4th Kilometer

84 5 2
                                    


***

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

***

Apat na araw na ang lumilipas nang huli kaming magkita ni Asher. At sa mga araw na 'yon ay hindi ko maiwasang hindi siya isipin. I don't know why, but maybe because of his smile. Nakakahawa. Iba kasi ang impact nito sa akin noong araw na 'yon.

And all I want now is to see that smile.

To see him again.

Kaya talagang pinlano ko na magising nang maaga ngayong araw para sunduin siya sa lugar kung saan una kaming nagkita, ang malawak na highway. Mag-aala-singko na, at nakabihis na ako ngayon. Hinanda ko na rin ang mga dapat kong dadalhin lalo na't naisipan ko ring mag-almusal kaming dalawa sa dalampasigan, habang pareho naming hinihintay ang pagsikat ng araw.

Nagluto na ako kanina ng sinangag na kanin, at mga ulam kagaya ng beef tapa, itlog, at pritong talong. Nilagay ko ito sa mga microwavable plastic container. Naglagay rin ako ng mainit na tubig sa vacuum flask para hindi agad mawala ang init nito mamaya kapag magkakape kaming dalawa. Saktong may picnic basket kami kaya doon ko na nilagay ang lahat ng mga dadalhin ko, maging ang nakatuping kulay brown na picnic cloth.

Since wala pa rin ang mga magulang ko ay malaya akong makakaalis ng bahay ngayon. Agad na akong umalis pagkatapos kong maihanda ang lahat ng mga kailangan kong dalhin. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang nagmamaneho, sa kadahilang excited na akong makita ulit si Asher. At makita ang reaksyon niya mamaya sa planong ginawa ko. Pero agad din nawala ang ngiti ko nang pagdating ko sa lugar kung saan kami unang nagkita, ay wala siya roon.

Walang bakas ng pagkatao niya.

Hininto ko 'yong sasakyan sa tabi para bumaba at subukang hanapin siya sa abot ng aking pananaw. Pero nabigo lang din ako sa huli, dahil wala talaga siya roon. Kaya huminga ako nang malalim bago nagdesisyon na bumalik na lang sa loob ng kotse ko't uuwi na lang.

"Miss me?"

Bubuksan ko na sana 'yong pinto ng driver's seat, nang bigla kong marinig ang boses niya. Kaya agad akong nabuhayan ng loob at awtomatikong napalingon sa tabi ko. At ngumiti nang malapad nang makita ko na siya, na naglalakad papunta sa kinatatayuan ko ngayon.

    "Akala ko e hindi ka na pupunta ngayon..." nakangiti kong sambit sa kanya at marahan lang siyang umiling.

    "Puwede ba 'yon?" At nagtawanan kaming dalawa.

    Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya para ako na 'yong magbukas ng pinto sa kabila. Ramdam ko ang tingin niya sa akin habang ginagawa ko 'yon, na kahit nawi-weird-uhan man siya sa ikinikilos ko ngayon ay nakangiti pa rin siya.

    "Mukha yatang maganda ang gising mo ngayon a?" aniya na may kasamang pang-aasar. Kaya inasiwaan ko lang siya.

    "Masaya lang po."

    "Kasi nakita mo na ulit ako?"

    Nagtitigan kaming dalawa pagkatapos niya 'yong sabihin sa akin.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Место, где живут истории. Откройте их для себя