Chapter 55: In Between Claim and Encroach

1.9K 111 1
                                    

Chapter 55: In Between Claim and Encroach

NAGMISTULA akong estatwa nang maramdaman ko ang paglapat ng kaniyang kamay sa aking likod habang ang isa'y naglakbay sa aking basang braso patungo sa likod ng aking ulo upang diinan ang halik na aking sinimulan. Sa oras na iyon ay hindi ko alam kung magsisisi ba ako o magpapasalamat dahil ginawa ko ang halik na iyon. Sa tingin ko'y bahagya ko nga siyang napakalma, ngunit bahagya pa lamang iyon. At sa tingin ko'y mas lalo pa akong nawalan ng kalayaan sa kaniyang mga bisig nang magsimula na siyang maging agresibo.

Ang aking pag-iyak ay tuluyan nang natigil. Wala akong ibang ginawa kundi ang hayaan siya sa kaniyang ginagawang paglulunod sa akin sa pamamagitan ng kaniyang halik. Natatakot akong kumilos ng kontra sa kaniyang kagustuhan dahil baka bumalik na naman ang kaniyang galit na kanina lamang ay kinatatakutan ko.

Napasinghap ako nang hapitin ni Intrepid ang ibabang bahagi ng aking likod at sa tingin ko'y sinadya niya iyong gawin. Dahil nang bumuka ang aking labi sa bahagyang pagkagulat ay sinamantala niya iyon upang ipasok ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig.

The fire inside me just ignited and I know the majestic vampire could feel the sensation I am feeling too. The cold atmosphere and large drops of rain couldn't do anything against the heat setting fire between us. Masyado na kaming basa at dapat ay nakakaramdam ako ng lamig, ngunit sa oras na iyon ay init niya ang aking nararamdaman. Init ng kaniyang halik ang animo'y pumapasok sa aking sistema at pinag-aalab ang kaloob-looban ng aking damdamin.

His kisses went deeper, he gripped my body against his emptying the spaces between us.

"Intrepid..." I tried calling him out using my mind, I tried connecting with him. For he was busy claiming my lips with his full mouth kisses and I couldn't even say a single word to stop or to talk to him. "Your majesty..."

Sa tingin ko'y gumana ang ginawa ko. Dahil nahinto siya sa paghalik sa akin, lumikha pa ng tunog ang paghiwalay ng aming labi. Marahan akong lumayo sa kaniya ng bahagya ngunit hindi niya ako pinakawalan kaya naman hindi parin ako komportable sa kaunting espasyong namamagitan sa amin. Dahan-dahan akong dumilat, at ganoon na lamang ako kabilis na napahanga nang makita kung gaano siya kaaya-aya kahit na nilalamon na siya ng putik.

Matapang kong sinalubong ang kaniyang nag-aalab na titig deretso sa aking mga mata. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha, ngunit ramdam ko ang pag-iinit ng kaniyang katawan sa paraan ng kaniyang paghawak sa akin at maging ako'y nararamdaman ko ang init na iyon. Hindi ko inisip ang bilis ng pagkalabog ng aking puso dahil sa pagtama ng aming paningin, ang gusto ko na lamang ay salubungin ang kaniyang titig upang masigurong kumalma na siya.

Unti-unti nang natutupok ang pag-alab sa galit ng kaniyang damdamin, nakikita ko iyon sa kaniyang mga mata. Ang kaninang pulang-pula niyang mga mata'y unti-unti nang bumabalik sa ginto nitong kulay. Ang normal na kulay ng kaniyang mga mata. Ngunit sa kabila niyon ay hindi ko parin magawang ngumiti. Bahagya ko ngang napakalma ang halimaw ni Intrepid, nahinto na rin ako sa pag-iyak, ngunit hindi pa nahihinto ang malakas na pagbuhos ng ulan na animo'y sumasabay parin sa bigat ng aking damdamin. Animo'y nagpapahiwatig na hindi pa rin tapos ang aking alalahanin, na animo'y nagsasabing mahihinto ang aking alalahanin sa huling patak ng ulan.

"Intrepid..." I called him and reached for his hair messing his face. I removed the fiber of his hair and put it at the back of his ears to lucidly see his gorgeous face. His luna is shining bright again, and I don't know what does that mean.

Hindi iyon maliwanag kaninang nagagalit siya dahil hindi ko na iyon nakita ni napansin. Subalit ngayon ay unti-unti na iyong nagliliwanag, at sa pamamagitan niyon ay nakakita ako ng pag-asa na tuluyan na ngang kumakalma si Intrepid.

Fallen ✔️Where stories live. Discover now