You Have Reached Your Destination

72 2 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Four years later...

Kanina pa ako nakatulalang nakatingin sa screen ng laptop ko, hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Ilang mga kanta na rin ang natapos kong pakinggan gamit ang aking earphones, ngunit wala pa rin akong nasisimulan. Paulit-ulit na rin ang aking pagbuntonghininga, tila ba hindi mapakali sa aking kinauupuan. Iniwas ko muna ang tingin ko rito at inilibot sa paligid, at ngayon ko lang napagtantong marami-rami na pa lang tao ang nandito sa loob ng coffee shop na tinatambayan ko ngayon.

Ilang oras na akong nandito sa pag-aasam na baka matapos ko na 'yong sinusulat kong screenplay para sa pelikulang gagawin namin sa mga susunod na buwan. Ako kasi ang piniling magsulat at gumawa no'n kaya tuwang-tuwa naman ako nang malaman 'yon. Pagkatapos kong gumraduate sa kursong Filming ay agad akong nag-apply sa isang kilalang film company sa Manila. At laking tuwa ko naman kasi agad nila akong tinanggap dahil sa mga credentials at portfolio ko.

Hindi ko lubos maisip na mag-aapat na taon na pala akong nasa industriya ng pelikula. Kahit hindi pa man ako ganap na isang direktor dahil minsan ay nagiging assistant lang ako, o kapag ako ang pinipili nila maging script writer, ay kuntento na ako sa kung ano ang trabaho ko ngayon. At masaya akong ginagawa ito. Pero hindi pa rin ako tumitigil na abutin ang pangarap ko balang araw na ako mismo ang magdidirek ng sarili kong pelikula.

Umiling ako kasabay ng aking malalim na paghinga, at nagdesisyon na tumayo para bumili ulit ng kauubos ko lang na hazelnut frappe. Iniwan ko lang saglit 'yong nakabukas kong laptop sa table ko, na abot-tanaw ko lang din. Pagbalik ko habang hawak 'yong in-order ko na frappe ay ipinilig ko ang ulo ko't umayos ng upo. Saka ko ibinalik ang atensyon ko sa screen ng aking laptop at sumipsip muna ng frappe bago ako nagsimulang magtipa sa keyboard.

Nakatulong 'yong instrumental music sa akin para makapag-focus sa sinusulat ko ngayon. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala ang dumaan. Medyo nangangawit na 'yong mga daliri't leeg ko dahil buong oras ay hindi ako masyadong gumagalaw. Prente, at ang tuwid lang ng pag-upo ko. Nakaramdam na rin ako ng gutom, at naalalang hindi pa pala ako nakapag-lunch. Tanghali na rin kasi akong nagising kanina at nagdesisyon na lang ako na dumiretso rito sa coffee shop na palagi kong tinatambayan pagkatapos kong maligo. Kaya naisipan ko at napagdesisyunan na kakain na lang ako pagkatapos ko rito.

Sa kalagitnaan ng aking pagtitipa't pagmumuni-muni ay tumigil muna ako sandali sa aking ginagawa para iunat ang aking leeg at balikat. Kanina ko pa kasi nararamdaman ang pangangalay nito, kaya sumandal muna ako sa back rest ng upuang inuupuan ko ngayon. At bumuntonghininga.

Habang saglit na nagpapahinga ay tiningnan ko muna 'yong mga nasulat ko, at pahapyaw itong binabasa. Sinusuri kung maayos ba ang pagkakasulat nito, at kung hindi ba ito cringe basahin. Lalo na 'yong mga dialogues ng bidang mga tauhan. Nang makumpirma kong maayos naman ay nakahinga ako nang maluwag, at napasuklay sa buhok ko gamit ang aking mga daliri.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Where stories live. Discover now