdinand, Austen Ferdinand, Claude Ferdinand, Favian Ferdinand and Sylvestre Ferdinand.

Akma na sanang lalapit si Kentson sa akin nang pigilan siya ng isang pamilyar na lalaki, Darius; "Don't..." pigil nito, ang pangalan nito'y nakaburda sa kaniyang espada, "She is under Gleeson's spell. Her eyes are now a glowing crimson, a spell, it's blocking her memories. Huwag na kayong lumapit, Maharlika. Dalawa na kayo ng Maharlikang Intrepid na nagdurugo 'pag nagkataon."

Walang nagawa ang binatang Ferdinand kung hindi ang bumulong ng pamilyar na pangalan habang naluluha at nakatitig sa akin, "Nemesis..."

Lumapit si Darius sa mga Dauntless na pinapanuod lamang ang pagdugo ni Intrepid. What the heck, how could they just watch Intrepid bleed?

Darius spoke to his bleeding majesty who's eyes cannot be take off of me, "I'm afraid, this is what all we can do for now. To check if she's doing fine, we need to stick on our plans, my lord Intrepid and lord Kentson. You can't fall under her charm for now, she is still not our Nemesis."

Akma na naman sanang lalapit sa akin si Intrepid ang kaso ay mabilis itong pinigilan ni Darius, pagkatapos ay lumuhod at yumuko ang lalaki na animo'y nagpapakumbaba; "We need to stick on what we've planned. You can't take her now, we will be doomed. The Royals are here, you don't want a bloody reunion of royals, do you, your majesty?"

Tuluyang nahinto ang lahat ng naroroon at napatingin sa akin, bigla ay gusto ko na lamang magpalamon sa sahig. Nakaramdam akong muli ng panginginig, at kung hindi pa pumasok ang mga Lumier at kumaripas patungo sa akin ay babagsak na ako sa sahig dahil sa panghihina. Gayong hindi sila nakalapit ng tuluyan, sapat na ang kanilang presensya upang maramdaman kong ligtas ako.

But I feel more safe with... the guy I just stabbed. What the heck!

"What's happening here—" nahinto si Akio, animo'y alam na ang sagot sa sariling tanong.

What the heck is this? I am being surrounded by the greatest vampires of their clan. The Dauntless', the Ferdinands and the Lumiers.

Kasabay ng paglapit ni Gleeson ay ang paglapit rin ni Intrepid at Kentson, sabay-sabay silang napahinto nang mapagtanto ang sabay-sabay nilang pagkilos. At dahil sa halo-halong nararamdaman ay nahibang na ako, itinaas ko ang tirang basag na vase na ikinagulat nilang lahat.

"Nemesis, don't!" Pigil ni Kentson.

Umalingawngaw ang tinig ni Intrepid, "Baby, no!"

Si Gleeson naman ay nanginig, "Luna...do not hurt yourself, please."

Mas lalo akong nanginig. Ang karamihan sa mga nasa silid na iyon ay nanatiling nakatayo at nanunuod lamang sa awtomatikong reaksyon ng tatlo pagdating sa'kin.

"So this is how heavy love quadro's work? Isn't this quadro, or triangle? Tell me, Adron." Dinig kong bulong ni Haru. "Damn, this is so damn heavy."

"Just shut the fuck up."

Lahat ng naroroon ay napakislot nang itutok ko ang basag na bote sa akin, at wala na akong ibang maisip noon kung hindi ang itarak ang basag sa aking tiyan. Napapikit ako, tuluyan ko nang ipinuwersa ang basag upang saksakin ang aking sarili ngunit bago ko pa iyon nagawa ay nasa harapan ko na ang binatang Dauntless, ang bote ay nakaharap na sa kaniya at taranta akong pinipigilan.

Naunahan niya sina Kentson at Gleeson na ngayon ay nasa kaniya nang likod. Napaluha ako at umiling-iling dahil mas umusbong ang kagustuhan kong manaksak, ang gusto ko na lamang ay manaksak. Oo, nahihibang na ako. Kailangan ko na ng malalim na tulong dahil hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari sa akin.

"My lord, do not!" Pigil ni Darius, "She will really stab you, the crimson spell is telling her to do so!"

Sa hindi maintindihang dahilan ay pinigilan ako ni Gleeson sa tuluyang pagsaksak kay Intrepid na ikinagulat ng lahat lalo na ng mga Lumier, nakiusap ito ngunit hindi ako nakinig. Nanginig ako, kung wala akong masasaksak ngayon ay sasaksakin ko ang aking sarili.

Mas lalo akong naluha nang itinutok ni Intrepid ang basag sa kaniyang tiyan at malaya akong hinayaan, "That's it, here, Nemesis. If that's what it takes to get your sanity back. Stab me."

"Are you insane?" Sigaw ni Kentson.

"Come back to me, I missed you so much, my love." Intrepid whispered.

I could almost feel my sanity back, but the madness in me fired up. And in a split of seconds, I just found Intrepid spitting blood and my hands trembling, I just stabbed him!

"What the hell?"

"Seriously—"

Mas lalong idiniin ni Intrepid ang pagkakasaksak ko sa kaniya; "Th—this is the only thing I know to get your sanity back. You want to see me hurting right? Here, stab me..."

Tila ako napaso, at sa isang iglap ay bumalik sa katinuan dahil sa kaniyang ginawa. Natagpuan ko na lamang ang aking sariling umiiyak at binabawi ang aking kamay, pilit na tinatanggal ang nakasaksak na basag sa kaniyang tiyan, "Let go..." pakiusap ko.

Binitawan ako ni Intrepid dahil nanghina ito, kasabay ng pagtakbo ni Gleeson upang agawin ako ay ang pag-alalay ni Kentson kay Intrepid at ang pagsermon nito; "How dare you spit a blood? Nagpasaksak ka!"

Tumalim ang paningin ni Intrepid kay Kentson, "Parang gusto ko ring manaksak, pero Kentson lang ang sasaksakin."

"Let's go, Luna..." Bulong ni Gleeson habang naluluhang nakatingin sa dalawang Maharlikang nagtatalo.

Bakit siya lumuluha habang nakatingin kanila Kentson at Intrepid? Nasisiguro kong hindi siya naiiyak dahil sa akin, mayroong nakaraan ang tatlong Maharlika...nararamdam koi yon.

At sa mabilis na pagkilos ay nasa bisig na ako ng mga Lumier, walang nagawa ang mga Dauntless at Ferdinand nang magsimula na kaming umalis. Naglakbay na ako palabas sa silid na iyon ng mabigat ang dibdib, ang mga yakap ni Gleeson ay bahagyang nagpapakalma sa akin ngunit hindi matatawaran ang konsensyang aking nararamdaman dahil sa nagawa ko sa Maharlikang Dauntless.

I left...while Intrepid bleed.

Fallen ✔️Where stories live. Discover now