1st Kilometer

280 19 0
                                    


***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Dilat pa rin ang mga mata ko kahit ala una na ng madaling araw. Hindi ako makatulog. Palagi na lang ganito, bago matulog ay maririnig ko pa kung paano magsigawan ang mga magulang ko. Rinig ko silang dalawang nagtataasan ng boses sa kuwarto nila sa tuwing umuuwing lasing si dad. Ever since mom found out that he had mistresses, halos wala na yatang araw na hindi niya ito kinokompronta. At ito naman ang magaling kong tatay, palaging dine-deny ang katarantaduhang ginagawa niya. Aniya, hindi niya kayang mambabae at lokohin si mama. Mahal na mahal niya ito para gawin 'yon sa kanya.

Love my ass!

Paano niya kaya nagagawang magsinungaling sa aming dalawa ni mama nang gano'n? Gayong nahuli ko na siya noon pa, kasama ang babae niya't pumasok sa isang motel.

And that's the fucking reason why I don't trust him anymore.

The man, who I once adored.

Ipinikit ko ang mga mata ko, nagbabakasakaling makatulog. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay rinig na rinig ko pa rin ang sigawan nilang dalawa sa labas ng kuwarto ko. Kaya wala akong nagawa at bumangon sa kama ko. Kinuha ko 'yong itim kong jacket na nakasabit sa likod ng pinto ng kuwarto ko, saka ko ito sinuot. Kinuha ko na rin ang susi ng sasakyan ko na nakapatong sa bedside table, at ibinulsa. Saka ako lumabas ng kuwarto ko't dumiretso sa garahe. Binuksan ko muna 'yong nakasarado naming gate, at agad din itong sinara bago ako tuluyang umalis.

Pinaandar ko ang speakers ng aking sasakyan, kinonekta ang device ko through auxiliary cord, saka ako nag-play ng music. Kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ang gusto ko lang ay makatakas sa mala-impyernong tahanan namin. Halos mag-iisang buwan na silang ganoon nina mama at papa. Kung hindi magsisigawan, e naririnig ko pa minsan na nagkakasakitan na silang dalawa nang pisikal. May batuhan at siraan ng mga gamit. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Ipit na ipit na ako sa sitwasyon ng pamilya naming ngayon.

Perks of being an only child.

Akala ng iba ay sobrang suwerte raw ng mga katulad ko, palaging nasa akin ang atensyon ng mga magulang ko. Palaging nabibili lahat ng gusto ko. In short, spoiled na spoiled.

But that was just their mere assumption.

This is the ugly truth of being an only child, in my family.

Wala kang matatakbuhan sa tuwing may problema ka.

Salo mo lahat ng sakit, at problema ng pamilya mo.

Sa huli, ako pa rin 'yong kawawa kapag dumating ang araw na mawawala ang mga magulang ko.

All my life, I felt that I was so alone. Bihira lang din ako magkaroon ng mga totoong kaibigan, na kinokonsidera ko na ring mga kapatid ko.

Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiiwasang maging malungkot.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Where stories live. Discover now