My lips parted. He was calling me? What the fuck? Gusto kong batukan ang sarili ko.

Our conversation ended that way. Sobrang hiyang-hiya ako and I wouldn't want to meet him again. Binigay ko kaagad kay Leigh ang pinaabot ni Yohan sakaniya, when she asked kung sino nagabot, I told her it's Maven and she just nodded. I told my friends about my conversation with Jaden. At kung gaano ko kagustong batukan ang sarili ko ganon rin sila.

Rinig na rinig ko parin ang palihim na tawa ni Leigh so I gave her a death glare. Agad naman siyang tumikhin at umayos ng upo.

"Nakakahiya 'yon, literal." she laughed. "Tahitahimik ka lang pero assumera ka palang gaga ka."

"Tangina mo." I mouthed.

"Dapat linandi mo na kasi. Blessing na 'yong lumalapit, oh!" sabat ni Faith.

"Blessing?"

"Oo! Pogi, matangkad, mabango, mayaman, member ng Acēs, the fact na leader pa!." napakunot ang noo ko, leader? "may future, tapos maganda pa ang katawan!"

"Leader? Siya ang pumalit kay Daniel?"

Nagkatinginan sila ni Leigh at ngumisi. "Oo, hindi pa pala namin nasasabi sayo, we're actually planning to visit their practice spot later."

Napatango si Leigh at siniko ako. "Sama ka ha, don't worry hindi naman tayo magtatagal don, silip lang tayo."

"Saan ba yon?"

"Sa tambayan."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napalingon sakaniya. Sa tambayan?! E doon kami lagi kapag walang pasok 'e!

"Bakit don?!" gulat na tanong ko.

Tamad siyang nagkibit balikat. "Wala silang mahanap, 'e. Sobrang kulit naman ni Yohan, no choice ako kundi i-let go iyon."

"Hindi pwedeng sa bahay na lang nila?" mahina kong saad.

Parang nanghina ako sa narinig. Naroon lahat ng gamit namin. May space naman don at siguradong kakasya roon ang mga equipments ng banda pero iyong mga gamit talaga namin ang inaalala ko. May mga damit pa kami roon dahil minsan ay roon rin kami natutulog kapag napagplanuhan namin ang mag sleep over. Naroon rin ang photo albums namin.

"Gaga! Alam mo naman na strict si Tito!" she said pertaining to Yohan's dad.

"E saan pala linagay mga gamit natin?"

"Nandon padin. Di naman nila 'yon gagalawin, kapag ginalaw nila mga yon malalagot talaga sila sakin."

I nodded my head and sighed. I guess I have no choice but to let them be.

Nang dumating ang professor namin ay agad kaming umupo at nakinig sa dinidiscuss. Nakatulala ako sa harap habang nagsasalita ang professor. So I have to see him again? I immediately shook my head when the scene earlier came into my mind. That was really embarrassing for me considering na iyon ang una naming paguusap.

Gusto kong ibagok ang ulo ko sa kahihiyan. But I'd see him again later. Humugot ako ng malalim na hininga at nakinig na lang sa dinidiscuss ng professor sa harapan.

After the class, agad nila akong inaya na pumunta sa tambayan. Sinabi kong mauna na sila dahil kailangan ko munang magpaalam sa Bahay, but they insisted to come with me para sabay-sabay na raw kami. I shrugged.

"Hindi ka ba natatakot rito?" kyuryusong tanong ni Faith. Nilibot niya ang paningin bago tumingin sakin. "I mean, hindi sa I'm judging them but just by looking at guys here I can tell that they look perverts."

Natawa ako. I couldn't agree more. May mga mababait rin naman pero mas marami talaga iyong mga bastos sa amin. Although, it's not a squatter area, madalas ay iyong mga tambay sa kanto ang mahilig mambastos. And it's one of my reasons why I barely go out.

Mabuti na lang at pinayagan ako ni Mama na sumama sa mga kaibigan ko. I thought she wouldn't allow me because of our last argument. She looks tired but I decided not to ask her anymore. Hindi rin naman niya sasabihin ang dahilan niya, I wonder if she's in a good terms with Papa dahil noong isang araw ay narinig ko silang nag-aaway.

Bumuntong hininga ako at agad na sumunod kila Leigh papasok sa bahay nila. Pagpasok pa lang ay rinig na rinig na ang kantahan at tawanan. They're probably at the basement now.

Inaya kami ni Leigh na kumuha ng mga snacks sa kitchen nila dahil magbibihis raw siya. Ganon rin si Faith, she's so ready, nagdala pa ng pamalit si gaga, mukhang plinano na nila ito at hindi ako agad sinabihan para wala akong choice kundi samahan sila.

Pagkatapos nilang magbihis ay bumaba na agad kami sa basement at naabutan silang nagpr-practice, hindi pa yata nila kami napansin na pumasok dahil patuloy parin sila sa pagtugtog kaya umupo na muna kami sa sofa habang inaantay silang matapos.

I looked around. Naroon pa ang mga gamit. Hinarang lang nila ang dalawang cabinet sa dalawang normal size na kama. It was aesthetic even before but they made it more aesthetic. Naglagay rin sila ng halaman in every corner of the room. Kung titingnan ng mabuti ay para nilang rinenovate dahil ang dating white wall ay naging beige na. Sa pwesto kung saan sila ngayon nakatayo ay naroon ang mga instruments nila and the wall behind them has layers. May ilan ring nakasabit na gitara.

I looked around again and darted on the man who's currently playing a electric guitar on his hand and a mic in front of him. He looks so dreamy.

I blinked. What's wrong with me?

His Benevolence Where stories live. Discover now