25th Kilometer

25 1 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Agad na tumawag si Jester ng ambulansya para humingi ng tulong, at para asikasuhin kaming dalawa. Buong oras ay nasa tabi ko lang siya't ayaw niyang humiwalay sa akin. Aniya, natatakot siya na baka malingat lang siya sandali e mawala na naman ako sa tabi niya. Wala rin naman akong balak na takasan siya, o gumawa ulit ng bagay na ikakatakot niya dahil pagod na rin ang isip at katawan ko sa mga nangyari. Siya na rin mismo ang naghubad sa basa kong damit at ipinasuot iyong jacket ko para hindi lamigin, at matuyuan. Nagpalit na rin siya ng damit niya't isinuot din ang dala niyang jacket na nasa kanyang sasakyan.

Habang hinihintay namin 'yong mga awtoridad ay hindi ko na napigilan na isuka lahat ng mga gamot na ininom ko kanina. Kaya taranta niya akong nilapitan, at agad na inabot ang bote ng tubig na nakalagay sa harap ng kanyang kotse. At marahang hinagod ang likod ko para pakalmahin.

Agad ko ring ininom ang tubig na ibinigay niya sa akin. Hingal na hingal ako pagkatapos, at nalalasahan ko pa rin sa dulo ng dila ko 'yong pait ng gamot na aking ininom.

Pagkatapos no'n ay tinawagan niya ang mama ko't ipinaalam ang nangyari. Sinabi niya rin kung nasaan kaming dalawa ngayon. Kaya alam kong sa mga oras na 'yon ay natataranta na si mama't sobra ring nag-aalala sa akin.

Inilagay ko na lang ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong jacket, at niyakap ang sarili ko. Nakabukas 'yong compartment ng kanyang sasakyan kaya roon ako nakaupo ngayon. Habang siya naman ay nakatayo lang sa harap ko.

Mayamaya pa ay inangat ko ang aking tingin sa kanya kaya nagtitigan kaming dalawa. Awang-awa niya akong tiningnan at bumuntonghininga. Saka siya lumapit sa akin. At no'ng ilang pulgada na lang ang distansya namin ay nakita kong napakagat siya sa ibabang parte ng kanyang labi. At lumunok.

"Please don't do that ever again, okay? You scared me to death the moment I saw you drowning yourself earlier..."

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapakagat sa ibabang parte ng aking labi para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Tuluyan na niya akong nilapitan at marahang isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Saka niya ito niyakap at marahang tinapik-tapik. Kaya tuluyan na rin akong humikbi't hinayaan ang sarili kong mga luha.

"I'm really sorry..." tanging bulaslas ng aking bibig sa mahina kong boses.

Hinayaan niya lamang akong umiyak sa harap niya't hindi siya umimik. Makaraan ang ilang minuto ay narinig na namin ang busina ng ambulansya sa 'di kalayuan, kaya agad akong umayos ng upo. Siya na 'yong nagpahid ng mga luha sa pisngi ko't muli kaming nagtitigan. Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti, at pagkatapos no'n ay ginulo niya ang buhok ko.

Pagdating ng mga awtoridad ay agad nila kaming nilapitan. Agad din naman silang kinausap ni Jester, at sinabi ang lahat ng mga nangyari. Kaya pagkatapos no'n ay may lumapit sa akin para tanungin din ang kalagayan ko ngayon. Tanging pagtango lang, at marahang pag-iling ang nagiging sagot ko sa kanya.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Where stories live. Discover now