Chapter 54: Against Starry Vehemence

Start from the beginning
                                    

Naramdaman ko ang bahagyang gulat sa kaniya nang yumapos sa kaniya ang mahihigpit kong yakap. Ngunit alam kong hindi sapat ang yakap na iyon dahil ramdam na ramdam ko parin ang dilim ng kaniyang aura. Subalit sa oras na iyon ay hindi na siya kumibo, hinayaan niya lamang akong yakapin siya. At sa tingin ko'y nakatulong iyon upang bumaba ang kaniyang galit, kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya at isiniksik ang aking ulo sa kaniyang dibdib.

"Forgive me, your majesty. Please, forgive me. It won't happen again..." Pagmamakaawa ko. Ngunit hindi ako nakatanggap sa kaniya ng sagot kaya naman kinakabahan ko siyang tiningala, "Forgive me, I- I won't..." Hindi ko na mahanap ang mga salitang dapat kong sabihin.

Dahil lubusan na akong nilamon ng takot sa aking nakikita.

I can clearly see how Intrepid grit his teeth and clenched his jaw. I can clearly see how his madness makes his golden eyes turn into florid for several times. I can lucidly feel how livid he is right at the moment. And I don't know if I'm doing the right thing, but I unknowingly reached for his face, cupped it and caressed his chest up to his face to cup him more.

"Your majesty..." Tawag ko at umiiyak na hinaplos ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ako, kung alam niyang nasa harapan niya ako, kung may kamalayan ba siya sa aking presensya dahil ni isang paglingon sa akin ay hindi niya magawa sa lahat ng ginagawa ko sa kaniya.

Hinangad kong magsalita siya upang malaman ko kung ano ang maaari kong gawin, ngunit tahimik lamang nagsisisi nang magsimula na siyang magsalita.

"How could you do this to me, Nemesis."

Pakiramdam ko'y tinarak ang puso ko ng batalyong punyal, palaso at iba pang matatalim na bagay nang sabihin niya iyon. Hindi ko iyon makuha o maintindihan, ngunit nagbigay iyon ng agarang kalungkutan at takot sa aking dibdib.

"Do- do what?" Hirap na hirap kong tanong, hindi parin nakakabawi sa aking nararamdaman.

Ganoon na lamang ang kagustuhan kong umatras nang bumaba ang paningin niya sa akin, nang bumagsak ang kaniyang mga mata sa akin. Ganoon na lamang ang paghangad kong maglaho, o kaya ay sumama sa hangin nang makalayo sa kaniya. Ngunit nang momento ring iyon ay pinili kong idiin ang aking sarili sa kaniya at higpitan ang aking yakap sa nanginginig niyang katawan dahil sa galit.

"You are driving me crazy," Nalilito niyang bulong, ngunit bakas parin sa tinig ang galit.

Mas lalo pa akong kinabahan nang dumilim na lalo ang kaniyang mukha nang bumagsak sa ginawang marka ni Kentson ang kanyang paningin.

"He marked you..." Bulong niya pa, "He fucking marked you. A hell for him."

"Please, please..." Nanghihina kong saad at muling hinaplos ang kaniyang mukha, "Ca-calm down, I beg you."

"What else did he do to you?" Sa oras na iyon ay nangunot na ang kaniyang noo, animo'y hindi natutuwa sa kaisipang tumatakbo sa kaniyang isipan, "Or what else did you do together?"

Umiling-iling ako at napapalunok na lumuha sa takot, "N-nothing," Kapos sa hininga kong saad.

"Oh really?"

"Pakiusap..." Bumagsak na ang ulo ko sa kaniyang dibdib dahil sa panghihina, "Umuwi na lang tayo, Intrepid."

"You're choosing him now?" Sa halip ay tanong niya.

Mabilis akong napalingon sa kaniya, nakakunot ang noo at nagtataka kung saang bahagi sa mundo niya napulot ang katanungan iyon.

Umiling-iling ako at muling hinawakan ang kaniyang mukha, "Hindi... Hindi, Intrepid."

Hindi siya kumibo, tumitig lamang siya sa akin. Wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ako, pagmasdan ang bawat kilos na ginagawa ko.

"It- it's you... always you, it has always been..." Nahihirapan kong wika at umiiyak na ibinagsak ang aking ulo sa kaniyang didbib.

Sa oras na ito'y wala na kong lakas pa upang gumawa ng kahit na ano. Alam kong wala dapat akong piliin sa dalawang maharlika, alam kong mali ang animo'y pagpili ko sa binatang Dauntless. Ngunit ang gusto ko na lamang ay kumalma kaming pareho, at iyon na lang ang tangi kong naiisip. Nauubusan na ako ng ideya kung paano siya pakakalmahin.

Ilang sandali siyang nanahimik. Gusto kong magbuntong hininga dahil akala ko'y maayos na, ngunit nagkamali ako. Dahil hindi pala talagang madaling pigilan ang mga Dauntless sa kanilang gustong gawin.

"He marked you..." Matigas niyang wika, "I am going to kill him."

Napasinghap ako sa mabilis niyang pagkilos. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya at akmang kakawala upang sumugod kanila Kentson. Ngunit mabilis at determinado ako sa pagpigil sa kaniya. Agad ko ring hinuli ang kaniyang katawan at sa mabilis na pagkilos at tumingala ako at inabot ang kaniyang taas upang tuluyang masakop ang kaniyang labi. Lumuluha akong pumikit at inabot ang kaniyang labi.

Wala na akong ibang maisip na gawin upang tuluyan siyang mapahinto, at kapag hindi ito gumana'y hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang balak at magpapalamon na lamang ako sa kagubatang ito. Hihilingin na maglaho upang huwag nang makagulo pa sa kanila.

I felt him stiffened. I continuously pressed my body against his and reached him more. I clung my arms around his neck to pressed my lips against his, and in that moment I just hoped that what I did would help to ease his anger, to calm his raging storm, to finally close his beast escaping on him.

Under the cold big drops of rain where everything seemed to darkened, I tried sparking my light to calm the beast. Amidst the dark woods which seemed to be as dark as compiled shadows, I believed in the power of a solemn kiss of love. I never know what a kiss could do against a violent uncontrollable anger, I never know the capability of a kiss against a starry vehemence. But I know I just got the beast, and I felt it when he finally responded to my kiss by gripping my body against his and crashing his lips against mine as if finally filling his hunger after a long time.

Fallen ✔️Where stories live. Discover now