8th Kilometer

44 3 0
                                    


***

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

***

Pakiramdam ko ay para akong nasa alapaap.

    Kahit dalawang linggo na ang nakararaan nang umamin kami ni Asher sa isa't isa, ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Na para bang kay-bilis lahat ng mga pangyayari. Gusto ko mang paniwalain ang sarili ko na hindi ito totoo, na baka guni-guni ko lang ang lahat ng 'to. Pero sa tuwing nakikita ko siya, ay wala akong ibang maramdaman kundi kilig at saya. Lalo na kapag hinahawakan ko ang kanyang kamay sa tuwing nagro-roadtrip kaming dalawa tuwing madaling araw.

    Kahit gano'n lang ka-simple kung iisipin, pero para sa akin ay sobrang espesyal na no'n. Small things with him does matter to me.

    "Jett?"

    Bahagyang kumunot ang noo ko habang nagmamaneho nang tanungin ako ni Asher, na nasa tabi ko lang. Habang hawak ko ang isa niyang kamay na hindi nakahawak sa manibela ng sasakyan.

    "Po?"

    "Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?"

    Napangiti ako sa itinanong niya sa akin at marahang umiling. Saka sandaling napatingin sa kanya bago ko ulit ibinaling ang atensyon ko sa daan.

    "Kailangan mo pa bang malaman 'yon?"

    "Oo. Gusto ko kasing marinig mismo sa bibig mo ang mga bagay na 'yon."

    Nagkibit balikat lang ako't bumuntonghininga.

    "Okay," panimula ko't tumikhim. "Ano nga ba?" sabi ko't tiningnan siya para makita ang reaksyon niya.

    Agad naman siyang sumimangot sa sinabi ko't inirapan ako.

    "Jett naman e..." pagmamaktol niya. Kaya natawa ako sa inasal niya't kaagad na inangat ang kamay niyang hinahawakan ko ngayon para halikan ito.

    "Ito naman, hindi ka naman mabiro e."

    Muli niya akong inirapan, at narinig ang malalim niyang paghinga. "Seryoso nga ako."

    Mayamaya pa ay huminga ulit ako nang malalim bago muling nagsalita. "To be honest, e hindi ko rin alam. I mean...it's too deep to express it."

     Nakita kong sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi dahil sa sinabi ko, kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti nang makita 'yon.

    "Alam mo, huwag na lang. Okay lang naman sa akin kung ayaw mong sabihin—"

    "I like you because every time that I am with you, masaya ako. You are my comfort when things get messy. Sa tuwing nandiyan ka, pakiramdam ko ay ligtas ako. Panatag ang loob ko kapag kasama kita. Lahat ay payapa," sunod-sunod kong sabi.

    Tahimik lang siyang nakatingin sa akin nang tingnan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Kaya nang mapansin 'yon ay tuluyan ko ng ibinaling ang tingin ko sa kanya. At bakas sa mga mata niya ang isang emosyong ngayon ko lang nakita sa kanya.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant