9th Kilometer

41 3 0
                                    


***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?"

Pareho kaming nakaupo sa mga damo, habang hawak niya ang isa kong kamay. At marahan itong pinipisil.

Huminga ako nang malalim at marahang tumango.

"Sorry kung pinag-alala na naman kita nang husto," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Bahagya siyang yumuko't siya naman iyong bumuntonghininga.

"I should be the one to say sorry to you, Jett. Hindi talaga tama iyong sabihan kita nang gano'n kanina, 'cause I'm sounding like I'm invalidating your feelings. But trust me, I didn't mean to say it. Nadala lang ako ng emosyon ko."

Umasiwa ako at ipinilig ang ulo ko. At pagkatapos no'n ay ako naman iyong humawak sa kamay niya't pinisil ito nang marahan.

"Alam ko na sobrang nahihirapan kang mag-share ng nararamdaman mo sa ibang tao, lalo na't hindi ka naman nasanay na gawin 'yon. Kaya kahit papaano ay sobrang thankful ko kasi pinagkatiwalaan mo ako nang lubos, to embrace your pain. To know you more..."

Tipid akong napangiti sa sinabi niya. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako, kaya agad kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Napahawak naman siya sa ulo ko't marahang sinusuklay ang aking buhok.

"Simula no'ng nalaman kong wala ng pag-asa na mabuo ulit ang pamilya namin, iyon din ang araw kung saan nagsimula ng lumayo ang loob ko sa mga magulang ko. I used to be a mama's boy, you know?" kuwento ko't tumigil sandali para tingnan siya.

"Pero simula noong nalaman ni mama ang pambababae na ginagawa ng papa ko, para na rin akong nawalan ng ina. Most of the time, sa akin niya ibinubuntong ang lahat ng galit niya kay papa. Kaya in the end, ako ang sumasalo ng lahat ng 'yon hanggang sa naipon ko't heto ako ngayon..."

Tumigil ako sa pagsasalita dahil naramdaman kong naiiyak na naman ako nang maalala ko ulit iyong mga araw, na hindi ko na kaya't nagagawa ko ng sagutin ang mama ko dahil sa mga panunumbat niya sa akin. Na dapat 'yong sarili kong ama sana ang sasalo.

Nakalulungkot lang isipin na 'yong mga anak pa talaga ang sasalo sa kasalanan, at problema ng mga magulang nila. Na kung sino pa 'yong mga inosente't walang kamuwang-muwang, ay sila pa iyong mas namumulat nang husto sa ganid at poot ng reyalidad.

Na kahit bata pa ay sirang-sira na sila.

Tumingin ako sa kanya at sumilay sa labi ko ang isang malungkot na ngiti.

"Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang mali sa akin. Na kung bakit ako nagkakaganito..."

Yumuko ako pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanya't mahinang humikbi. Agad niyang hinagod ang likod ko, sinusubukang pagaanin ang aking loob. Nang kumalma na ako ay lumingon siya sa akin, at hinawakan ang magkabila kong balikat para humarap sa kanya.

Your Smile In Our Long Drive [BOYXBOY]Where stories live. Discover now